TON: 54

2.3K 67 2
                                    

KABANATA 54
Ayumi's Point Of View

Nagising ako hindi dahil sa iyak ni baby Gio kundi dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Seriously? Parang natataranta ang lahat sa baba ah. Ano nanaman bang nangyayari?

Kaya naman dahil sa curiosity ay pinili ko na ring bumangon na para tingnan kung ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng mga tao sa labas. Sandali ko pa munang sinilip ang anak ko na pagka himbing-himbing ng tulog bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Pagkababa ay nadatnan kong abala ang lahat ng mga tao at bakas din sa kanilang ekspresiyon ang pagkataranta. Bakit kaya?

"Nisa anak," dinig kong pagtawag sa akin ni ina.

Tulad ni James ay mas gusto nilang Nisa ang itawag sa akin, naninibago man ay hinayaan ko nalang din at alam kong masasanay din ako paglaon.

Narito nga pala ako ngayon sa mansiyon nina ina. Narito kaming lahat kasama sina mommy at daddy pati na rin si kuya at iyon ay dahil sa katotohanang gusto kong mailayo sa gulo ang anak ko.

"Anak alam kong madami kang pinagdadaanan nitong mga nakaraang araw pero kinakailangan mong maghanda dahil mayroon tayong mga hindi inaasahang bisita," malumanay ngunit may babalang tugon ni ina habang hinahaplos pa ng marahan ang aking buhok.

Tila bigla akong kinabahan sa paraan ng pagkakasabi niyon ni ina, pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.

"Ano po bang ibig niyong sabihin ina at sino po yung mga bisitang tinutukoy niyo?" Hanggang ngayon ay awkward pa din talaga akong makipag usap kay ina at sana ay maintindihan niyang nag-aajust pa din ako.

Bago pa man makasagot si ina ay dumating na sila ama at si daddy ng magkasama na pawang napakaseryoso ng kanilang mga ekspresyon sa mukha.

"Anak mayroon kang kailangang malaman, panahon na para sa muling pagbangon ng ating angkan," makahulugang saad ni ama na tinangu-tanguan pa ni daddy.
.
.
.

Samantala sa Angkan ng mga Salvador.....
[Vlad's POV]

"Vlad ano na ang balak mo? Parating na sila baka tuluyan nang masibak sa pwesto ang ika-unang pangkat," seryosong tanong sa akin ni kuya Mel.

"I don't care." Walang emosyong turan ko na siyang ikinasama ng tingin sa akin ni kuya Mel.

"Himala ata at napakaseryoso mo ngayon kuya hahaha," biglang humirit ang isa ko pang kapatid na sira ulo.

"Kahit kailan talaga kuya Kirb panira ka!" pagsaway naman ni Krizele sa kapatid naming buang.

"Tama na nga yan wala namang maitutulong yang pagbabangayan niyo eh," kalmado ko pang saad.

"Pero seryoso kapatid ano na? di mo pa ba sila nahahanap?" bigla ay naging seryoso ang lokoloko.

"Like what I've said wala akong pakialam kahit pa masibak sil---

"Vladimir! Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Why are you like that, nakalimutan mo na ba ang layunin natin?" Nahinto ako sa pagsasalita dahil sa sinabing iyon ni kuya.

"How about you brother? Did you forgot that they kidnapped my son? At hanggang ngayon ay hindi ko pa din mahanap ang kuta ng mga demonyong kumuha sa anak ko!" Mariin kong saad na siya naman ngayong ikinatahimik niya.

"Now tell me, mas mahalaga pa ba ang layunin na meron tayo kesa sa buhay ng anak ko?" Dagdag ko pa tyaka mahigpit na naikuyom ang aking kamao.

"But brother I'm sure they have a reason why they did that---

"At pwedeng ang dahilan nila ay ang nangyaring gulo noon pagkatapos ano? Gagamitin nila ang anak ko laban sa pamilya natin, para maghiganti? That's unfair! Walang kinalaman dito ang bata and we both know na wala din tayong kasalanan sa nangyari noon!" Sa sobrang galit na naramdaman ko ay basta ko nalang naibalibag ang unang bagay na nahawakan ko.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now