TON: 42

2K 76 0
                                    

KABANATA 42
Ayumi's Point of View

Kinabukasan.....

Habang papunta ako sa room ay napansin ko ang mga kakaibang titig ng mga ilang studyanteng nadadaanan ko.

Ano nanaman bang meron? Palagi nalang.

"Insan! Insan! May kailangan kang malaman bilis halika rito," humahangos na salubong sa akin ni Cathy at tyaka mabilis akong hinila papasok ng room.

"Bakit ba? Ano nanaman bang ganap?" tanong ko pagkaupo ko sa seat ko.

Kasalukuyan sila ngayong nakaharap sa kani-kanilang phone at may mga kinakalikot at halos sabay-sabay silang humarap sa akin at may ipinakita mula sa phone nila.

"Kalat ngayon sa SU files ang mga litrato mo kasama sila Vlad," natatarantang sabi ni Kisha.

"What do you mean?" Naguguluhan man ay kalmado ko pa ring kinuha ang isa sa mga cellphone na nakaharap sa akin at laking gulat ko sa aking nakita.

What the hell! Ano  bang pumasok sa isip ng mga nagpost nito? Mga atribidang kontrabidang bibida-bida akala mo naman ikinaganda nila, punyeta! Nang dahil sa kanila ay napapadalas na ang aking pagmumura.

Ang post ay iba-iba.

Mayroong picture ko na kasama ko si James sa library. Ito yung nakita ko siya sa may madilim na part ng library at ang nakalagay na caption ay.

"Totoo kayang minsan nang naging flavor of the week ni James si ateng?"

Samu't-saring comments ang meron sa post at lahat ay nagsasabing baka nga daw totoo dahil bakit naman daw kami doon nakapwesto kung walang ginagawang kababalaghan. Ay grabe na to ah.

Yung iba naman ay galit dahil napakalandi ko daw at kung anu-ano pa gayong ipinagsigawan na daw ni Vlad na girlfriend niya ko.

Ang sumunod namang post ay picture ko na kasama si Vlad sa iba't-ibang lugar merong sa office niya sa may gate nung nakasakay kami sa kotse at kinakausap yung guard, meron ding noong nasa parking lot kami.

What the! Isa daw akong kaladkaring babae pati nga picture namin ni sir Mel na magkasama sa convenient store kahapon ay meron pero ang nakakagulat sa lahat ay ang huling post na naglalaman ng mga litrato ko na kasama si Lucas. Mga litrato noong kami pa bago siya lumipad papuntang Brazil. Ay nakakaloka!

Paano nilang nakuha ang mga to? Ganoon na ba ko kaganda para magkaroon ng stalker, iba na to nakakatakot na ah.

"Bes ano nang gagawin natin ngayon? Ang dami na ng nakakita niyan," nag-aalalang tanong ni Jhanece.

"Kanina nga ang dami kong narinig na nagchichismisan at ang topic nila ay ikaw," dagdag pa ni Kisha at maging siya ay hindi din mapakali.

Ang dalawa ko namang pinsan ay busy sa pagcocomment ng mga pambara sa mga naninira sa akin. Asar na asar na nga sila base na rin sa ekspresiyon ng mga mukha nila.

Sobrang naaapreciate ko ngayon ang mga ginagawa nila at ang concern na ipinapakita nila sa akin pero sa tingin ko ay wala na kaming magagawa sa mga taong makikitid ang utak at walang ibang inatupag kundi ang manira ng buhay ng iba.

Bakit? Kapag ba dinelete yung mga post na yun, madidelete din yun sa mga utak ng mga taong nakakita? Hindi ko naman hawak ang mga utak nila. Iisipin nila kung ano ang gusto nilang isipin kahit pa ilang beses kong sabihing wala akong ginagawang masama.

"Hayaan niyo na lang sila di naman nila ikinaganda yun at hindi rin natin ikagaganda kung poproblemahin pa natin sila, hayaan niyo na lang basta alam natin sa sarili natin kung ano ang totoo," bumuntong hininga na lang ako pagkasabi ko non. I guess I can do nothing about it anymore.

Kaya naman ayon at niyakap nalang nila ako. Group hug tuloy ang tema namin ngayon buti na lang talaga may mga kaibigan akong masasandalan sa mga panahong ganito.

*booooooogsh

Biglang bumukas ang pinto ng classroom namin at iniluwa niyon si Vlad na kasunod pa si James.

Hala! Bigla nalang hinablot ni Vlad yung phone nung isa naming kaklase.

"Don't you dare open that page! I swear babasagin ko lahat ng phone niyo," bakas ang galit sa mukha ni Vlad.

"Oops! Pahiram ah!" bigla namang kinuha ni James yung phone nung isa pa tyaka binalik din matapos pindut-pindutin.

"Oh my gosh!" agad na react nung may-ari ng phone.

"Pasensya na ah kung anu-ano kasing kino-comment mo eh ayan tuloy di na mabuksan hahaha," malademonyong tumawa si James at talagang kumindat pa sa akin nang mahagip ako ng kanyang paningin. Loko.

"Hi Nisa-baby hihi. Vlad exit muna ako may gagawin lang ako sa office hahaha," kumaway pa amin si James bago umalis na panay pa din ang halakhak.

Nakabusangot naman na bumaling sa amin si Vlad at tyaka dire-diretsong lumakad patungo sa direksiyon ko. Magsasalita na sana ako kaso bigla nalang akong sinakop ng kanyang mga braso at mahigpit na niyakap.

"I will take care of everything don't worry okay?" pagkasabi non ay naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

How sweet. Mukhang sa sobrang kilig ata ako aatakihin sa puso at hindi dahil sa mga bashers na meron ako.

"Are you okay? May nanakit ba sayo?" Sinuri ako ni Vlad pagkatapos niyang kumalas sa yakap.

"O-Okay lang ako Vlad," halos mautal ako dahil sa sobrang kaba. Hindi pa rin ako makaget over sa pagyakap niya.

"Sigurado ka? Bakit parang namumula ka? May lagnat ka ba?" Hinawakan ako sa noo ni Vlad kaya lalo ata akong nagharumentado. Jusko! Wag ganto Vlad mamamatay ako sa kilig, please tama na. Gosh!

"H-Hindi ano ka ba," ako na ang umiwas sa pagdampi sana ng palad ni Vlad sa leeg ko.

"Okay lang ako promise." Dagdag ko pa tyaka ngumiti to give him assurance.

"I miss you baby." Pagkuwan ay bigla niyang sabi tyaka hinagkan ako sa noo. Lord please gabayan niyo po ako, I feel tortured because of the situation.

"Hindi ka pumasok kahapon," bigla kong naalala na hindi ko siya nahagilap kahapon at nagtatampo ako dahil don.

"That's why I miss you, di mo na ko namiss?" Enebe, ako dapat yung nag-iinarte ngayon ah bakit parang talo nanaman niya ko?

"Aray! Aray! Ang sakit!" Magsasalita na dapat ako kaso napostponed dahil sa pag aray ni Jhanece.

"Naano ka beh?" Bigla naman siyang tinampal ni Cathy.

"Di ba kayo nilalanggam? Ako kasi kanina pa eh. Meron kasing sobrang sweet dyan sa tabi-tabi," sagot ni Jhanece na sumulyap pa talaga sa pwesto namin ni Vlad.

Natawa nalang din tuloy si Vlad at maging ang iba pa naming kasama. Argh! Nakakahiya napatakip tuloy ako ng mukha.




To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now