CHAPTER 21

2.5K 27 0
                                    


IRIS

Ang sakit nang likod ko pati na ang aking kasu-kasuan. Nasaan ba ako? Nahihilo pa rin ako. Yung amoy ng matapang na kemikal nasa ilong ko pa rin kasi.

Bumangon ako at napansing, naka-higa na naman pala ako sa isang kama. Pero ibang kwarto naman ngayon. Madilim at may kalamigan kahit pinag-papawisan ang aking kili-kili. May sinag nang liwanag na nanggagaling sa maliit na bintana sa kaliwang parte ng dingding. Yung liwanag nang buwan iyon. Anong oras na kaya?

"Gising ka na pala," napatalon ako sa boses na bigla ko nalang narinig, napalingap ako ng ulo.

Sa parteng malapit sa may sinag mula sa bintana ay may nakita akong puting leather shoes sa sahig. Gumalaw ito, may tao palang naka-upo sa madilim na parte. Naka-dikwatro pa siya. Binabantayan ba niya ako?

"Sino ka?" binaba ko ang aking mga paa sa sahig. "Nasaan ako?"

Lalapitan ko sana siya ngunit tumayo siya sa kanyang kina-uupuan. Napa-atras ako sa kama, inangat ko muli ang mga paa ko pabalik sa kutson hanggang mapasandal ako sa dingding. Mula sa sinag nang liwanag, unti-unti kong nakikita ang kanyang kabuuan.

At nang lumapit pa siya nang kaunti nakita ko ang kanyang mukha. "Crey," medyo naguluhan pa ako.

"Tama Iris ako nga," naka-ngisi siya sa akin. Nawala na yung sugat sa kanyang mukha. "Tsk tsk tsk! Ikaw kasi, ang arte mo, hindi ka naman kagandahan. Gusto mo pa talagang idaan sa santong paspasan ang lahat,"

Uminit bigla ang ulo ko sa sinabi niya, ewan ko ba. "Anong santong paspasan yang pinag-sasabi mo!"

Hindi siya sumagot at para siyang timang na natawa lang. Naka-pamewang pa siya. Kanina lang halos maawa ako sa kanya dahil bugbog sarado siya ngunit ngayon, hindi ko maintindihan ang bago niyang drama.

Nakiramdam ako dahil hindi na siya kumikibo. Kung may dumukot sa akin ngayon ngunit nandito siya. Hindi kaya gawa gawa lang niya yung kanina na kunwari binugbog siya dahil dinukot ang aking pamilya. Na-alala kong umakyat siya ng ligaw minsa tapos pinahiya ko. Hindi kaya, tama si nanay sa sinabi niyang kung ano ang pwede niyang gawin.

Mula sa inis nagbago ang nararamdaman ko sa kaba. Baka hindi totoong dinukot ang pamilya ko. O baka siya ang dumukot sa kanila at pinalabas lang na ibang grupo nang tao. May gusto siya sa akin ngunit bakit kailangang humantong sa ganito.

"Anong ginawa mo sa pamilya ko?" bulalas ko. Nauunawaan ko na kasi kung bakit naririto ako kasama siya. Padabog akong lumapit sa kanya. Gusto ko siyang sugurin at sampalin sa mukha. "Sa tingin mo ba makukuha mo ang loob ko,"

Parang gusto ko ring i-flip ang hair ko. Hindi kasi ako maka-paniwalang sinabi ko ito sa suitor kong gwapo at may kaya pa sa buhay. Oo na, tanggap ko nang hindi talaga ako kagandahan. Pero sa totoo lang, wala akong katiting na nararamdaman sa kanya kahit siya pa si Richard Gomez o Aga Muhlach. Aaanhin ko ang lahat nang yan kung hindi ko naman siya mahal. Si Albert lang ang totoong nilalaman nang puso ko, ang una at huling lalakeng pakamamahalin ko habang buhay.

"Matibay ka talaga," Tumaas ang balahibo ko sa boses niya. Nagbago kasi ito nang timbre, parang nasasapian na nang demonyo. "Ngayon wala ka nang magagawa pa. Mapapasa-akin ka sa ayaw mo at sa gusto,"

Napa-atras akong muli. Nanginig pa sa takot ang buo kong katawan sa aking nakita. Unti-unti kasing may nangyayari sa kanya na hindi ko maintindihan. Nagbabago ang itsura nang kanyang katawan. Lumalaki siya na yung suot niya napupunit. Halos lumuwa ang aking mga mata sa sobrang kilabot. Natulala ata ako.

Kay bilis nang mga pangyayari hindi ko na nasundan pa kung papaano siya nagbagong anyo. Basta naging isa na siyang halimaw sa harap ko. Yung mga taong buwayang kumidnap sa akin dati, ganoon ang naging itsura niya. Mas mukha siyang nakakatakot sa mga iyon. 

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now