Twelve

3.8K 126 2
                                    

KABANATA 12
Ayumi's Point of View

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Ang mga ganitong eksena ay hindi na bago sa akin dahil ilang beses na ring nangyari to.

Alam kong nasa hospital ako dahil halos memorize ko na ang bawat sulok ng hospital sa ilang beses kong pagpabalik-balik dito.

Pero bakit nga ba ako naririto? Sa pag-iisip ko nun ay unti-unti nang bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari bago ako himatayin.

“Vladimir” di ko alam pero yun ang unang salitang lumabas sa bibig ko nang tuluyan nang magising ang diwa ko.

“Baby, thanks God you're finally awake,” agad na lumapit sa akin si Daddy.

Ngayon ko lang napansin na limang tao ang ngayon ay naririto. Lahat sila ay pawang nakatayo at nag-aalala ang itsura.

Totoo ba ang nakikita ko o isa nanaman to sa mga kakaibang panaginip ko?

Maya-maya pa ay may dumating na mga doctor at pinalibutan ako. Sa pakiwari ko ay ichecheck ako ng mga to.

Pagkatapos non ay kinumusta na ako nila daddy, kuya Ice at maging si Sir Mel at Kuya Kirb ay nangumusta maliban sa isa.

Maya-maya pa ay napansin ko nalang na palihim na umalis si Vladimir sa inuukupa kong silid kasabay ng isang malalim na paghinga.

Hindi ko na lamang pa pinansin ang bagay na yon kakausapin ko na lamang siya pag nagkaroon ng pagkakataon.

Pagkaraan ng ilang oras ay nakalabas na din ako. Umuwi na rin kami nila daddy at kuya. Maging sila Sir Mel ay umuwi na din.

Pagkarating sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto ko nang walang imik dahil wala talaga ako sa mood.

Noong nasa kwarto na ako ay minabuti ko na lamang na mag log-in sa facebook at nang makapagscroll na lamang sa aking newsfeed.

*Chiing
(tunog ng messenger)

King Vladimir: I'm sorry

Luh?

Hindi ko inaasahan ang message niyang ito tyaka bakit ba siya nag sosorry wala naman siyang kasalan, ni hindi ko nga nasagot ang dapat na tanong niya sa akin dahil bigla na lamang akong nakaramdam ng panghihina.

Me: No need to say sorry. It's all my fault

King Vladimir: No it's not your fault it's mine.

Me: ang kulit mo pala noh?

King Vladimir: what?

Naimagine ko nanaman ang mukha nito habang nagsasabi ng what. Ang boring niya kachat ah. Ang tipid sa words.

Me: wala! Matulog ka na nga lang.

Alam kong may pagka rude pero wala eh naboboring talaga ako makipagchat ngayon.

King Vladimir Salvador tagged you in a post

WHAT???

The Heck! Ano nanaman bang trip nito.

Kaya naman tiningnan ko nalang para matapos na.

_____________________________
King Vladimir Salvador was
with Ayumi Grefaldo

I'm sorry Please don't ignore me.

•Like •comment •share
_____________________________

WHAT THE !!!

Halos di pa nga isang minuto ay sabog na ang notification ko sa dami ng nagrereact. Waaaaaaah ang eskandaloso naman nito kaasar.

Madami na agad ang nagcomment ang ilan ay nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng post na yun, may ilang kung makapagWOW ay wagas!

Ang ilan sa mga comment ay ganto:

“Oh my! What is the meaning of this?”

“Waaah taken na si kuya Vlad”

“Ang Fafa ay may jowabels na”

“Huhuhu I'm hurt”

“Totoo ba to? Sapakin ako ngayon na!”

Eh kung lahat kaya sila sapakin ko? Ayaw ko kaya ng ganito lumalayo na nga ako sa gulo eh tapos doon naman ako lagi hinahatak ng pagkakataon.

Lagot talaga sa akin ang Vladimir na to. Bakit ba may pagpost pa siyang nalalaman? Buti sana kung walang nakakakilala sa kanya eh ang kaso in reality eh pagkarami-rami talaga.

Ayst kaya naman clinick ko na agad ang profile ni Vlad at magmemessage nalang in private.

Pero laking gulat ko ng makitang madami pala ang unread messages na sinend sakin si Vlad.

“Please I really am sorry”

“Ayumi come on”

“i-seen mo naman Ayumi”

“Sorry na please?”

“Pag di mo sineen magpopost talaga ako”

Doon natapos ang mga chat niya, Kaasar! Kaya naman pala Ayumi eh, di mo kasi pinansin, may pabored bored ka pa kasing nalalaman, ayan ang napala mo.

Bigla ko tuloy na itapon ang phone ko.

---na tumama pa sa cabinet, fuck!

NOOOO!! YUNG PHONE KO!!

Agad ko naman itong pinulot ar nakitang basag ang screen. Naka on pa naman pero maya-maya ay nag off din.

Waaaaah bago palang yun eh. Mapapagalitan nanaman ako nito magpapabili nanaman ako ng bago huhuhu.

Kaya tuluyan ng nawala ang mood ko. Itinabi ko nalang ang phone ko sa side table at tyaka nahiga sa kama.

Hindi na tuloy ako nakapagmessage kay Vladimir ayts bahala na nga bukas.


To be continued.....
©Makireimi

A/N: ayos! Ang bilis nasira nung phone HAHAHA.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now