Three

7K 212 5
                                    

KABANATA 3
Ayumi's Point of View

“Who are you? What are you doing here?” Hala! May tao pala akala ko pa naman safe na huhu.

“A-ah eh sorry na po pero pwede bang makitago muna dito?” Desperado na ako eh kailangan kong makapagtago nakakahiyaaa.

Pero teka nga? Bakit ba ako yung nahihiya eh sila nga yung may ginagawang kababalaghan at hindi ako pero argh! Kaasar naipit pa tuloy ako sa sitwasyong ito.

“Why? What happend? May nagawa ka bang kasalanan at dito mo pa balak magtago?” muli ay sambit nitong si kuyang ang lamig ng boses, di ko kasi makita yung mukha niya at madilim dito.

“Ehkasingamaynakitaakongnagchuchukchukandunsalabas,” dire-diretsong saad ko.

“Make it slow, I don't understand you,” masungit na sambit niya abat may attitude din ang isang to.

“Ah eh ano kasi ganto yun meron kasi akong nakitang ano ahmm yung kiss basta naghahalikan sila sa labas,” nahihirapang paliwanag ko pa.

“Oh I think I know him--- I mean the one you're talking about,” confident na sabi niya.

Mukhang friendshipness pa nito yung naghahalikan sa labas ah.

“My gosh! Hala wag mo kong isusuhmmph-----

“Shhhh he's coming,” bigla ay tinakpan niya ang bibig ko.

Teka ano daw? Sinong nandito?

“Hey dude! Open the door, I have a problem,” anang tinig na nanggagaling sa labas ng pinto.

Aba iba din itong si kuya! Paano niya nalamang may paparating?

“Yaaah! Dude come'on I know your there, buksan mo na kasi bakit ba nakalock to di ka naman naglolock ng pinto ah,” muli ay pamimilit ni kuyang nasa labas ng pinto.

Hala! Ano nang gagawin ko?

Di pa man ako nakakapag isip ng solusyon ay bigla na lamang akong hinatak nitong si kuyang malamig ang boses papunta sa isa pang kwarto sa loob ng room na pinasukan ko kanina. Hanep lang!

“Stay here okay?” huling sambit ni--- holy shit!

VLADIMIR???

Hala! Siya pala si kuyang malamig ang boses? Di na ako nakapagsalita dahil nawalan na ata ako ng boses dahil sa kanya at tyaka lumabas din naman agad siya kaya naiwan akong mag-isa dito sa silid na ito.

Woaaah! Infairness ah ang ganda nitong kwarto! mayroon palang ganito dito? Parang bahay lang eh may mini sala at may mini bed pa. Wow sarap ng buhay! Pero wala naman akong masabi kasi nga isa siyang Salvador diba? Sana pala may sarili rin kaming school no? Para meron din akong ganto hihi.

“Dude! Badtrip! May nakakita samin kanina,” bigla ay narinig kong sabi ng isang lalaki marahil ay ito yung kumakatok kanina.

“Its your fault, wag mong isisi sa iba,” pagsusungit nanaman ni Vlad.

“I'm not blaming anyone here dude natatakot lang akong mablackmail.” Oh my! Wag mong sabihing ito yung may katukaan kanina?

“Takot ka naman pala yet you're still doing bad things,” sabing muli ni Vlad.

“Hindi kaya bad thing yun no! Try mo ang saya hahaha,” bwelta naman ni kuyang may kahalikan kanina.

Aba! Apakagago!

“Tss I'm not like you,” maikling sagot ni Vladimir.

“Hahaha anyway hayaan na nga natin yun di naman siguro magsusumbong yun di ko pa naman namukhaan si ate haaays,” muling saad ni kuya.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now