Nine

4.6K 146 0
                                    

KABANATA 9
Ayumi's Point of View

Ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa bahay daw nila Vladimir.

“Oh Vlad nariyan na pala kayo hali kayo rito at ipaghahanda ko kayo ng meryenda kamusta nga pala ang school?” may ngiti sa labing salubong sa amin ng pakiwari ko ay tagapangalaga sa bahay nila Vladimir.

“Maayos naman po nanay Rossie,” sagot naman ni Vladimir mukhang close sila ni nanay Rossie daw niya.

“Ah hello po,” magalang na bati ko sa nanay Rossie ni Vladimir.

“Hello din sayo iha, Vladimir napakaganda naman nitong kasama mo,” nakangiti pa rin ito, mukhang napakabait niya.

“Sige po nanay Rossie sa taas lang po kami pakihatid nalang po ang meryenda,” pansin ko lang parang ibang Vladimir ang nasa harap ko ngayon akalain mong may side din pala siyang ganito yung mabait at magalang hindi yung parang palaging galit sa mundo.

Pagkarating namin sa taas ay nakasalubong namin ang kapatid niyang babae si Krizele.

“Hi kuya---oh may kasama ka pala.” napansin ko ang pagbabago ng mood niya ng mapansin niyang may kasama ang kapatid niya.

“Ah yes princess, si Ayumi nga pala kaklase ko,” princess? Saan galing yun? Diba Krizele ang pangalan niya?

“I know.” walang emosyong sagot ni Krizele anong problema nito?

“Krizele I'm warning you,” bumalik nanaman yung malamig na boses ni Vladimir.

“Whatever kuya!” pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na din ito.

“Don't mind her.” Maikling sabi ni Vlad tyaka iginiya ako sa isang kwarto.

“This is my study room feel free to roam around baba lang muna ako tutulungan ko si nanay Rossie to prepare our snack,” pagkasabi nun ay iniwan na niya ako dito.

Katulad nga ng sinabi niya ay nilibot ko na rin ang silid, napakaganda ng kwartong ito maraming libro at meron ding ilang mga computers ang lahat ay nasa ayos, kung sa bagay base sa personality ni Vladimir ay mukhang ayaw na ayaw niyang makakita ng mali or pagkakamali.

“Wanna check mine too?” biglang may nagsalita sa likod ko.

“Krizele,” tanging nasabi ko na lamang.

“You know me? Oh oo nga naman, halos lahat pala sa school kilala ako haha anyway why are you here?” mataray pa ring sambit niya.

“A-ah baka magpapaturo ata si Vlad about sa lessons namin---

“Hahaha Si kuya? Magpapaturo? Eh baka nga mas matalino pa siya sayo eh,” mayroong nakakaasar na ngisi sa mga labi niya.

“Siya kasi yung nanalo sa bidding kaya kailangan ko siyang sundin,” pagpapaliwanag ko nalang siguro naman ay alam niya ang tungkol dun diba?

“Yeah right! that damn bidding.” May kasama pang pag irap ang pagsabi niya nun.

Di ko talaga maintindihan ang inaasta niya ngayon it was as if ay may nagawa akong malaking kasalan sa kanya.

“Ano bang gusto mong palabasin?” di na talaga ako makatiis eh.

“Wala naman bakit kinakabahan ka na ba? Hahaha joke lang,” kahit pa sinabi niyang joke yun eh parang iba ang dating sa akin.

“Krizele that's enough bumalik ka nalang sa kwarto mo mag-aaral kami wag mong guluhin ang isip niya,” seryosong saad ni Vladimir na ngayon ay narito na habang may hawak na meryenda.

“Hahaha si kuya naman nagjojoke lang eh anyway sige alis na ko at baka makaistorbo pa ko sa pag-aaral niyo,” saad naman ni Krizele na halatang sarkastiko at bago umalis ay tumingin pa muna siya sa akin.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant