TON: 33

2.6K 79 2
                                    

KABANATA 33
Ayumi's Point if View

"Good Afternoon Class," agad na bungad ni Sir Mel.

After 2 weeks ngayon na lang ulit ako nakapasok sa school.

Wala naman na sana akong balak na makinig eh wala kasi ako sa mood kaso bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba nang pagkatapos ni Sir na maupo sa table sa harap ay may sinenyasan siyang pumasok kaya napatingin kaming lahat sa pinto at hindi ko alam kug paano magrereact dahil sa nakita ko.

No! wag mo sabihing pati siya ay magiging classmate ko din, ang lakas lang mantrip ng tadhana, jusko!

"Mr. Manrique here is your new classmate, please introduce yourself mister," panimula ni Sir ng makarating sa harap si----

"Hi sa inyo, my name is Ivan Lucas Manrique, sana maging friends tayong lahat," panay ang ngiti niya (yan naman talaga ang best asset niya ang kanyang makalaglag panty na smile) haaays di ko nga alam kung paano ako nahulog sa bitag niyan tsk

Maya-maya pa ay may nagtaas ng kamay, si Ryza na halatang interesado sa lalaking nasa harap edi wow! sila na!

"ah pwede magtanong kung bakit ka nagtranfer dito sa school namin? No offence ah kasi base sa mga usap-usapan eh maganda ang career mo sa dati mong school," aba! likas na chismosa ang isang ito haha bilis ng balita ah in fairness may point naman kasi siya, maging ako man ay curious na din. Ano bang trip ni Lucas at may palipat-lipat pa siya ng school na nalalaman kung tutuusin ay tama naman si Ryza maganda ang career ng isang yan sa dati niyang school sikat siya dun at siya ang madalas na ilaban ng school sa mga inter-school competitions mapa sports man, academics at kahit mga pageants ay siya ang pambato at oo halatang wala akong pake diba? *(insert sarcasm here)*

"ay hehe magandang tanong yan, anyway kaya ako nag transfer eh kasi gusto ko makaexperience ng bago, yun bang new surroundings, new experiences, and siyempre new friends na din at isa pa may hinahanap kasi ako at ang sabi sa akin ay dito ko daw siya mahahanap," pabebe namang sagot nito pero kinilabutan ako ng binanggit niya yung mga huling katagang binitawan niya, tutok na tutok kasi ang paningin niya sa akin habang binibigkas yung part na may hinahanap daw siya.

Pake ko naman kung may hinahanap siya? Makatitig naman to para namang maiinggit ako dahil dun pwe! Hindi na ako katulad ng dati uyy! Pagkatapos nun ay pinaupo na din siya ni Sir. Naupo siya sa kabilang row since doon nalang ang may vacant seat. Maya-maya pa ay dumating na din sila Vlad at naupo na sa kanikanilang upuan.

"woah! May transferee nanaman pala tayo astig haha," daldal ni Cathy, ang dakilang hyper ng squad.

"tsk another transferee," mahinang sambit ni Vlad.

"di ko feel ang isang yan, parang may hidden agenda," seryosong sabi naman ni Jhanece.

"haha ang seryoso mo naman bago yan ah," si Vivian na nang ookray.

"Quiet!" eksena ni Vlad na halatang wala sa mood.

Discuss
Discuss
Discuss

Kriiiiiiiiiiiing!!!

Ayan sa wakas ay uwian na, kanina ko pang hinihintay na mag-uwian dahil wala talaga ako ngayon sa mood para mag-aral. Mabilis na nag-ayos ako ng gamit dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga mangyayari pag nagtagal pa ako rito.

Pansin ko rin na kung gaano ako kabilis mag-ayos ay siya ding pagmamadali ng lalaking nasa kabilang row, oh come'on not now Lucas not now please, hindi pa ako ready na harapin ka dahil malalim ang sugat na idinulot mo sa akin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naghihilom.

"Ano ba!!!" sigaw ko sa taong bigla na lang nanghablot sa braso ko.

"What's your problem?" hala si James pala ang assuming mo kasi Ayumi akala mo naman si ano na.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now