TON: 46

2.1K 73 0
                                    

KABANATA 46
Ayumi's Point of View

Habang tumatakbo kami ni Lucas ay bigla kong naala yung dati, nung best friends pa lang kami.

Ano kaya kung hindi nalang naging kami, hindi sana magbibreak at nanatiling magkaibigan lang? Edi sana hanggang ngayon pag may problema akong katulad nito hindi awkward tumakbo habang hawak niya ang kamay ko.

Dahil sa naisip ay bigla na lamang bumuhos ang luha mula sa mga mata ko dahil halo-halo na rin ang emosyong nararamdaman ko. Sakit, napakasakit puro na lang sakit ang nararamdaman ko. Ayoko na!

Hindi ko na kaya---

And with that everything went black... again.

"Ayumi? Ayumi gising na please?" Saad ng isang boses na nakapagpagising sa diwa ko.

"Lucas?" Di siguradong tanong ko sa lalaking nasa harap ko. Nasa loob ako ng isang di kilalang sasakyan.

"Are you okay? Bigla ka na lang kasing nawalan ng malay kanina," nag-aalalang tanong niya pa.

"Okay lang ako, wag kang mag-alala sanay naman na akong nawawalan ng malay," walang buhay ko pang sagot sa kanya.

Palagi nalang ganito. Siguro dahil sa sobrang dami at sunod-sunod na dagok na nararanasan ko ay kusa nang sumusuko ang katawan ko. Mabuti nga at nagigising pa ko kasi baka pag tuluyan na kong napagod ay mismong sarili ko na ang umayaw at kusa nang bumitaw pati sarili kong buhay.

"Nga pala narito tayo ngayon sa bahay ko, alam ko kasing maaari ka nilang hanapin sa bahay niyo kaya minabuti ko nang dito ka dalhin dahil alam kong hindi ka pa handang makausap ang kahit na sino man sa kanila kaya dito ka na muna at hindi na din ako mangungulit hahayaan na muna kitang magkapagpahinga," mukhang nakaramdam din naman si Lucas na umiiwas ako sa topic tyaka pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumaba na ako sa sasakyan niya tyaka iginiya niya ako papasok ng bahay niya na parang mansiyon sa laki at tyaka dumeretso ako sa kwarto at doon sinabing gusto ko munang mapag-isa.

Habang nakahiga ay unti-unting bumalik sa alaala ko ang mga napanaginipan ko kanina habang wala akong malay at ngayon alam ko at sigurado na akong hindi lang basta panaginip yon kundi mga.....

Ala-ala ng nakaraan.


*bwaaaaaak

"Babe, are you okay? What happend?" saad ng nagaalalang si Vlad sa akin.

"Okay lang ako, normal lang naman daw to sa taong buntis," paniniguro ko pa sa kanya.

"But you look pale honey sigurado ka bang okay ka lang talaga?" pangungulit niya pa.

"Oo nga ang kulit mo naman eh normal nga lang to promise," naisagot ko nalang.

"Fine, basta pag may naramdaman kang kakaiba just tell me my wife okay?" saad niya pang muli.

"Ikaw konti na lang talaga bibingo ka na sakin, paiba-iba ang tawag mo sakin nalilito na ko sayo. Siguro andami mong babae no?" pang-aasar ko pa sa kanya.

"Your gonna be my first and last kaya sayo ko na lahat tinatawag dahil hindi ko na balak ang maghahanap pa ng iba." Argh! Lahat na lang talaga ay may palusot siya.

"Amp! ewan ko sayo!" ayan asar talo nanaman tuloy ako.

"Hahaha kaya ikaw baby Gio bilisan mo ang paglabas ah wag mo papahirapan si mommy Ayumi mo," pagkausap naman ni Vlad sa limang buwan ko nang ipinagbubuntis na si baby Gio.

Lalaki daw kasi ang anak namin. Yun ang resulta ng magpa-ultrasound ako kaya si Vlad hayun at gustong-gusto ang pangalang Giovanni para sa bata. Si Daddy naman ipinagpipilitang Psamiel daw dapat ang pangalan habang ang daddy naman ni Vlad dapat daw ay Knarzel kaya para walang away sinabi kong ipapangalan ko lahat ng yon sa anak ko.

Bahala na kakong masisi ng anak namin pagdating ng araw na papasok na siya sa eskwela dahil sa haba ng pangalan niya baka malate siya palagi sa pagpass ng papel niya. Aba! pangalan pa lang halos mapupuno na ang papel niya.

Knarzel Giovanni Psamiel Grefaldo Salvador

Oh diba ang ganda pero pagka haba-habang pangalan hahahaha

-----

Tatlong araw nang hindi pumupunta sa bahay namin si Vlad namimiss ko na nga siya ang sabi niya ay may aasikasuhin lang siya pero naalala ko bigla nung minsang aksidente kong napakinggan ang usapan nila ng daddy niya sa phone.

Tila ba meron silang problemang napakalaki base na rin sa ekspresiyon ng mukha niya pero mas minabuti kong wag na lamang magtanong dahil labas na ako doon.

Kung tutuusin parang nagbabahay-bahayan lang kami ni Vlad. Nandito siya sa bahay dahil siya ang ama ng ipinagbubuntis ko, hindi naman talaga kami kasal kaya wala pa rin akong karapatang manghimasok sa personal niyang problema.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga lubos maisip kung paano nangyari ang lahat ng ito.

Isang araw napakaperpekto kong anak halos bahay-school lang ako tapos ngayon magkakaroon na ako ng sarili kong anak?

Natatawa at napapa-iling na lang talaga ako sa tuwing napapaisip ako.

Pero ang hindi ko matanggap sa ngayon ay ang hindi pagpapakita sa akin ni Vlad ng halos tatlong araw na. Monthsary namin ngayon pero ni isang text or tawag wala.

*craaaaaaaaack

Habang nagtatampo ako sa gilid ay bigla na lamang nabitawan ni yaya yung basong pinupunasan niya. Bigla din tuloy akong kinabahan pero hindi ko muna ipinahalata bagkus ay pumanhik na lang ako sa kwarto ko sa taas para maiwaksi ang mga iniisip.

Ngunit ng makarating sa kwarto ay iba ang nadatnan ko. Isang liham na kalakip ng walong mga rosas.

My Love,

I'm really sorry but I have to do this.
Para na rin to sa ikabubuti ng lahat.
Sana maintindihan mo ang naging desisyon ko.
I love you and Goodbye.

---K

K, isa lang ang kilala kong mahilig maglagay ng K na initial kaya alam ko kung kanino galing to at hindi maaari ang gusto niyang mangyari.

Marami pa akong naalala as in lahat-lahat walang labis walang kulang maging yung palagi kong napapanaginipan noon ay totoo pala at maging yung nakita ko si ate Rosa sa kwartong inuukupa ni Vlad sa hotel na tinuluyan niya noon ay totoo lahat.

Marahil ay totoo nga ang hinala ko noon na kaya ako iniwan ni Vlad ay dahil si ate Rosa talaga ang mahal niya at napipilitan lang siyang pakisamahan ako dahil nga ipinagbubuntis ko ang anak niya.

Muli nanamang bumuhos ang mga luhang akala ko ay ubos na.

Two years ago, I met him and at the same time he left me with just a small letter and 8 roses without any explanation and a valid reason.

It hurts like how I feel right now with the same reason.

Sobrang sakit to the point na parang gusto ko nalang mamatay.




To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now