TON: 23

2.6K 93 2
                                    

KABANATA 23
Ayumi's Point of View

Malalim na buntong hininga ang salubong sa amin nila mom and dad.

"So you're going to stay in our house Vladimir? How long?" seryosong tanong ni Daddy.

"Ah eh di naman po siguro matatagalan Dad---

"Nak? Pwede bang makausap ko muna si Vladimir ng masinsinan? Punta ka muna sa taas isama mo ang bata," seryosong saad ni Daddy.

***

Vladimir's Point Of View

"Sir I'm really sorry, wala na po kasi akong ibang maiisip na paraan," hinging paumanhin ko sa daddy ni Ayumi.

"Ang akala ko ba ay huli na yung sa Grand Ball, ano nanaman ba to Vladimir? Kailan ba to matatapos? Inilalapit mo sa kapahamakan ang anak ko diba't nagkasundo na tayo?" saad pa niya.

"Hindi ko naman po siya inilalapit sa kapahamakan, inilalapit ko lang siya sa katotohanan," pagmamatigas ko pa.

"Di ka ba talaga nag-iisip? Tatlong buwan Vlad, tatlong buwang walang malay ang anak ko ng dahil sayo! Tapos ngayon aartehan mo ko ng pesteng katotohanan na yan? Paano kung yang ipinagpipilitan mong katotohanan ang papatay sa anak ko? Hinding-hindi na kita mapapatawad kapag nangyari yun," galit na galit na saad pa niya.

"I'm sorry pero ilang taon na din po akong nanahimik at naging sunod-sunuran sa mga gusto niyo. Naiintindihan ko naman po na nag-aalala lang kayo dahil anak niyo siya pero paano naman po ako? Paano naman po kami ni Baby Gio? May karapatan din po kami sa kanya," muli ay pagmamatigas ko pa.

Hindi na kasi ako makatiis sa mga nangyayari.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng daddy ni Ayumi bago ito nagsalita.

"Siguraduhin mo lang na hindi mapapahamak ang anak ko at hindi na mauulit ang mga nangyari noon dahil sa oras na magkamali kang muli, hinding-hindi ko na palalampasin pa! Huwag mo kong sagarin hindi mo pa ako kilala," pagkasabi non ay tumayo na ito at iniwan ako sa sala.

Napahilamos na lamang ako sa aking mukha dahil sa naging pag-uusap namin. Tama kayo ng basa 3 months at hindi 8 months na coma si Ayumi noon at hindi din totoong na-aksidente siya sa mismong gabi nang una naming pagkikita.

Nangyari ang lahat ng yon dahil sa akin at hindi ko na hahayaan pang may mangyaring masama ulit kay Ayumi.

"Vladdy, is that you? Woah! Vladdy I missed you," masayang bati naman sa akin ng kararating lang na si Rosalinda.

She's a very close friend of mine, bestfriend to be exact. Malaki din ang kasalan ko sa kanya kasi wala siyang kaalam-alam sa lahat ng nangyayari sa buhay ko naturingan pang bestfriend niya ako pero siguro nga panahon na din para malaman niya ang tungkol sa amin ni Ayumi. (Yun ay kung meron ngang namamagitan sa aming dalawa)

"Hello Lindy how are you?" Lindy talaga tawag ko sa kanya ayoko ko kasi ng Rosa ayaw din niya ng Linda kaya nagkasundo kami sa Lindy since Vladdy naman ang tawag niya sa akin.

"I'm pretty fine bakit ka nga pala narito? Are you visiting me? Ganon mo ba ko namiss? hehe," nakangiti pa ring aniya, nakokonsensya tuloy ako.

"Of course I miss you Lindy but ahmm actually I'm here because of A-Ayumi," uunti-untiin ko lang.

"Ayumi? Why?" medyo kumunot na yung noo niya.

Yung totoo di ko talaga alam ang sasabihin sa kanya di ko naman pwedeng sabihin sa kanya na nagbabahay-bahayan lang kami ni Ayumi at nagkukunwaring mag-asawa baka lalo lang lumala ang lahat.

"Ahmm Lindy ano kasi ah Ayumi is my g-girlfriend now and Lolo's back that's why I need to get away from him. You know my situation right?" di ko mabasa ang nasa isip ngayon ni Lindy.

"WHAT? what is the meaning of this Vladdy?" may hinanakit sa tono ng boses niya.

"Rosa halika sa taas ipapaliwanag ko ang lahat," bigla namang dumating ang daddy nila kaya nakaligtas na ako sa explanation.

Wala naman nang nagawa pa si Lindy kundi ang sumunod sa gusto ng daddy nila.

***

Back to Ayumi's Point Of View

Kakatapos ko lang patulugin si Baby Gio sa guestroom na siya ring tutuluyan ni Vladimir kaya napagpasyahan ko na munang pumunta sa kwarto ko at mag-ayos ng sarili bago bumaba.

*PAAAAAAAAK!

Isang malutong na sapak ang bungad sa akin ni ate Rosa pagkapasok ko sa kwarto ko.

"Ate? B-Bakit po?" naguguluhang tanong ko kay ate.

Ano bang nagawa ko?

"HOW DARE YOU!!! How dare you ruin my life even more! Bakit ikaw nalang palagi? Kailan ba magiging ako naman? Kung sa pamilya natin, sige okay lang tanggap ko naman eh kasi nga wala naman akong karapatan diba? Pero si Vlad bakit si Vlad pa? gustong-gusto mo ba talagang nakikita akong miserable ha?" Kitang-kita ang galit na ekspresyon sa mukha niya.

"S-si Vlad? Bakit? Anong meron?" di ko pa rin maintindihan.

"Si Vlad na lang ang natitirang meron ako, siya nalang ang bumubuo sa pagkatao ko Ayumi. Vlad is my life, Vlad is my childhood friend matagal ko na siyang kilala pero ngayon? Ikaw nanaman ang bida, ikaw na lang ang nakikita niya! Paano naman ako? Kailan mo lang naman siya nakilala diba? Ako Ayumi mula pagkabata kasama ko na siya. Siya nalang ang natitirang meron ako na nagpapaalala sa nakaraan ko, ang natatanging nagbibigay lakas loob at pag-asang makakasama ko pa ang mga magulang ko pero anong ginawa mo? Ikaw nalang palagi, hindi na niya ako makita, inagawan mo nanaman ako ng role Ayumi. Pwede bang ako naman? Ako nalang. Akin nalang siya ulit?" matapos sabihin ang lahat ng iyon ay iyak lang ng iyak si Ate Rosa at dali-daling lumabas ng kwarto ko.

Ano nanaman ba to Ayumi? Ano nanaman ba tong napasok ko?


To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now