TON: 39

2.1K 81 1
                                    

KABANATA 39
Vladimir's Point Of View

"Waaah Vlad ang sasama ng mga chixx mo, ayoko n----

*shiiiing

"Woah! Vlad naman eh mas brutal ka pa sa kanila huhu," gulat na sambit ni James matapos niyang ilagan ang itinapon ko sa kanyang kutsilyo na galing sa bulsa ni Marx.

"Vlad naman! Ikaw kaya batuhin ng kutsilyo tsk. Okay ka lang ba James?" nag-aalala namang saad ni Ayumi tyaka akmang lalapitan si James.

"Yan buti pa si Nisa-baby huhu I miss you na, tara na uwi na tayo, iuuwi na kita. Ikaw talaga ang sadya ko rito," akmang sasalubungin na din ni James ang baby ko. Aba't sumusobra na tong James na to ah!

"Isang baby mo pa baka bala na ang tumama sayo." Seryosong banta ko na. Nakakabadtrip eh.

"Selos agad Vlad? Excuse me, bago mo pa nai-anunsiyo na girlfriend mo si Nisa-baby eh ako talaga ang nauna hahaha," pang-aasar pa ni James.

Kung hindi ko lang talaga kabisado ang takbo ng utak ng isang to eh malamang kanina pa to humandusay sa mismong inaapakan niya.

"Whatever. Bakit ba kasi nandito kang animal ka?" Pag-iiba ko sa usapan bago pa man ako mabadtrip ng tuluyan.

"Susunduin ko nga ang Nisa-baby ko kasi hindi ako makatulog ng maayos----

"Isang biro mo pa hahalik ka na sa sahig," asar na putol ko sa dapat na sasabihin niya.

"Haha akala ko dito sa katabi kong chixx eh," babaero talaga. Psh.

Sinamaan ko nga ng tingin pero kailangan ko talaga siyang makausap ng seryoso yung kaming dalawa lang kasi madami akong tanong sa kanya lalo na ang tungkol sa biglaang pagdating niya dito sa teritoryo ko at kung paano niya nagawa iyon.

"James can we talk privately?" seryosong saad ko na siyang nagpaseryoso din sa ekspresiyon niya.
.
.
.

"Tell me what, why, and how." Tanong ko pagkapasok namin sa opisina ko

"What? Its a matter of life and death for me. Why? Kasi kailangan ko nang maiuwi si Ayumi ngayon din. And How? Pasensiya na parehas ang dugong nananalaytay sa amin ni Knight eh kaya madali kong nahanap," simpleng sagot naman niya. Teka tama ba ang pagkakarinig ko? Then...

"From what Clan are you at anong kinalaman ni Ayumi dito?" muling tanong ko pa.

"Ay very private na yun ah yoko nga haha. Pero isa lang sasagutin ko. Si Nisa-este si Ayumi kaya siya damay eh kasi nagwawala na ang parents niya at lagot ka sa mga yun pati mga kapatid mo stress na sayo. Nagmamagandang loob lang naman ako since ako yung may kakayahang maghanap sayo haha grabe ka sa mga kapatid mo tinago mo sa kanila tong palasyo mo tsk." mahabang salaysay pa niya na balik na din sa pagiging maloko niya.

"Tsk. Sigurado ka bang yun lang talaga?" paniniguro ko pa.

"Oo naman tyaka sorry di ko talaga sasabihin sayo ang tungkol sa Clan ko. Alam mo naman na may kanya-kanya tayong sinusunod na mga patakaran diba?" Sabi pa niya. Naiintindihan ko naman yun.

"Oo na tss. Tara na nga baka ano pa isipin nila," sabi ko na lang.

"Eww kabahan ka nga hahaha," ang arte ah hahaha.

"As if papatol naman ako sayo, tsk." Biro ko pa. Mukhang napapadalas na ang pagbibiro ko ngayon ah.
.
.
.

"Vlad uuwi na ba tayo?" Agad na tanong sa akin ni Ayumi pagkababa namin ni James.

"Sige na sama ka na kay James tsk." kunwari ay nagtatampo pa ko.

"Yaks! Vlad ang arte di bagay haha," ayts panira talaga tong si James.

Kaya naman ayun at tumawa nanaman ang lahat.

"Tsk," narinig ko namang pag tsk ni Knight.

"Uyy Brother wala man lang bang yakap kay kuya?" Baling ni James kay Knight tyaka akmang sasalubungin pa ito ng yakap.

Iyong nabanggit ni James kanina, totoo ba talagang magkapatid sila?

"Ibalik mo nalang sakin yung tracking device please, huwag mo nang sirain at ang mahal," walang emosyong turan ni Knight.

"Bat ba kasi trip na trip mo kung sundan kahit saan? Anyway, nadurog ko na sorry. Akala ko kasi ay kung saan nanggaling." Kakamot-kamot pa sa ulong sagot ni James sa kausap.

"Woah! Magkapatid kayo?" tanong naman ni Graize.

"Yah! Half-brother pero mas gwapo ako," agad na sabi ni Knight.

"Sabing magkapatid lang eh. Huwag nang banggitin ang half tyaka mas gwapo ako sayo ulol." Parang lumakas ang hangin bigla.

"No ako ang gwap----

"WALA! Hindi kayo gwapo pareho, si Vlad lang! Gusto ko nang umuwi hihirit pa kayo tsk." pagpuputol naman ni Ayumi sa sasabihin sana ni Marx na siyang halos ikasamid ko kahit wala naman akong iniinom o kinakain. The fvck? What's wrong with me?

"Hahaha ayan kasi. Magbiro na kayo sa lasing wag lang sa taong gusto nang umuwi hahaha," saad naman ni Hillary.

Natawa nanaman tuloy ang lahat.

"Nga pala yung mga kasama mo bruh nawala bigla," singit naman ni Knight.

"Pinauwi ko na haha kaya tayo uuwi na din tayong lahat," ewan ko ba kay James ang baliw lang tsk.

At iyon na nga ang naging dahilan kung paano kaming nakauwi ng wala pa sa plano ko tsk.


To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now