Eight

4.6K 175 1
                                    

KABANATA 8
Ayumi's Point of View

Napakadilim. Teka! Nasaan ako? Anong lugar ba ito?

“Baby? Malalim na ang gabi ah? Saan ka ba pupunta?” D-daddy? Teka ako ba ang kinakausap niya?

Sasagot na sana ako kaso bigla akong nanlamig at di makagalaw sa kinatatayuan ko. Ano to? Anong nangyayari?

“Dad let me go! I need to go di ko na pwedeng pagpabukas to,” sabi ng isang babaeng nakatalikod sa akin.

Babaeng kaboses ko, babaeng kasing hubog ko, No! it can't be! Paanong mangyayari yun?

“Dad! Daddy Sino siya?” Teka? Bakit walang boses na lumalabas mula sa bibig ko? Ano ba to? Ano bang nangyayari?

“No! Hindi ka aalis Ayumi hangga't wala kang kasamang driver gabi na makakasama sayo yan teka lang hintayin mo ko dito gigisingin ko lang ang driver natin,” saad pa ni daddy habang kausap yung babaeng kaboses ko.

Unti-unti ay lumingon ito sa direksiyon ko. BAKIT KAMUKHA KO SIYA?

“NO! SINO KA? HINDI KA AKO! SINO KA?” pero wala pa din akong boses at tila hindi man lang ako nakita ng babaeng kamukha ko.

Luminga-linga pa ito hanggang sa bigla na lamang itong umalis dala ang susi.

Teka! Saan siya pupunta? Bakit di siya nakinig kay Daddy No! Kung ako nga siya I will never do that.

Sa isang iglap bigla nanaman dumilim ang paligid wala akong makita mayamaya pa ay nakarinig ako ng mga tunog ng sasakyan hanggang sa luminaw na ang paningin ko at ngayon nakasakay na ako sa isang kotse. Paglingon ko sa tabi ko ay nakita ko ang SARILI KO? Nagmamaneho siya habang umiiyak.

“B-Bakit ka umiiyak?” tanong ko pero katulad kanina ay wala ring silbi ang pagtanong ko walang lumabas na boses at hindi niya din ako makita.

GULONG - GULO NA AKO! ANO BA TALAGA ANG NANGYAYARI? Hanggang sa bigla na lamang.....

*Beeeeeeeeep!!!!!

"NOOOOOOO!!!!!!"

*Screeeeeeeeeeeeech!!!

*boooooooooooooooooooogsh!!!!

“No! No! Hind-----

“Ayumi! Ayumi! Ayumi gising!”

“NOOOO--- Kuya? Kuya” *sob, bigla ko na lamang niyakap si Kuya ng sobrang higpit.

“Shhh Baby It's okay panaginip lang yun,” pag-aalo naman sa akin ni kuya.

“Kuya *sob n-na a-aksidente d-daw ako kuya huhuhu,” para na akong bata na nagsusumbong ngayon pero wala akong pake dahil pakiramdam ko totoo lahat ang nakita ko sa panaginip na yun, malinaw na malinaw at hindi maalis sa isipan ko ang mga pangyayari.

“Shhh don't worry baby hinding-hindi mangyayari yun nandito si Kuya poprotektahan kita,” dahil sa pag-alo ni kuya ay medyo kumalma na ako.

Nanatili pa kami sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyan na akong kumalma at makarecover.

Paano?

Paano ba ako makakatakas sa mga masasamang panaginip na to? Yung feeling na parang totoo lahat ang nangyayari sa panaginip ko pero wala akong magawa dahil kahit anong pilit ko hindi ko talaga maintindihan ang lahat.
.
.
.

Walang lakas na naglalakad ako ngayon sa hallway ng school papunta sa room namin. Ewan ko ba parang kinuha lahat ng enerhiya ko ng panaginip na yun kanina. Hapon na nga pala ngayon kanina ay inihatid ako ni Kuya papunta rito dahil ayaw ko munang magmaneho ngayon sa takot na baka magkatotoo ang panaginip ko.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now