TON: 57

2.3K 67 0
                                    

KABANATA 57
Ayumi’s Point Of View

Habang nasa byahe ay pasimple kong kinuha ang phone ko para i-text si Lucas. Naisip ko na baka kasama na niya si James or like us eh on the way pa lang din siya sa black mansion. I must inform him about the current situation.

Me: Lucas, where exactly are you right now?

Message sent.

Ilang sandali pa ay nagreply na din agad siya, buti nalang din at nakasilent ang phone ko.

Lucas: Nasa boundary line, may nagmamanman kaya di agad ako makapasok sa loob ng isang malaking bahay kung saan si James.

Oh shit! Nasa black mansion na siya. What to do? Baka pag nakita siya doon ni Vlad ay mas lalong gumulo ang sitwasyon.

Me: I'm on my way there kasama ko si Vlad, he's the owner of that house. Lumayo ka muna dyan, I'll text you nalang pag kailangan na kita, may naisip na kong plano.

Honestly, wala pa argh!

Lucas: WHAT? STAY AWAY FROM THAT ASS!

Woah, I didn't expect that message coming from him. He's so mad.

Me: Hey, chill. Ako na ang bahala don't worry.

Pero ano nga ba talaga ang gagawin ko? Putcha naman oh!

Lucas: May tiwala ako sayo pero sa isang Salvador WALA! Tatawagan ko sila dad.

What!? Teka nooooo!

Me: Please Lucas no! Just trust me okay? Please trust me, I can handle this.

Please Lucas, please.

Lucas: No! Papasukin ko na ang mansyon. Umuwi ka na! Huwag kang sasama sa lalaking yan!

Oh my God! He's so stubborn tyaka pano akong uuwi eh nasa loob ako ng sasakyan ni Vlad. Argh! I guess I have no choice now.

"Vlad, a-ahm hinahanap na ko sa bahay." Sinubukan kong magpalusot, sana gumana.

"Tell them you're with me," kalmado lang na sagot niya.

Oh wait! I have a bright idea.

"I already told them at sinabi kong sa black mansion ako pupunta, hiningan nila ako ng adress and----

"You told them?" Hindi pa rin siya tumutingin sa akin at sobrang cold ng boses niya.

"Ahm y-yes so they sent L-Lucas to pick me up---- *screeeeeech

"WHAT THE FUCK! KANINA KA PA AH!" napahawak ako sa dibdib sa sobrang gulat dahil bigla nanamang nagpreno si Vlad.

"Hindi welcome ang isang Manrique sa bahay ko!" Matalim ang titig at medyo pasigaw na saad ni Vlad.

Halos kapusin ako ng hininga dahil sa sinabi niyang iyon. I am a M-Manrique for goodness sake!

"Lucas was already there, nasa malapit lang siya kaya nauna pa siya satin." Matabang na turan ko tiyaka nag iwas ng tingin.

"Damn it!" Saad niya sabay hampas sa manibela.

Ilang segundong katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan bago niya ito muling pinaandar tyaka narinig kong may tinawagan siya dahil naka-loadspeaker ito at nagmamaneho siya.

"There's a Manrique wondering outside my mansion, let him in." Pagkasabi niya non ay inend niya na din agad ang tawag.

Pasimple akong napahinga ng maluwag dahil sa narinig mula sa kanya. Buti naman at gumana ang palusot ko, I don't want to harm Lucas in any way. Ayokong may nadadamay na inosenteng tao sa gulo ng buhay na meron ako.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now