TON: 26

2.5K 96 2
                                    

KABANATA 26
Ayumi's Point of View

Maaga akong nagising ngayon dahil ang sabi ni Vlad ay mamamasyal kami kasama si Baby Gio. Talagang kinarir na namin ang pagiging isang pamilya, nagtataka na nga ako kung saan ba talaga galing si baby Gio tyaka di ba ito hinahanap ng tunay niyang mga magulang?

Sa tuwing inoopen ko kasi ang topic na yun kay Vlad ay palagi siyang iwas at tipid sa mga sagot niya tyaka mabilis na iibahin ang topic kaya mas pinili ko na lamang wag nang magtanong at ienjoy na lang ang mga panahon na kasama ko ang bata.

Napamahal na din kasi si baby sa akin. Masaya pala mag alaga ng bata at tyaka ang sarap sa feeling na may tumatawag sayo ng mommy hihi (yun nga lang mimmy ang tawag sa akin ni Baby Gio) hahaha pero okay lang ang cute nga eh.

"Is everything ready?" tanong naman ni Vlad bigla.

"Ah yes hmmm let's go?" Sagot ko naman.

"Sige," nakangiting aniya tyaka kinuha ang bata kay Ate Hillary.

Nagpaalam na kami kila mommy and daddy pati na rin kina kuya Ice at Ate Rosa na hindi man lang kami pinansin. Si Ate Hillary naman ay magdaday-off daw ngayon kaya isinabay na namin sa sasakyan at bababa nalang daw sa may Xentro Mall.

Nasa Backseat si Ate Hillary kasama si Baby Gio habang nasa tabi naman ako ni Vlad na busy sa pagdadrive.

Pagkarating sa tapat ng Xentro Mall ay sabay-sabay na kaming bumaba. Nasabi ko din kasi kay Vlad na mamili muna kami ng mga bagong gamit ni baby Gio na agad naman niyang sinang-ayunan.

"Pano ba yan Ate Hillary kita nalang po tayo sa bahay," nakangiti kong sabi kay Ate Hillary.

Ngumiti din naman ito tyaka ibinigay ang bata kay Vlad.

Pumasok na kami ni Vlad sa Mall.

Nasa may Kids Section kami ngayon at namimili ng mga damit at kung anu-ano pang mga gamit para kay Baby Gio.

Madami na kaming napamili nang bigla na lamang humahangos na lumapit sa akin si Vlad.

"We have to go," nagmamadali nitong sabi.

"Huh? Teka bakit? Ang bilis naman?" tanong ko pa.

"I texted Hillary---- I mean Ate Hillary at siya na ang bahala sa mga pinamili natin," ano ba kasi ang nangyayari.

"May problema ba Vlad?" nagtatakang tanong ko pa.

"Yes a very big one. I saw our classmates narito din sila ngayon sa Mall and I believe ayaw mo namang mag issue while you have me and baby Gio by your side while buying kids stuffs right?" pagpapaliwanag naman niya.

"Oh my gosh! For real? Hala sige sige tara na. Ayaw ko na dito daliiiiiii," at ayun nga nauna pa kong maglakad sa kanya hila hila ko siya sa kamay habang karga niya si baby Gio.

Nasa sasakyan na kami ulit at nakabusangot talaga ang pagmumukha ko ngayon. Nakakabadtrip kasi bakit kailangan pa nilang magmall ngayon kung kailan naroon kami? Hays.

"I'm sorry, sana pala pinasara ko na muna yung mall para walang istorbo," grabe seryoso ba siya?

"Baliw ka talaga ang boring kaya magmall kung tayo lang ang tao," nasabi ko nalang.

Magsasalita pa sana siya kaso bigla na lamang may tumunog sa kotse niya at may umilaw na pula. Agad niya itong pinatay at may tinawagan. Nagdadrive pa din siya habang naka earphone at may kinakausap.

"Shit." Pagkasabi nun ay bigla siyang nag U turn

"What the hell Vlad! Papatayin mo ba kami ni baby Gio,"  buti na lamang at di nagising si baby Gio na ngayon ay sobrang himbing ng tulog.

"I'm sorry but it's an emergency," seryosong saad niya kaya hindi na lamang ako umimik pa.

Makaraan ang ilang oras ay halos hindi ko na alam kung saan kami papunta parang malayo na to sa kabihasnan. Ano ba kasi yung emergency?

"Vlad saan ba talaga tayo pupunta?" kinakabahan na ako.

"We're here," pagkuwan ay saad niya at itinigil sa harap ng isang malaking itim na gate ang kotse.

Bumusina siya at agad na bumukas ng sarili ang gate.

Itinigil niya ang sasakyan sa isang malawak ng parking area.

"Stay here okay? Wag na wag kang lalabas, babalik ako agad promise," seryoso pa ring aniya.

Sinunod ko naman ang sinabi niya at nanatili lang sa loob.

Bigla naman akong nakaramdam ng pangangalay dahil hanggang ngayon ay karga ko pa din si Baby Gio haaaays.

Kaya napagpasyahan ko na bumaba muna ng kotse at ihihiga ko muna sa backseat si Baby Gio. Mabilis lang naman eh. Papasok din ako agad.

Nang mai-ayos ko na ng pagkakahiga si Baby Gio ay bigla akong may nasagi at hindi inaasahang mapindot. Hala ano yun?

ANO TO???


To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon