CHAPTER 36

2.4K 26 0
                                    


ERIER

Halos hindi ko na makilala ang itsura nang loob ng bahay. Nagulo ang mga kasangkapan at may mga nawasak din gaya nang lamesa at mga upuan. Nagkalat pa ang mga basag na salamin.

Dahan-dahan kaming pumasok sa loob at naging alerto sa kung sino man ang maaring sumulpot. Dala pa nila kapitan Okron at Mamir ang sandatang nakuha namin mula sa mga napaslang na Alpha-Draconians. Nagkakatinginan pa kaming lahat habang nililibot ang mga paningin sa buong kabahayan. Walang nagsasalita, tinatalasan ang mga pakiramdam.

Natigilan kami nang may boses na bigla nalang sumulpot at nagmumula ito sa kusina. Nagsenyasan kaming lahat sa pamamagitan nang mukha. Kaming tatlo nila kapitan Okron at Mamir ang sumugod habang nagtungo naman sina Avara at Sok sa verandah. Mabilis kaming pumasok nang kusina habang naka-posisyon ang mga armas na hawak namin.

"Alert! Intruder alert!" bumuntong hininga ako at ibinaba ang weapon.

Si Droid butler lang pala na naka-handusay sa sahig. Tanggal ang kanyang ulo. Naka-kalat sa paligid niya ang mga gamit pang-kusina. Doon namin nalamang wala na pala ang mga kalaban.

At nang makumpirmang wala na nga talaga, nagtipon-tipon kami sa sala. Inutos ni kapitan na halughugin ang buong bahay at siyasatin kung mayroon bang nawalang mahalagang teknolohiya. Kina-usap ko naman si Alta at lumitaw ang 3d hologram nito sa sala.

"Gaya nang sinabi mo Erier hindi ako nagpakita rito bago ka umalis," wika niya. "Hindi rin ako bumaba at iwan itong sasakyan natin,"

"Pupunta kami ngayon diyan Alta," wika ni kapitan.

Bakas sa mukha ni Alta ang tuwa nang makita ang lahat nang mga kasama namin. Sumulpot sina Avara at Mamir.

"They did not notice the teleporter, were still safe, makakapunta pa tayo sa ship," wika ni Avara.

Humarap si kapitan sa amin. "Pinupuri ko kayong lahat," bumaling siya nang tingin sa akin. "Lalo na sa iyo Erier. Niligtas mo kami, utang na loob namin sa iyo ang aming buhay,"

"Sorry kapitan," sagot ko. Nawala kasi yung hatred sa puso ko nang sabihin niya iyon. "Sorry sa pagkawala ni kapitan Zegyr,"

Nabalot kami bigla ng kalungkutan.

Pinatong ni kapitan Okron ang kanyang kaliwang kamay sa aking balikat. "Namatay siyang magiting, tumbasan natin ang katapangang ginawa niya. Sumama tayo sa kanila at makipag-digma – ipaghiganti natin si kapitan,"

Nagustuhan ko ang kanyang sinabi ngunit kuyom naman ang aking palad. At sa loob loob ko, ako mismo ang tatapos kay Crey bilang higanti sa kanya.

"Kapitan!" nabaling ang aming atensyon sa pagdating ni Sok. "Nawawala ang ating transmission,"

Nagkatinginan na naman kaming lahat at ngayon, bigla nalang bumakas ang takot sa aming mga mukha. Yun ang pinuntirya nila. Papaano nila nalaman ang pinaglalagyan nito sa loob nang bahay?

"Malalaman nila ang ruta natin patungo sa ating planeta," sambit ni Avara. "Kapitan, our planet is in great danger,"

Hindi na mapakali si kapitan. "Babalik sila roon, dala ang transmisyon. Kailangan talaga natin magtungong muli roon,"

May sumulpot na namang muli na isang boses. Lumingon ako sa likod at nakitang palapit si Droid butler sa amin na kahit nakalaylay ang ulo ay nakuha pang magsalita.

"Hindi pa sila nakaka-layo," paulit-ulit niyang sabi. Umilaw ang bahagi ng kanyang dibdib at may lumitaw na 3d hologram nang isang mapa. "Nilagyan ko nang tracking device ang sasakyan nila,"

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt