Fourteen

3.8K 108 0
                                    

KABANATA 14
Ayumi's Point Of View

"Ms. Grefaldo pang ilang beses mo nang tinatakasan ang subject ko. Kahapon ay pareho kayong nawala ni Mr. Salvador tapos kanina ay nawala ka nanaman bigla. Ano bang nangyayari sa iyo hala sige proceed to the detention office," ani Madam Professor.

Pero hindi pa nga ako nakakapagsalita ay nagtaas na ng kamay si Vlad.

"Madam I'm sorry. It's all my fault. I told her to go to my office and rest there because she's still not feeling well. kagagaling pa lang din po niya ng hospital kahapon dinala ko po siya dun kaya din po kami nawala," in all fairness magaling magpalusot ang isang to. Kalahating totoo at kalahating tagilid.

"Is that true Ms. Grefaldo?" nag aalangan pang tanong ni Madam.

Pagtango na lamang din ang naisagot ko kaya hindi na natuloy ang dapat na parusa sakin at nagdiscuss na lang ulit si madam hanggang sa mag uwian na din.

Samo't saring bulung-bulungan nanaman ang inabot ko habang naglalakad sa hallway pauwi.

Arghhh Kaasar kailan ba ko tatantanan ng kamalasan.

(Fast forward)
Kinabukasan.....
(Lunch Time)

Kasalukuyan kami ngayong nasa canteen, kami nina Sir Mel, Kuya Kirb, and Vlad. Oh diba ang ganda ng setting kaya naman ayun at ang tatalim nanaman ng tingin ng ibang mga studyante sa amin pero syempre wapakels na, ang mahalaga ay yung makakain ako gutom na gutom na kaya ako haha. Sila Vivian, Cathy, Jhanece at maging si Kisha ay may reporting bukas kaya ngayon ay nasa Library sila.

Susubo na sana ako nang biglang may nakakairitang boses akong narinig (sorry na medyo badtrip lang talaga ako sa isang to eh) sino nga ba siya?

Well siya lang naman ang bunso at nag iisang kapatid na babae ng mga Salvador. Okay lang naman sana sa akin yung makipag-usap sa kanya, yung makipag-kaibigan ba kaso ang ayoko eh yung mga iniaasta niya sa tuwing kaharap niya ko tila ba napakalaki ng kasalanan ko sa kanya eh wala naman akong matandaang ginawa ko para ikagalit niya at isa pa ang arti-arti ng boses niya parang naipit na kung ano.
(sinadya ko po yung spelling ng arte-arte para mas masaya basahin haha)

"Kyaaaaah! you're all here pala, pwede maki sit here?" maarte niyang talak pagkadating na pagkadating niya sa tapat namin.

"Oh sure." Si Sir Mel ang sumagot bilang siya naman ang pinaka hyper sa amin.

"Hey James Come here! Dito nalang us," medyo pasigaw niyang pag aalok kay James na kaka order lang din ng food.

Oh my gosh! Si James! okay kalma lang Ayumi si James lang yan, inhale, exhale hoooh. Don't get me wrong huh? Hindi ko po siya crush or kung ano pa man, medyo hindi lang kasi ako komportableng makita siya kasi nga diba yung nangyari sa Library tanda niyo pa?

Bale ganto ang naging set-up namin sa table 6 chairs kasi ang meron dito sa table namin, kung kanina ay apat lang kami kaya harapan kami, katabi ko si Vlad nasa harap ko naman si Sir Mel at katabi naman ni Sir Mel si Kuya Kirb na nasa harapan naman ni Vlad kaya ang labas si Krizele ay naupo sa kabisera sa pagitan nina Vlad at Kuya Kirb samantalang sa kabilang dulo naman naupo si James bale sa pagitan namin ni Sir Mel, oh my! ayan ang lapit na niya sa akin, relax Ayumi relax! Okay? Apaka oa ko tuloy.

"Hi? Welcome ba ko dito?" hindi siguradong sambit ni James pagkaupo palang niya marahil ay napansin niya ang naging reaksiyon ko towards him.

"Of course hehe," okay ang plastik ko lang tumawa halatang pilit, sasagot din sana si Sir Mel kaso naunahan ko.

"Thank you Nisa-baby," nakangiting ani James.

"Always," pilit na ngiti pang sagot ko sa kanya.

"Ew! Corny niyo," pagpuputol ni Krizele sa palitan namin ng words ni James.

"Oh my gosh! James? That girl ba yung kinikwento mo sakin before? You know the neighbor------

"shut up!" pagpuputol ni James sa pagdadaldal nitong si Krizele.

"Yaaaah! I'm just asking!" reklamo naman ni Krizele.

Okay ano yung sinasabi ni Krizele kanina?

"Wow! So magkakilala na pala kayo dati pa?" sabat naman ni Kuya Kirb bilang dakilang tsismoso nanaman.

"Tsk! Ang iingay!" tila naiirita namang bulong ni Vlad sa tabi ko.

"You know what? Lets just eat nalang okay? Here kuya Vlady try this," singit naman ni Krizele sabay uma ng isang subo kay Vlad. (ewan ko lang ha pero medyo nainis ako dun)

Hindi nalang din ako nagsalita matapos kong marinig yun, well pati narin pala yung iba pang narito ay nagpatuloy nalang sa pagkain hanggang sa natapos ang lunch time at bumalik na kami sa room actually medyo nahuli nga ako eh kasi di ko talaga trip sumabay muna sa kanila nakakabaliw lang kasi ang intense talaga parang sobrang big deal sa mga ibang studyante dito ang makasabay lang sa kanila ang OA lang.

Habang naglalakad mag-isa papuntang room eh bigla na lamang may humablot sa siko ko (ewan ko kung paano niya yun nagawa).

"Oh? Problema mo?" siyempre ang magagandang tulad ko dapat ang nauunang magsalita.

"How dare you!!!" mataray na pasigaw na sabi sa akin nitong si Ryza na pagkataas-taas ng ponytail.

"How dare me? What?" Okay? Ang gulo nung nasabi ko ah.

"Ang lakas naman ng loob mo na sumabay kila Vlad kanina sa lunch hoy! Bago ka lang dito, eh kami ngang nandito na dati pa hindi nagtry na makisabay sa kanila kahit gustuhin man namin tapos ikaw----

"Hep! hep! hep! teka lang ha? Excuse me muna, ano muna to? Bullying ganon? Uso pa ba yun? My goodness for real eh? Lakas makahablot ng siko teh? May galit? Anyway ateng hindi ko po kasalanan kung ni minsan ay hindi kayo nakapagtry na makisabay sa kanila sa lunch, eh bat di niyo kasi gawin? Hawak ko ba desisyon nila at ako pinag-iinitan niyo tyaka may lilinawin lang ako ah? Hindi ko naman kasi po sinadya na makisabay sa kanila okay? sadyang nagkasabay na lang kaming lahat eh kung hindi ba naman isa't kalahating baliw si Vlad at may pa hila-hila pang nalalaman edi sana mag-isa akong kumain sa canteen ano? Hindi ko gusto ang atensiyon kaya please wag ako, maghanap nalang kayo ng ibang mapagtitripan kasi busy akong tao, oh siya sige na ako'y pupunta na ng room at baka malate pa ko dahil sa kaka-explain," mahabang salaysay ko sabay walk out (bakit nga ba ko nag explain? Tsk sayang laway pa yun hahaha)

Matapos ang engkwentrong iyon kay ateng Ryza na naka ponytail eh sa wakas ay nakarating na rin ako sa room namin, dumeretso na lamang ako sa upuan ko at tyaka ginawang unan ang braso ko yumuko at nagkunwaring matutulog medyo nastress kasi talaga ako dahil kay ateng ponytail eh akalain mong trip pa ata akong ibully?

Duh! ano ako elementary para pumayag na magpabully? No way!

Siyempre hindi na ako papayag na mangyari pa ulit yung nangyari nung Acquaintance ball / Welcome Party yung nagkaroon ako ng cut at pasa sa kamay kamuntik pang di maka-attend ng bidding.


To be continued.....
©Makireimi

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now