TON: 35

2.2K 85 0
                                    

KABANATA 35
Ayumi's Point of View

"Vlad nasaan ba talaga tayo? May pasok pa bukas iuwi mo na ko," kanina pa kong nangungulit kay Vlad pero ayaw niyang sumagot.

"No! Hindi ka uuwi ngayon. Magpapadala ako ng excuse slip sa school bukas, hindi ka din papasok,"  may pinalidad sa tono ng pananalita niya.

Tumayo na siya at balak pa ata akong iwan dito sa kwarto kaya dali-dali akong sumunod sa kanya.

Ang loko aba ang bilis maglakad ayaw ata talaga akong iuwi nito argh kaasar. Napagod akong sumunod kaya tumigil ako at pinagmasdan lang ang pagbaba niya ng hagdan. Nakita ko pa ang pagbow ng mga tauhang nadadaanan niya. Oh? Edi siya na mayaman, tsk.

Pero asar na asar na talaga ako at hindi ako pinapakinggan ng lokong to.

"Vlad ano ba! Bumalik ka nga rito," sigaw ko pero di man lang lumingon.

"Hoy! Ano ba! Vadimiiiiiiiir!" Pero ang loko wala pa ding reaksiyon.

Kaya naman dali-dali akong nagtungo sa may pinakamalapit na tauhan at mabilisang kinuha ang baril nito sa pocket at agarang ikinasa at itinutok kay Vlad.

"VLADIMIR SALVADOR HAHARAP KA SAKIN O IPUPUTOK KO TO," sigaw ko pa. Nababaliw na ata ako.

Ang lahat ay nagulat sa ginawa ko pero agad ding nagsilabasan ng baril ang karamihan nang makarecover.

"What the hell! Ibaba niyo ang mga baril niyo. She's my wife, she won't harm me argh," nataranta at napatampal na lang sa sariling noo si Vlad.

"Ay ang confident masiyado hahaha," ang pagtawa ko ang sa tingin kong naging hudyat para ibaba nila ang mga baril nila.

"Tsk. Kinilig ka lang eh," talagang tinaasan pa niya ko ng kilay.

"You're crazy," tanging nasabi ko na lang.

"And you're crazier honey," di mo ko madadaan sa honey honey mo, hindi ako pulot pukyutan!

"Eiiii uwi na kasi tayo, isa!" pagpupumilit ko pa.

Humakbang naman siya palapit sa akin at tyaka nagsalita.

"I said NO! Okay? Not now," saad niya pagkalapit.

"Eh bakit ba kasi? Bahala ka lalo lang magagalit sayo sila mommy," pagdadahilan ko pa.

"I know and I don't care. Believe me matagal na silang galit sa akin kaya alam kong paglalayuin at paglalayuin lang nila tayo and I don't want that to happen.....again," pahina ng pahina yung boses niya kaya halos di ko na narinig yung dulo.

"What? I mean, anong balak mo? Kikidnapin mo ko, itatanan ganon? Nababaliw ka na ba? Umuwi na tayo Vlad ngayon din!" salubong na ang kilay ko at ramdam ko yun.

"Kidnap? Of course not, I prefer the latter haha," at nakuha pa talaga niyang magbiro.

"Vlad naman! Hindi kasi pwede to magagalit ang parents ko sayo at pati sakin. Ayaw ko mangyari yun Vlad kaya uwi na tayo please?" malumanay ko nang sabi.

Mas lumapit pa siya sa akin at tyaka hinawakan ang kamay ko. Hala ano nanamang trip nito?

"Ayumi please kahit ngayon lang. I really wanted to be with you, ibabalik naman kita sa kanila eh pero hindi muna ngayon please? I'm begging you," sinserong saad niya pa.

Pagkaganitong sobrang lapit niya eh parang nawawala talaga ako sa katinuan, punyetss!

"Baby sumagot ka naman. Ang daming nakatingin oh wag mo kong ipahiya," bigla naman niyang bulong sa akin na nakapagbalik sa akin sa realidad.

"Tsk. Ewan ko sayo! Sige na! Sige na! Basta ako nakidnap lang ah. Ikaw bahala mag explain sa lahat pagbalik natin heh!" and with that umexit na ako.

"Hahahaha so cute," narinig ko pang tawa at sabi ni Vlad.

"Ah! Wait! Kuya yung baril mo po hehe pasensiya na and salamat sa pagpapahiram," kakamot-kamot pa ko habang binabalik yung baril kay kuyang nasa malapit.

Ngumiti na lang din si kuya kasabay ng iba pa na medyo natawa na din.

"Waaaaaah nakakahiya pala!" Pagkasabi non ay tumakbo na ko pabalik sa kwarto.

Narinig ko pa ang tawanan nila hanggang sa pagsara ko ng pinto ng kwarto arghhhh!




To be continued.....
A/N: Sobrang ikliiiiiii pasensya.
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now