TON: 37

2.1K 81 1
                                    

KABANATA 37
Ayumi's Point of View

"Vlad pangatlong araw na nating di umuuwi oh, ano ba talagang balak mo?" Pangungulit ko nanaman kay Vlad. Bawat segundo, minuto, oras at buong araw na ata kong nangungulit sa kanya.

"Bakit? Ganon mo ba ko ka-ayaw makasama?" Nakapout pa talaga siya. Hah! Hindi mo bagay.

"Boss panay ang pagpout natin ngayon ah haha," singit ni Ate Angelica.

"Hahaha nagpapacute kay Lady Ayumi," panggagatong naman ni Ate Hillary.

Tumawa na lang tuloy kami ni Antonette habang si Vlad eh sumimangot na nga ng tuluyan.

"Eh kung sesantihin ko kaya kayo? Pinagtitripran niyo nanaman ako. Sino ba boss dito?" Asar na saad ni Vlad.

"Boss naman di ka na mabiro," nakiboss na din ako hahaha.

"Oh ayan pwede mo na kaming tanggaling apat hahaha," turn naman ngayon ni Antonette para makisali sa asaran.

"No! Kayo lang tatlo. Di naman nagtatrabaho si Ayumi bakit ko tatanggalin ang asawa ko eh siya ang boss ko," nakasmirk pa ang baliw. Luh? Ang corny hahaha.

"Edi maghiwalay na tayo hahaha," biro ko naman pero si Vlad sinamaan lang ako ng tingin.

"Grabe di mo na talaga ko lab huhuhu," kunwari pa siyang umiiyak. Si Vlad ba talaga to?

"What the! Exit na ko di ko na kaya to! Ang corny mo boss," sabay walk out pa ni Ate Angelica.

Tumawa nanaman tuloy kami. Nakakaloka ang isang Vladimir Salvador.

"Pero seryoso Vlad, iniiba mo nanaman kasi ang usapan eh uwi na kasi tayo buti sana kung hawak ko man lang phone ko diba? Eh kaso kinuha mo sakin tsk." pagmamaktol ko pa.

Kasi naman, di tuloy ako makatawag kina mommy baka nag aalala na sila. Pangatlong araw ko na to dito at hindi talaga ako pinapalabas ni Vlad nakakahiya na nga kina ate Angelica kasi sila ang bumili ng mga damit ko pati na mga undergarments waaaaaah naalala ko pa nung tinanong ako ni Vlad kung ano ang cup size ko! Nakakahiya nasampal ko pa nga si Vlad nun eh. Ang baliw kasi tanungin ba naman ako sa harap ng mga tauhan niya? Huhuhu.

"Andito naman ako ah sino ba kasing namimiss mo dun?" Asar na saad pa ni Vlad.

Nabuang na nga ata ang isang to.

"Malamang sila mommy, daddy, si kuya, mga pinsan at friends ko tiyaka siyempre si baby Gio din hays ewan ko sayo Vlad uwi na kasi tayo," kung asar siya mas lalo naman ako!

"Edi gawa na lang tayo ng isa pang baby Gio para di mo na muna siya mamiss" nakangisi pang aniya. P*ta?

"VLADIMIR! ANO BA DI AKO NAKIKIPAGBIR----

*wang *wang *wang

Asar na asar pa sana ako kaso bigla na lamang may tumunog at nagblink - blink yung ilaw hanggang sa naging pulang ilaw ang dating kulay puti, kasabay ng maingay na tunog ng alarm na animo'y may emergency.

"V-Vlad what's happening?" Kinakabahang tanong ko.

Hindi sumagot si Vlad bagkus ay dali-dali niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak patungo sa kung saan. Pansin ko rin ang pagiging seryoso niya at ang biglaang pag-iiba ng atmosphere.

Kahit hindi ako sagutin ni Vlad ay alam kong may mali.

Ano ba kasi ang nangyayari?

"Dito ka lang at huwag na huwag kang lalabas, understand?" Seryosong bilin sa akin ni Vlad.

"Pero Vlad ano ba talagang nangyayari ha?" Please Vlad gusto kong malaman ang totoo.

"Basta trust me, okay? I will handle everything." Hinawakan niya ko sa kamay.

"Vlad naman---

"I just want you to be safe so please listen to me baby okay?" Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at bakas din ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Wala na kong ibang nagawa kundi ang mapatango nalang at gaya nga ng sabi niya ay pagkatiwalaan ko siya. I just hope nothing bad will happen to him dahil ikamamatay ko pag may nangyaring masama sa taong mahal ko.

Lumipas pa ang ilang mga sandali at hindi pa rin siya bumabalik. Inip na inip na ako at alalang-alala. Nasa peligro ba ang buhay namin? Bakit niya ko tinatago? Bakit gusto niya kong maging safe pero siya nasa labas? May kalaban ba siya? May gusto bang pumatay sa kanya?

Argh! Sobrang dami nang pumapasok sa isipan ko, kinakabahan na din ako pero nanaig pa rin ang kagustuhan kong malaman kung ano ang nangyayari sa labas.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Naghahanap ng posible kong malabasan pero bigo ako, masyadong selyado ang buong silid ni hindi ko nga alam kung paano pa bang nakakapasok ang hanging nilalanghap ko sa lugar na ito. Ano bang klaseng kwarto to?

Ang dami kong gustong itanong kay Vlad pero alam kong palagi niya lang iibahin ang usapan at iyon ang nakakalungkot na parte dahil pakiramdam ko ay hindi isang daang porsyento ang tiwalang mayroon siya para sa akin. May mas alam pa nga ata sila ate Angelica sa buhay kesa sa akin na asawa niya daw "kuno" kahit hindi naman. Tsk.




To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt