TON: 34

2.4K 83 3
                                    

KABANATA 34
Ayumi's Point of View

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang isang hindi kilalang kwarto. Nasaan ba ko? Ano ang nangyari? Sa pag-iisip ko ay unti-unti kong naalala ang mga naganap kanina.

"Lady Ayumi gising na pala kayo, kumusta po ang inyong pakiramdam?" saad ni ate Hillary na siyang una kong nakita pagkamulat ko ng aking mga mata.

"A-ah ate? N-nasaan po ako?" tanong ko pa sa kanya, malay ko naman kung saan na pala ako napunta ano?

"Nasa black mansion po kayo, dinala po kayo dito ni Sir Vlad ng walang malay, ang lahat po ay nataranta at nag-aalala sa inyo" si Vlad? So he's the one who grab me earlier?

Bigla tuloy akong kinabahan.

"A-ah eh pasensya po kung ganoon hindi ko po kasi masyadong matandaan ang mga nangyari kanina," hinging paumanhin ko nalang din sa kanya. Seriously Ayumi? Ganda ng palusot mo bHiEe!

"Ayos lang po iyon, tungkulin po naming pangalagaan kayo Lady Ayumi, ahm ano po sige labas na po muna ako at ibabalita ko kay Sir Vlad na gising na kayo," nagpasalamat na lamang ako at hinayaan na siyang makalabas sa silid na kinaroroonan ko kahit pa iyong feeling ko eh para akong magti-take ng college entrance exam sa sobrang kaba.

Teka, ani daw? Black Mansion? Ito ba yung mansyon dati na pinuntahan namin?

Nasa kalagitnaan pa din ako ng pag-iisip ng muling bumukas ang pinto at iniluwa non ang apat na tao.

Ate Hillary

Ate Angelica

Antonette at si---

Vladimir

"Hi Ayumi," nakangiting ani Ate Angelica.

"Ayumi hello, kumusta ka na? Pumunta agad ako nung nabalitaan ko yung nangyari," si Antonette naman ngayon ang nagsalita.

"Hello din sainyo and ahm Antonette okay naman na ako besides sanay na ko na bigla nalang nawawalan ng malay," nakangiti ngunit medyo matamlay ko pa ring saad.

Ngumiti na lang din sila bilang pagsang-ayon pero pansin ko ang pananahimik ni Vlad. Well di ko naman siya masisi after nung nangyari eh ngayon lang ulit kami nagkita or nagkasama ng ganito kalapit sa isa't-isa.

Parang kailan lang binibiro niya pa ko at inuungkat yung first kiss namin tapos ngayon halos di makatingin ng diretso, hays nakokonsensiya tuloy ako.

Kung sabagay nandito naman lang na eh mabuti pang kausapin ko na siya besides may utang na loob din nanaman nga pala ako sa kanya kasi siya ang tumulong sa akin kanina.

At tiyaka bakit ba ako mag-iinarte? As if naman totoong mag-asawa kami para magselos ako ng sobra.

"Vlad?" Hindi ko alam kung anong idudugtong ko sa ginawa kong pagtawag sa kanya.

"A-ahmm w-why? Is there something wrong? Tell me. May masakit ba sayo-----

"Shhh okay lang ako. I just want to talk to you to clear things up," finally! Nasabi ko din.

Hindi siya nagsalita bagkus ay dali-dali siyang nagtungo sa kinaroroonan ko at bigla na lamang akong niyakap ng sobrang higpit.

"I'm sorry, I'm really sorry Ayumi, please forgive me. I'll explain everything okay? Thank you for giving me the chance," sinasabi niya yun habang yakap-yakap pa din ako.

Nang mapatingin naman ako kina ate Hillary ay nakangiti silang lahat. Si ate Hillary ay sumenyas na lalabas na muna, Si ate Angelica naman ay napapailing habang nakangiti at sumunod kay ate Hillary kasabay si Antonette na nagbow pa bago umalis. My gosh! Ang awkward bigla.

"Ahmm V-Vlad okay na. You don't have to say sorry wala ka namang kasalanan eh. OA lang talaga kasi ako kung tutuusin wala naman talaga akong karapatang umarte ng ganon diba? If it's weren't for your grandparents I'm just a nobody right? Kaya hindi dapat ako mags-selos. Oh diba may time pa talaga ko para magselos haha feeling girlfriend lang talaga kasi ak---

"I love you"

Walang anu-ano'y bigla niyang saad

Fvck!

"W-What did you just say?" Bigla nanaman akong binalot ng kakaibang kaba dahil sa sinabi niya pero baka mali lang ako ng dinig Kaya kailangan kong makasiguro and then.....

Vlad held my hand and look straight into my eyes.

"I love you. I said I love you Ayumi," sinserong saad niya pa pagkatapos ay ginawaran ng halik ang aking kamay.

Di ko alam pero biglang tumulo ang luha mula sa aking mga mata.

"P-pero Vlad s-si ate R-Rosa---

"Lindy is just my bestfriend nothing more nothing less at yun ang gusto kong linawin sayo. That night I just went to the kitchen para uminom ng tubig but I found her there crying at madami siyang sinabi na halos hindi ko maintindihan pagkatapos ay bigla na lamang siya lumapit sa akin and then suddenly, she kissed me. Nagulat din ako sa pangyayari kaya hindi agad ako nakapagreact that's why I want to say sorry dahil di ako agad nakapagreact, dapat ay napigilan ko siya," seryosong pagpapaliwanag ni Vlad.

"Y-you love me?" asdfghjkl--- I just can't believe what I just heard!

Iyong ang dami na niyang sinabi pero iyong utak ko lumilipad pa din dun sa sinabi niya kanina but then yun pala ang totoong nangyari that night? So the truth is-- ako ang m-mahal ni Vlad? As in Oh God! Is this even true?

"P-pero Vlad paano si Ate Rosa nakausap mo na ba siya?" naitanong ko bigla.

"I don't even want to see her kaya paano kami magkakausap at isa pa, she never defended me kahit pa alam naman niya ang tunay na nangyari nanatiling tikom ang bibig niya kaya sinong matinong tao ang gugustuhin pa siyang makita? She's my bestfriend at siya ang inaasahan ko sa mga panahong yun," salubong ang kilay na saad ni Vlad.

"Pero Vlad paano naman yung side niya? Sigurado akong may dahilan ang lahat kaya niya nagawa yun," pagmamatigas ko pa.

"Hmm pwedeng wag na muna natin siyang pag-usapan? Di mo pa nga sinasabing napatawad mo na ako eh," nagpout ang loko.

"Oo na tsk. Di naman talaga ako galit eh n-nasaktan lang," pasimpleng sabi ko pa.

"Thank you so much for believing in me Ayumi," nakangiting aniya tiyaka muli akong niyakap.

"Ikaw ah nakakarami ka na, chansing to haha," natawa tuloy ako.

"It's because I LOVE YOU" at talagang diin na diin sa mga huling kataga, tss.

Kaya naman di agad ako nakapagreact naunahan kasi nung pagbilis ng tibok ng puso ko kaasar!

"It's okay, you don't have to answer me today di naman tanong yun eh. Sapat na sa akin na alam mo ang nararamdaman ko," nakangiti pang aniya kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

"Drama mo! Ewan ko sayo haha may naalala tuloy ako bigla yung sa panaginip ko. Nandon ka pero ewan ko kung ikaw nga yun naimagine ko lang tyaka si Ate Rosa, siya nagbukas nung pinto ng hotel room. Siguro dala lang ng matinding pag-iisip ko sa nangyari kaya yun ang napanaginipan ko hahaha," idinaan ko na lang sa tawa yung sinabi ko.

"S-siguro n-ga hehehe," pansin ko ang biglang pagtahimik ni Vlad pero kalaunan ay sumabay na din sa pagtawa ko.

To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now