TON: 24

2.7K 90 0
                                    

KABANATA 24
Ayumi's Point of View

Matamlay na bumaba ako at pumunta sa kusina. Tanghali palang ngayon at balak kong pumasok ngayong hapon.

Gusto ko kasing mabaling muna sa ibang bagay ang atensiyon ko dahil hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Ate Rosa.

Ano ba kasi tong napasok ko hays

"Come here bunso let's eat," ang agad na bungad sa akin ni Kuya Ice pagkadating ko sa Kusina.

"Sige po," tanging sagot ko lamang.

"Ah Ayumi nga pala si Hilla--- I mean A-Ate Hillary, ang magbabantay kay Baby Gio habang wala tayo sa bahay," si Vlad naman ngayon ang nagsalita at ipinakilala si Ate Hillary daw.

Tiningnan ko naman yung Hillary grabe ang ganda niya ah parang mga kaedad lang ni Kuya Ice.

Siya ba talaga magbabantay kay Baby Gio? Di naman siya mukhang yaya eh, sa itsura niya at sa ganda ng kutis eh parang hindi sanay sa gawaing bahay.

"Don't worry Lady Ayumi marunong naman po akong mag alaga ng bata hehe," medyo awkward pang sabi ni Ate Hillary marahil ay napansin niya ang pagtitig ko sa kanya.

Ngumiti nalang ako biglang pagsang-ayon.

Pansin ko lang ah, pag nasa side ako nila Vlad palaging nadadagdagan ang pangalan ko ng 'Lady' ano bang trip nila? ayst bahala na nga si picachu.

"Ay! Bunso sasama pala ako sainyo ngayon sa SU ah lilipat na kasi ako dun," parang balewala lang na sabi ni Kuya Ice.

"Waaaaah! Totoo?" excited na tanong ko pa.

"Aha! Kailangan ka na kasing mabantayan eh tingnan mo at may instant family ka na ngang inuwi eh hahaha," pagbibiro pa ni Kuya Ice (kaasar).

"Kuya naman eh alam mo naman yung situation diba?" pag-eemote ko pa.

"Hahaha nagbibiro lang eh bilisan niyo na ngang kumain makikisabay ako sa inyo papuntang school haha," saad pa muli ni Kuya.

"How about Lindy? Ahmm I mean si Rosalinda, I heard lilipat na din siya sa SU di pa ba siya sasama sa atin?" pagkarinig nun ay bigla nanaman tuloy akong nakaramdam ng panghihina.

"Hmmm bukas nalang daw siya eh masama daw ang pakiramdam ayaw nga lumabas ng kwarto niya eh," pagpapaliwanag naman ni Kuya.

Pagkatapos marinig yun ay parang tinakasan nanaman ako ng lakas at nanatiling walang kibo maging hanggang sa byahe papuntang school.

Ano na kayang mangyayari ngayong magkakasama na kaming lahat sa iisang school?

Mas lalong nagiging komplikado ang lahat.

Unang bumaba ng sasakyan si Vlad at tyaka pinagbuksan ako ng pinto. Pagkalabas ko naman ay nakita kong nakalabas na din si Kuya Ice.

Madami ang napapatingin sa kinaroroonan namin. Marahil ay hindi sila sanay na makitang may kasama si Vlad na bumababa ng sasakyan niya.

Pero siyempre ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Ano namang mapapala ko diba?

***

On the other hand.....

Rosalinda's Point Of View

"Hello Daddy? *sob I w-want to go home. Please daddy kunin mo na ko dito," pagkausap ko sa nasa kabilang linya.

"Rosa my princess! Sigurado ka na ba sa desisyon mong yan? I thought ayaw mo nang iwan ang pamilyang yan?" sarkastiko pang sabi niya.

"I really want to go home now! Sawang-sawa na kong maging option dito daddy. Gusto ko ako naman ang bida ako naman ang prinsesa pero this time sa totoo ko namang kaharian," seryosong saad ko pa.

"Magtiis ka na muna ng mga ilang sandali pa my princess dahil hindi na rin naman magtatagal at mangyayari na ang inaasam nating lahat," may pinalidad sa tono ng pananalita ni Daddy.

"Yes Daddy! I can't wait to see that happened," sagot ko naman.

"Okay I'll hang up now my princess," pagkuwan ay ibinaba na nga niya ang tawag.

Tama kayo ng pagkakabasa 'Daddy' ko nga siya. Ang tunay kong ama! Matagal na akong may contact sa tunay kong pamilya pero kailan man ay hindi ko iyon sinabi sa mga Grefaldo, may sarili akong dahilan kung bakit ko ito ginagawa at tyaka isa pa napamahal na din kasi ako sa kanila kaya nananatili pa din ako sa puder nila hanggang ngayon.

Well pasensiyahan tayo dahil sinira ni Ayumi ang natitirang pagmamahal na meron ako sa pamilyang to at sisiguraduhin ko na sa oras na maka-alis ako sa puder nila ay pagbabayaran niya lahat ng mga naging kasalanan niya sa akin.

*Kriiiiiiiing!!! (Phone ring)

"Hello Rhona? Nagawa mo na ba ang mga pinapagawa ko sayo?" bungad ko sa tumawag.

"Yup my dear naayos ko na ang mga documents mo sa school kaya pwedeng-pwede ka nang pumasok sa SU kahit pa nga ngayon na mismo eh," sagot naman ng nasa kabila.

"Very Good and don't worry bukas nalang ako papasok nawala kasi ako sa mood ngayon eh. Basta just keep an eye to my fake Lil'sis okay?" saad ko pang muli.

"Yes I will, don't worry," paniniguro pa niya.

"Okay bye see yah tomorrow," ibinaba ko na din ang tawag pagkatapos non.

Rhona Laisa Santos is a very loyal friend of mine at alam kong hinding-hindi niya ako tatraydurin.

Si Rhona din ang classmate ni Ayumi na palaging umaaway sa kanya sa school. Well kung inaakala ng lahat na alipores lang siya ng dalawang Ryza na yun well nagkakamali sila dahil ang totoong nag-uutos sa kanila ay si Rhona but of course kailangan niya imaintain ang low profile niya para hindi siya ang pag-initan ni Ayumi.

Everything seems to be perfect konting-konti nalang talaga at magiging pabor na din sa akin ang lahat.

Konting tiis na lang Rosalinda.



To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now