TON: 53

2.3K 80 10
                                    

KABANATA 53
Ayumi's Point of View

Maaga akong nagising para tingnan ang kalagayan ni Vladimir. Oo na! Concern na kung concern! M-Mahal ko eh tss.

"Aga nating nagising ah," agad na bungad ng mapang-asar na si James na siya ring nadatnan ko sa kusina pagkababa ko.

"Whatever! Titingnan ko lang naman kung humihinga pa yung gago---

"Tsk. I'm not gago." What the hell! Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon!

"Vladimir k-kanina ka pa ba nandyan?" Nautal tuloy ako! Sa malamang nagulat eh.

"Yah, tinulak ako ni James eh at pinapagtago sa likod ng ref, I'm sorry." sinserong saad niya na animong nagpapaliwanag pa at sinasabing wala siyang intensiyong masama.

Agad kong sinamaan ng tingin si James na ngayon ay nakita kong palihim pang humahagikhik. Mas gago pa to sa gago eh, kasura!

"Gusto mo bang madagdagan yang pasa mula sa suntok sayo ng gagong to?" Asar na saad ko at dinuro pa si Vlad.

Magsama kayong dalawa! Pareho kayong gago sa buhay ko!

"No! Wag naman Nisa-Baby mahal ko pa naman ang mukha ko tyaka pano nalang yung mga bebe ko pag nagkapasa pa ako, edi dinumog ka nila pag nagkataon," agad na kontra ng napakayabang na si James.

"What the! Napaka feeling mo talaga ni wala nga kong nakitang babaeng umaaligid sayo eh pwe!” ano ka ngayon sakin? Marunong akong gumanti boii.

“Eh kasi nga busy ako sa kababantay sayo kaya ikaw talaga ang dahilan kung bakit wala akong lablayp tsk." bigla naman tuloy akong nakonsensya dahil sa sinabi niya.

"Bakit ba kasi kailangan mo siyang bantayan?" Biglang singit naman ni Vlad na nakalimutan ko nang nag eexist pa pala.

Oh shet! Ano nang idadahilan mo ngayon James? Gosh! Nakapadaldal kasi tss.

Nilingon ko si James at tatawa-tawa pa itong nakatingin kay Vlad na siya namang salubong na salubong ang kilay. Ano bang tumatakbo sa utak ng James na to?

"Simple lang dude. Binabantayan ko siya para mailayo sa kapahamakan, para mailayo mula.....sayo." Makahulugang saad ni James na ngayon ay seryosong-seryoso na ang ekspresiyon sa mukha.

"James---

"Fvck you!!!" I was about to say something when Vlad shouted and I was interrupted.

Oh God! Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba dahil sa palitan ng masasamang tingin ng dalawa. Halos hindi ko mahanap ang tamang salita na pwede kong sabihin para kumalma ang sitwasyon.

Are they going to figh----

Biglang umiwas ng tingin si Vlad at yun ang ipinagtataka ko. Is he accepting defeat from this damn bastard?

"I... I won't harm h-her." Nakatingin sa kawalan si Vlad habang sinasambit ang mga katagang iyon. Is this really him? Nauutal at hindi makatingin ng diretso.

"I know but I'm sorry, bayad ako eh." Simpleng saad pa ni James tyaka sumimsim ng kape.

What to do? Gosh! Habang tumatagal ay pa-awkward na ng pa-awkward ang sitwasyon.

"Can we j-just----

*Beep Beep

Argh! I was interrupted... AGAIN!

"May ine-expect ka bang bisita ngayon Nisa-baby?" Binitawan ni James ang hawak niyang cup tyaka kunot noong humarap sa akin.

And there I remember, it's probably Lucas! I received a text from my mom a while ago that ama will sent Lucas here para dagdag bantay ko daw tss. Di pa nga magaling yung tao tapos papadala na nila dito? But then wala naman akong magawa dahil si Lucas din naman daw ang nag insist. Pasaway!

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now