TON: 62

3.9K 79 1
                                    

KABANATA 62
Ayumi's Point Of View

"No! You can never do that!" Agad na pasigaw na sambit ni ama pagkapasok namin isang pribadong silid.

"But why? It's just a mere pledge for a show----

"A pledge that will cause our biggest downfall," Seryosong saad niya habang nakakuyom ang mga palad. Bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala.

"I don't understand," naguguluhan kong sambit.

"You are our princess and you will become the Nisakiru's queen soon. If you pledge your loyalty to the other clan then it was like you are giving them your everything including our family." makahulugan at mahaba niyang paliwanag.

"Huh? But it's just----

"I pledged my loyalty to the first family even though my family have it's own clan, you know. Now let me ask you Nisa-baby, where I am now when I should be with my own family in the other room?" Seryoso akong tinitigan ni James, mata sa mata. He's the one who interrupted my conversation with my father.

Is this really how this world work? Clans, rules and.....

And I am one of them now so I must accept the truth.

*Knock Knock

"Miss Ayumi tawag na po kayo loob," nilingon ko ang lalaking nagsalita mula sa pintuan, isa ito sa mga assistant ng paragon.

Tumango ako sa assistant bilang sagot tyaka sinenyasan na niya akong sumunod sa kanya pero bago ang lahat ay muli akong nagsalita at kinausap ang aking pamilya.

"The situation may be complicated now but please.... please trust me," and then I left after saying that.

Napakabilis ng mga pangyayari. Kung kanina ay kami-kami lang ang nag uusap, ngayon ay inimbitahan na ng mga paragon ang lahat ng kasaping clan at ang lahat ng mga nasa ranggo para sa hinihiling nilang kondisyon, ang aking panunumpa ng katapatan sa ilalim ng ikalawang pamilya.

Habang naglalakad papunta sa entablado ay hindi ko maiwasang isipin kung ano ba talagang binabalak ng mga paragon. Bakit nila ko inu-obliga sa Pledge Pledge na yan eh alam naman nilang miyembro ako ng ikaunang pangkat.

"Good evening Ms. Grefaldo," pagbati sa akin ng mga paragon nang marating ko ang gitna ng mini stage sa loob ng hall.

Dahil sa pagbating iyon ay saka ko lang napagtanto na gabi na pala at halos maghapon na kami rito dahil sa pagkakatanda ko ay umaga pa lang ay narito na kami. Gosh! Ganon katagal kaming naghintay para makumpleto iyong lahat ng mga kasaping clan?

Nagbow ako ng kaunti bilang sagot sa pagbati ng mga paragon. Well, kailangan ko pa ding gumalang kahit pa iritang-irita talaga ko sa kanila dahil sa mga kaek-ekan na mga pinapagawa nila sa akin.

"Are you ready?" Tanong pa nila na siyang nginitian ko nalang din at marahang tinanguan.

"Attention everyone! We have here Ms. Grefaldo to give us her speech and pledge." Hinarap na ng mga paragon ang lahat.

Inilibot ko ang aking paningin at tyaka ko lang napagtantong halos puno na ang hall ng mga tao. It reminds me of how I first enter this hall with Lucas wearing those mask to hide my identity pero ngayon heto't nakaharap na muli ako sa kanila with my bare face and tonight, I will make sure that they will never forget this beautiful face of mine.

Humakbang na ako papunta sa pinakaharapan upang isalaysay ang panghabang buhay kong pangako.

"For me, Loyalty is not just a word, it should be an unbreakable pledge and tonight, I am here in front of you all to solemnly pledge my loyalty to most noble clan I truly respect and admire. They are just, fair and equitable and I promise to give them my all."

Sandali akong nagpause upang sulyapan ang mga nakahilerang clan head sa harap, simula sa pinakamababang ranggo hanggang sa mapadpad ang paningin ko sa ginoong nakatayo sa ikatlong pwesto na mayroong mapang asar na postura at nang sulyapan ko ang mga nasa likod niya ay nakita ko doon si Ate Rosa. Naguguluhan man ay ipinagsawalang bahala ko na muna tyaka inilipat na ang aking paningin sa ikalawang pwesto where Vladimir is standing firmly while looking and staring directly in me.

"I'm sorry," I mouthed before closing my eyes and the moment I opened it, my gaze is now with Lucas.

"I solemnly pledge my loyalty to First Family Clan." Lakas loob kong sambit na itinuro pa ang pwesto kung saan nakatayo si Lucas habang nasa likod niya sina mommy at ang iba pang kasapi ng clan namin. Wala si ama at si ina dahil na rin sa utos ng mga paragon.

Dahil sa sinabi ko ay napuno na ng panghuhusga at nagsimula nang magbulung-bulungan ang iba pang naroroon.

"WHAT IS THE MEANING OF THIS!!?" Sandali akong natinag at napahakbang ng isa paatras dahil sa sigaw na iyon ng lolo ni Vlad pero mas lalo akong nanghina nang masulyapan ang pwesto ni Vlad.

Vlad was emotionless and blankly staring at me with his clenched fist. I-I'm really sorry Vlad but if I can only pledge my loyalty once then I'd rather choose my own family because I don't want my loyalty to become slavery if I will choose you over my own blood.

*Clap *clap *clap

Awtomatikong nanahimik ang lahat nang marinig ang palakpak na iyon mula sa mga paragon.

"Very well said young Milady," komento ng isa sa mga paragon habang ngiting-ngiting humahakbang palapit sa akin.

Hindi mababakas sa kanilang mga itsura ang pagkabigla at ngayon ay tila naliwanagan na ako. Mukhang inaasahan na nilang ganito ang mangyayari kaya ba nila ako pinilit na humarap sa lahat ay para itest ako kung sino ang mas pipiliin ko?

"You chose the first family clan when you are supposed to pledge your loyalty to the second one, what made you come up with the sudden switch?" Again, one of the paragons asked while wearing her devilish smile.

"I just have to," mahinang boses na tugon ko.

"Y-You can't do this to me A-Ayumi," I froze when I heard that voice. Halos di ako makatingin ng diretso pero pinilit ko pa ring lingunin si Vladimir.

"N-Never expect loyalty from people who can't even give you honesty." I tried my best to look emotionless while stating those words.

"Ayumi----

"STOP!" I shouted, I need to end this now.

"Vlad, I am not Ayumi." Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko maging ang iba pang naroroon maliban sa pamilya ko.

Huminga muna ako ng malalim bago muling hinarap ang lahat.

"It was only fair to choose the first family clan because I am one of them from the very start for I am their queen, and I am Nisakiru."

Mas lalong lumakas ang mga bulungan at bakas sa mga mukha nila ang pagkabigla at pagkagulat.

"What did you just say?" The third man suddenly asked at nangunot ang noo ko dahil halata sa ekspresiyon ng kanyang mukha ang pagkabahala.

"It's true! Her name is Nisakiru Manrique and she is my daughter." Lumabas mula sa kung saan si ama kasama si ina.

Naging ugat ang eksenang iyon ng mas lalong pagkakagulo ng mga taong naririto't pumupuno sa hall.

"Aahhh---

Napahawak ako sa aking sentido dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo and I know exactly what is the meaning of this.

"I'm sorry, I'm really sorry Vladimir."

That was the last words I said before everything went black.





To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Arabella

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon