CHAPTER 26

2.5K 27 0
                                    


ERIER

Pina-harurot ko ang sasakyan para habulin sila. Inangat ko ang sing-sing sa aking daliri at kina-usap si Marinagua.

"Marinagua! Masamang balita. Hawak na naman nila si Iris," umilaw ang sing-sing at lumitaw mula roon ang maliit na 3d hologram nang mukha ni Marinagua.

"Iligtas mo siya – pilitin mong makarating sa may dalampasigan. Hindi ka namin matutulungan dahil malayo ka sa tubig,"

Huminga ako ng malalim dahil hindi ko naisip iyon. Samantalang matatagalan pa ang tulong mula sa Alien Convention dahil sa mga oras na ito ay nagpupulong-pulong palang sila tungkol sa hakbang na kanilang gagawin.

Wala akong choice kundi suunging mag-isa ito. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin. Kailangan kong iligtas muna si Iris bago ko dalhin malapit sa dagat. At kung nasa kanila rin ang buong grupo, ililigtas ko na rin sila.

"Sige, inform nalang kita," wika ko. "Ako na muna ang bahala – "

Bigla akong nagulat nang may sumabog sa gilidang bahagi nang aking dinaraanan. Mula sa di kalayuan nang mga sasakyang hinahabol ko ay may isang halimaw na naka-dungaw sa bintana. Hawak pa nito ang sandatang nagliliwanag pa at umuusok. Mas malinaw ko itong nakikita dahil gabi na. Halos magliyab ang parteng iyon nang hi-way. Mabuti nalamang na-iwasan kaagad nang sinasakyan ko ang patama nilang iyon.

Nag sunod sunod pa ang pagsambulat nang maraming mga liwanag patungo sa akin. Kabi-kabila din ang pagsabog tuloy kung kaya't panay ang iwas nang Aston Martin. Mahilo-hilo na nga ako sa pag-iwas nito kasi nga mabilis siyang kumakanan at kumakaliwa. Hindi ko na rin nagawang kausapin pa si Marinagua.

Hinampas ko na ang aking braso at umilaw ito. Kung makakalapit ako sa kanila nang kahit ilang metro ay pwede ko silang barilin nang lazer beam ko. 

Pina-ulanan pa nila ako nang mas marami pang lazer beams. Alisto ko nalang na nilabas ang aking braso sa bintana at gumawa nang force field at sinalag nito ang maraming patama na galing sa kanila. Sabog dito at sabog doon tuloy ang nangyari sa paligid. Hanggang sa maisip ko nalang ito, kaya ba nang kotse ang invisible mode? Inutusan ko ang sasakyan na bagalan ang pagtakbo.

May nakita akong kalye sa kaliwang parte ng hi-way at inutusan kong lumiko roon ang kotse. Saka ko ito inutusang mag-invisible mode. Tumigil ako ilang metro mula sa kanto nang kalye tanaw ang hi-way sa harap. Matapos ko itong utusan niligoy ko ang paningin sa buong paligid dahil hindi ko alam kung gumana ba.

Ba-baba sana ako ngunit may isang SUV na sumulpot sa kanto at huminto. At tama nga ako nang hinala, babalikan talaga nila ako at hahanapin. Bumilis bigla ang tibok nang aking puso dahil hindi ko alam kung gumana ba talaga ang invisible mode. 

Balak ko na sanang buksan ang pintuan nang may bumabang dalawa mula sa puting SUV. Mga nag-anyong tao na ang alipores ni Crey. Naglakad sila patungo sa direksyon ko habang panay ang ikot nang paningin. Pigil hininga ko silang pinagmamasdan.

Nang huminto sila at nag-senyasan na bumalik nang sasakyan, saka ako nakahinga nang maluwag. Gumana nga, ngayon pwede ko na silang sundan nang hindi nila nalalaman.

Pagka-pasok nang dalawang Draconian na nag-anyong tao sa kanilang sasakyan, ay mabilis itong humarurot paalis. Nagkaroon na ako nang tamang pagkakataon na sundan sila. At nang muling bumalik ang sinasakyan ko sa hi-way, napansin kong mabagal na ang kanilang pagtakbo. Kampante na silang hindi ako sumusunod ngunti akala lang nila yun. Alam kong na-dedetect nila ang aking energy source kung kaya't ginawa ko ang lahat para babaan ang level nito. Magmumukha kasi akong malayo sa kanila kapag ganoon.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Où les histoires vivent. Découvrez maintenant