CHAPTER 39

2.4K 21 0
                                    


IRIS

Nabitawan niya ako at bumagsak muli sa lupa. Ubo ako nang ubo, humahangos, na halos gumapang ako sa panghihina. Ano ang nangyari?

Pagtingin ko kay Crey, napa-takip ako nang bibig. Nakatayo siya sa harap kong tulala at may malaking butas ang tiyan. Humakbang pa siya patungo sa akin ng dahan-dahan bago bumagsak ng tuluyan sa lupa.

Nasa likod niya si Hector na hihingal hingal at nanghihina. Umuusok pa ang kanyang kaliwang braso. Napatay namin si Crey. Napatay namin ang kaaway. Matatapos na ang digmaang ito.

Kahit dumadaing ako sa labis na sakit ay nagawa ko pang tumayo at tumakbo patungo kay Hector. Niyakap ko siya nang mahigpit. At hindi namin namamalayang kapwa na pala kaming lumuluha.

"Nagawa natin Hector," bulalas ko.

May narinig kaming mga ingay at napansing may mga paparating. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin. Kahit iika-ika siya sa paglakad ay nagawa pa rin niya akong ilayo sa pinangyarihan at dalhin sa gumuhong classroom. Doon kaming nagtagong dalawa. Sumilip kami sa maliit na butas nang isang pader at napag-alaman naming mga alagad ni Crey ang dumating. Patungo sila sa nag-aagaw buhay nilang lider.

Inangat ni Crey ang kanyang kamay. "Tu...tulong!" 

Pinagmasdan lang siya nang kanyang mga tauhan.

"Tignan mo nga naman. Mauuwi lang pala sa ganito ang iyong walang kwentang buhay," wika nang isa niyang tauhan.

"Masyado kasing mataas ang ambisyon mo, gago!" Segundo nang isa.

Tama ba ako nang naririnig, naiintindihan ko sila at yung tono nang pananalita nila may tinatago silang sama nang loob sa kanya. Ngunit magtataka pa ba ako eh mga halimaw nga sila.

"Kahit kailan hindi ka namin rerespetuhin. Sa dinami-dami nang ginawa mong atraso sa amin, pwe!" inangat nang isa yung braso niyang may sandata. Nagkatinginan kami ni Hector. "Habang buhay mananatili kang inutil – Kraxx-x,"

Napa-takip ako nang aking bibig dahil binaril si Crey ng isa niyang alagad sa ulo. Sumabog ito na parang pakwan at hindi ko maiwasang manlaki ang aking mga mata sa labis na kilabot.

"Umalis na tayo rito. Talo na tayo, nagtagumpay na sila," wika nang isa pa.

Kumaripas sila nang takbo at iniwan ang katawan ni Crey na nangingisay pa hanggang sa malagutan na ito ng hininga ng tuluyan. Nang mawala ang kanyang mga alagad saka palang ako naka-hinga ng malalim.

Hindi ko maiwasang yakapin si Hector. "Salamat sa pagligtas mo sa akin,"

Hindi siya nagsalita at na-aawa ako sa kanya. Yung leeg kasi niya umuusok pa at may mga kislap nang kuryenteng dumadaloy, amoy kable pa nga ito. Mabuti nalamang nahanap kami nang robot nang kanyang kasama. Sumulpot siya sa kinaroroonan namin at sinakay kami nito pabalik sa plaza.

Tapos na nga ang digmaan pagdating namin doon at nanalo ang Alien Convention. Ligtas na ang aking buong pamilya, si Albert, pati na ang mga kaibigan ko at ang lahat nang tao sa buong Poblasyon. Nagtipon-tipon na ang mga miyembro nang organisasyon na tila nagdiriwang. Sabi ni Chamie, ninety percent daw nang mga kalaban ang na-pulbos ngunit may mangilan-ngilang naka-takas gaya nung tatlong nakita namin ni Hector.

Parang ang gaan sa pakiramdam na naging parte ako nang pangkat nila. Napagtanto kong hindi pala sila dapat katakutan, bagkus, dapat maging mga kaibigan ko pa. Napa-nganga ako sa itaas nang kalangitan kasi yung higanteng spaceship nang mga halimaw hinigop nang isang kakaibang liwanag sa langit at naglahong parang bula.

"Dinala namin sila sa isang wormhole," bigkas ni Geia na nasa tabi ko pala. "Dadalhin sila sa kawalan kung saan sila nararapat,"

Nakapaligid pala ang tatlong leader sa akin. Naghalo-halong muli ang nararamdaman ko pero sa mga oras na ito, mas nangingibabaw ang kakaibang kaligayahan. Na sa sobrang pasasalamat ko sa kanila, napa-iyak ako at yumakap nang wala sa sarili kay kapitan Ezeros.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now