TON: 19

2.9K 97 3
                                    

KABANATA 19
Ayumi's Point of View

Waaaaaah good morning self! Grabe antok pa ko huhuhu. Pupungas-pungas pa 'ko ng mata nang bumangon at inabot ang phone.alas nuebeeeeeee na!!!!!

"Bakit walang gumising sakin huhu," nasa camping ako ngayon late na kooo!

Dali-dali akong nagprepare at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto only to see-----

Vladimir na prenteng nakaupo sa sofa sa labas ng room na inuukupa ko.

Teka? Ngayon ko lang napansin na parang hindi normal ang lugar na to. I mean, hindi katulad ng mga pangkaraniwang hotel rooms.

"VIP Rooms," bigla namang nagsalita si Vlad. (kaya naman pala)

"Di naman ako nagtanong ah?" pagtataray ko naman.

"Whatever. Anyway bakit ang tatagal niyo bumangon?" pag-iiba naman niya ng usapan.

"Waaaah Oo nga late na tayo tara naaa," bigla tuloy ako ulit nataranta.

"Relax Ayumi, okay? Nobody knows na nakarating na tayo dito kaya walang maghahanap sayo," pang ookray pa ni Vlad.

"Aray naman! Meron kayang maghahanap sakin. Sila Cathy, Vivian, Jhanece, Kisha baka nga pati yung dalawang Ryza hanapin din ako kasama na pati mga alipores niya sina Rhona Laisa at iba pa. Oh diba ang dami nila?" At talagang ipinagmayabang ko pa pati mga kontrabida sa buhay ko haha.

"Talagang inisa-isa mo eh noh? Anyway tara na din sa baba gutom na ko, ang tagal niyo kasi bumangon pati mga kuya ko naglalaway pa ata tsk," nakakaasar din talaga tong Vlad na to eh.

Sumunod na din naman ako syempre, gutom na din kasi talaga ako eh. Habang naglalakad ay di ko napigilang di magtanong.

"Ahmm Vlad? Bakit nga pala kasama ako sa VIP room dapat sa baba nalang ako kasama ng mga ibang Seniors," tanong ko kay Vlad.

"Sisihin mo sila Mommy. Sila may trip non eh. Ayaw ko naman talaga sana sa VIP room, eskandaloso kasi," habang tumatagal eh dumadaldal na din si Vlad in all fairness naman.

Matapos kong marinig yun ay hindi nalang ako umimik at sumabay na lang sa pagsakay ni Vlad ng elevator.

Pagkarating sa baba ay mabuti na lamang at kakaunti ang tao, walang masyadong nakapansin sa pagdating namin.

Nasaan kaya ang karamihan sa studyante? Diba dapat ay sobrang madami ito dahil limang Universities ang kasama namin sa team building?

"Nasa tabing dagat ang lahat may boodle fight daw." Binabasa ba nito ang iniisip ko?

"Curious kasi masyado yang mga mata mo, nanghuhula lang ako," dagdag pa nito.

"Hahahaha oo na. Anyway una na ako ah? Sunod ka nalang. Mahirap na baka kung ano pa isipin ng iba," pagkasabi ko nun ay nauna na akong maglakad.

Di naman na siya umangal.

Pakarating ko sa may tabing dagat---

Woah!!! Ang dami nila waaaah!!!

"Ayuuuuuu ditooooo!!!" sigaw ng isa sa mga dati naming kaklase ni Jhanece sa BIS (Brint International School)

(A/N: School ng TagSen hihi >///<)

Mabilis naman akong kumaway at nagtungo sa kanila. Naroon din naman sina Cathy, Vivian at Kisha sa malamang ay isinama ni Jhanece.

"Hello sa inyo," nakangiti kong bati sa kanila pagkadating ko mismo sa pwesto nila.

"Beeees bakit ngayon ka lang? Kaasar ka talaga!" singit naman agad ni Jhanece.

"Oo nga insan bigla na lang tumawag si tita kahapon at sinabing asikasuhin ko yung mga gamit mo," si Vivian naman ngayon ang sumingit buti nalang talaga binilhan ako nila Vlad ng mga extrang damit kahapon.

"Shhh isa-isa lang okay? Mahina ang kalaban," nakuha ko pang magbiro talaga haha di ko na nga alam ang isasagot ko sa kanila.

"Oh! Look whose here? The perfect daughter," bigla na lang may nagsalita sa likod ko.

"Hahahahahahaahaha" May kasunod pang mga halakhakan.

Kaya lahat kami ay napalingon sa kanila.

"J-Jotham?" What the hell! Oo nga pala schoolmates kami dati at kasama pa niya ang squad nila.

"Bakit namiss mo?" sarkastikong tanong naman ni Jhanece.

"Hahaha at bakit ko naman mamimiss ang babaeng yan? Eh ang boring naman," muli pang nagtawanan ang mga kasama niya pagkasabi niya non.

"Hahaha dude, be gentle naman dapat nga magpasalamat ka kasi madami kang nakuhang pera dahil sa kanya hahaha," saad pa nung isa niyang barkada.

Malakas na tawanan nanaman ang nakuha ko mula sa kanila. Maging ang ibang mga estudyante ay nakikiusyuso na din. Halos di nanaman ako makahinga.

Di ko alam pero sa tuwing nasa ganito akong sitwasyon nanghihina talaga ako, hindi ako makahinga ng maayos.

"Ano ba! hindi ba talaga kayo titigil? Dalawang taon na ang nakalipas di ka pin nakakamove-on?" Sobrang nanggigigil na si Jhanece ngayon.

"Anong meron insan?" nagtanong naman sa akin si Cathy pero di ko alam kung paano sasabihin.

"T-tara na, wag n-niyo nang p-patulan," niyaya ko nalang sila para di na lumala pa ang gulo.

"Hahaha kawawa talaga noh? Naalala ko nanaman tuloy yung gabing yun haha I saw her clear with my own two eyes hahaha," sambit pa nung isang babae niyang friend.

Napakuyom nalang ako bigla di ko na talaga kaya to please somebody help me get out of here. And in just one snap bigla nalang ulit may nagsalita.

"Believe me, you wouldn't want to mess with Salvadors," bigla nalang natahimik ang lahat dahil dun.

"V-Vlad" nasambit ko nalang.

"Babe? Are you okay? Kanina pa kita hinahanap eh nandito ka lang pala." Hala! Ano daw? May pagcheck pa siya kung ano ang lagay ko.

Kung ako nagulat eh ang mga studyante pa kaya na nakikichismax? My gosh! Di pa pala kami tapos magpretend eh pero mabuti na rin siguro to para tigilan na ako ni Jotham.

"I-I'm sorry, ang tagal mo kasi eh kaya nauna na ko," pagsakay ko naman sa trip na to.

Grabe kanya-kanyang singhap ang lahat. Maging sina Jhanece ay panay ang kalabit sa akin.

"Tell me, ginugulo ka ba ng lalaking to?" tanong pa niya.

"Ah its okay lets just go? Biglang sumama ang pakiramdam ko eh," ang gusto ko nalang talaga ngayon ay ang maka-alis dito.

"Bakit anong gagawin mo kung ginugulo ko nga siya?" mayabang pang tanong ni Jotham kay Vlad.

Bigla namang ngumisi si Vlad at may iniitchang card kay Jotham na agad naman niyang nasalo at tiningnan at nanlalaki ang matang biglang nagsalita.

"Oh shit! Guys we have to go," pagkasabi non ay dali-dali na itong umalis.

Maging ang mga kaibigan niya ay sumunod na din kahit pa mga naguguluhan pa rin sa biglaang ikinilos ni Jotham.

"Lets go babe?" nakangiting baling naman sa akin ni Vlad.

Aba ang loko kinarir ang pagtawag ng babe tss, siniko ko nga. Kenekeleg eke eh HAHAHAHA, JOKE LANG !!!

Hindi na sana ako sasama kaso bigla siyang may ibinulong.

"Pag di ka sumama dudumugin ka ng mga tao at babahain ka ng mga tanong, sige ka haha," tumawa pa talaga ang loko.

"Oo na tsk kasalanan mo to eh," nakapout pang sabi ko.

Hinatak naman niya ko bigla kaya di na ako nakapag-paalam ng maayos kila Jhanece. Kumaway na lang ako at sinabing magpapaliwanag ako mamaya.



To be continued.....
©Mikireyaki(AteMikay)
FB Account: Mikay Grasseto

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now