TON: 55

2.4K 74 4
                                    

KABANATA 55
Rosalinda’s Point Of View

“Heto na ang araw na pinakahihintay natin anak, ang pagbagsak ng ika unang pamilya mapapa sa atin na din ang inaasam nating ranggo maging pangalawa man tayo ay ayos lang sapagkat sa oras na ikasal ka sa isang Salvador at nagsanib ang ating angkan, tayo na ang mangunguna at magiging sunud-sunuran na silang lahat sa atin," puno ng kumpyansa at masayang sambit sa akin ni daddy.

“I’m gonna be the Queen and Vlad will be my King hahaha sounds great right Daddy?” Dagdag ko naman sa positibong imahinasyon ni dad. Syempre mana ata to sakanyo no!?

“Then better get ready my princess dahil mamaya na magaganap ang pinakahihintay nating pagkakataon because tonight will gonna be ours." Pagkasabi non ni dad ay nagpaalam na din akong pupunta na sa taas para mag ayos dahil tulad nga ng sabi ni daddy, later tonight will gonne be our night.

Mahaba ang naging paghahanda ko sapagkat kailangang ako maging pinaka maganda sa pagdiriwang na iyon. Kung maaari nga lang ay pati ang apat na paragon ay aking mahigitan hahaha.

Ang tinutukoy kong paragon ay ang apat na descendants ng unang apat na bumuo ng ranggo sa pagitan ng mga clan. They are the most respective individual in our own world. Sila ang nakaasign sa pagraranggo at pagpapanatili ng kaayusan sa pagitan ng bawat pamilya. They're also rich and damn powerful pero hindi sila kasama sa ranking dahil iba ang nakaatang sa kanilang posisyon at responsibilidad.

Alas otso na ng gabi ng makarating kami sa venue ng pagtitipon. Ang lahat ay pawang magagara ang mga kasuotan pero alam ko namang walang hihigit sa suot ko ngayon na talaga namang nangingibabaw. Isa itong pulang gown na talaga namang hapit na hapit upang mabigyan ng highlight ang bawat kurba ng aking katawan. Ang suot ng karamihan ay pawang mga dark colors na siyang nagsilbing dahilan upang mangibabaw ang suot ko na para bang kakulay ng sariwang dugo sa pagkapula nito.

Agad kong inilibot ang aking paningin upang hanapin ang aking pinakamamahal na si Vladimir, of course they should be here at di nga ako nabigo nang sa di kalayuan ay kumpleto ang pamilyang Salvador mula sa kanilang lolo hanggang sa pinakabunso na si Krizele.

Halatang hindi pa rin maayos ang kampo nila Vlad at ang kampo ng lolo niya dahil sa distansiyang mayroon sila at sa paraan ng pagkakatitig ni Vladimir sa kawalan but what can he do? This event should be attended by all of them at sa ayaw man nila o sa gusto ay dapat magkakasama sila to let everyone know that their family is solid and intact. Tss, tss kawawang mga Salvador mabilis lang na napaikot ni dad haha.

Kaya naman nakaisip ako ng very bright idea, wala nang paligoy ligoy pa agad kong niyaya si Daddy na magtungo sa pwesto nila.

To insult them? No! Syempre para kamustahin ang fiance ko hihi.

“Hello there Vladdy baby," masayang pagbati ko kasabay ng halik sa pisnge ng napakaseryosong si Vladimir.

Nakita ko pa ang simpleng pag irap ng bunso nila. Tsk pake ko naman sa Krizele na yan eh si Vlad lang naman ang kailangan ko.

“You’re here? But How?” Agarang tanong naman ni Kirby.

Oh great! Hindi pa nga pala nila alam na ako ang heiress ng Pistol Clan dahil sa gulong nangyari sa engagement party last time di na sila nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang daddy ko and si Lolo Knarzel lang din ang nakakaalam ng real identity ko kaya nga napapayag namin siyang maging fiance ko si Vlad, diba?

“Mukhang wala pa palang nababanggit sa inyo ang lolo niyo, kung sa bagay ay hindi naging maganda ang kinalabasan ng engagement party kaya hindi na rin kami pormal na naipakilala sa inyo ng inyong lolo," makahulugang saad ni dad na sinalo ako mula sa mapanuring tanong ni Kirby.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now