Eleven

3.8K 131 6
                                    

KABANATA 11
Ayumi's Point of View

“V-Vlad a-anong g-ginagawa n-natin d-dito?” kinakabahang tanong ko kay Vlad na ngayon ay seryosong binuksan ang pinto ng kotseng sinasakyan namin.

“Let's go.” walang emosyong turan niya.

“U-uwi nalang tayo Vlad please?” hindi pa rin ako bumababa ng sasakyan.

“Bumaba ka nalang please? Para matapos na at makauwi na tayo,” seryoso pa ding saad niya.

Kaya para wala nang gulo bumaba nalang ako. Sa katunayan wala naman talagang kaso sa akin ang pagpunta rito kaso natatakot lang naman talaga ako dahil sa tuwing pumupunta ako rito bumabalik sa isip ko ang lahat ng mga pinagdaanan ko matapos ang aksidenteng yun.

One year ago nagising nalang ako bigla sa isang kwarto sa mismong bahay na to. Halos walang kaalam-alam sa mundo walong buwan daw akong tulog at nang magising one week bago ako nakausap ng matino at ilang buwan bago ako tuluyang nakarecover, ang huling naaalala ko lang ay yung gabing niloko ako ni Jotham kung saan ko unang nakita si Vladimir.

Ang kwento naman sa akin nila daddy naaksidente daw ako nung gabi ding yun mismo lasing daw kasi akong nagmaneho pero ang ipinagtataka ko non ay paano akong magmamaneho eh wala akong dalang sasakyan dahil sinundo ako ni Jotham noon.

Pero ang kwento sa akin ni Dad ay tinawagan daw niya ang family driver namin na sunduin ako pero nagmatigas daw ako at iniwan ko yung driver namin sa bar at umuwi akong mag-isa at doon na daw nangyari ang aksidente.

Di naman na ako nakipagtalo dahil kung talagang yun nga ang nangyari ay kasalanan ko din ang lahat kaya minabuti ko na lamang na manahimik at humingi ng tawad.

Nang makauwi ako sa bahay ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para umiwas na sa lugar na ito. Dahil ito ang witness sa lahat ng paghihirap ko na ayaw ko nang balikan pa.

Lola Mildred----- hindi namin siya kadugo pero ako ang itinuturing niyang kaisa-isa niyang apo, kilala siya ng pamilya namin at mula pagkabata ay nariyan na siya lagi para sa amin. Palagi niya kong binibisita at inaalagaan na para bang ako na ang buhay niya. Ewan ko ba pero ganoon talaga palagi ang sinasabi niya sa akin kapag tinatanong ko siya kung bakit ang bait niya sakin, ang sabi pa niya ay nabubuhay daw siya para sa akin, para alagaan ako't mahalin.

Tulad nga ng sinabi ko sobrang komplikado ang buhay ko.

“Are you that afraid to go here?” bigla-bigla nalang nagsalita si Vlad.

Kasalukuyan na kami ngayong nasa sala at pinagsisilbihan ng mga kasambahay ni Lola Mildred.

Mga kasambahay at katiwala lamang ang narito dahil ang may ari ay nasa ibang bansa ngayon. Kahit naman hindi ako pumupunta rito ay nakikibalita pa din ako sa kalagayan ng lola Mildred ko.

Ang ipinagtataka ko ay kung paano nalaman ni Vladimir ang tungkol sa bahay na to? Kilala niya ba si Lola Mildred? Kaano-ano niya ito? Mukhang lumiliit na ang mundong ginagalawan namin ah. Gulong-gulo na ko.

“Hey! Answer me. Kanina ka pang walang imik,” muli ay nagsalita nanaman si Vlad.

Paano akong makakapagsalita eh. Hindi nga ako komportable sa lugar na to. Hindi ko nga lang pinapahalata pero nanghihina talaga ang mga tuhod ko. Pinagpapawisan na din ako ng malamig. Ni hindi ko nga magalaw ang bibig ko dahil sa oras na ginawa ko yun ay sa tingin ko manginginig lamang ito.

“Come on! Anong nangyayari sayo?” seryoso pero may bahid ng pag-aalala sa ekspresyon niya.

“A-ah e-eh *ehem Ahmm a-ano kasi,” wala akong maisip na sabihin tila meron ding bumabara sa lalamunan ko.

“A-are you okay? Ayumi asdfghjkl---” diko na halos maintindihan ang mga sinasabi niya unti-unti ding lumalabo ang paningin ko hanggang sa bigla na lamang.

“AYUMI!” ang huling narinig kong sigaw ni Vlad bago ako mawalan ng malay.
.
.
.
.
.
.
“AYUMI!” I shouted when I saw Ayumi fainted right in front of me.

Agad akong humingi ng tulong sa mga tauhan ni Lola Mildred, dinala namin sa hospital si Ayumi.

Tinawagan ko na din ang pamilya niya at ano mang oras ay dadating na din sila dito.

Kasalukuyan ako ngayong nasa labas ng emergency room, naiinip na hinihintay ang paglabas ng doctor.

*Booooooogsh

Bigla na lamang akong bumulagta sa sahig matapos kong matanggap ang isang malakas na suntok galing sa ama ni Ayumi.

“I already warned you Vladimir, bakit ba napakatigas ng ulo mo?” malakas na sigaw ni Tito habang pinipigilan ni Kuya Ice.

“I-I'm sorry,” tanging salitang lumabas sa bibig ko.

Wala akong ibang kayang sabihin sa ngayon dahil alam kong ako ang nagkamali sa pagkakataong ito.

“Dad calm down, hindi makakatulong yan,” pagpapakalma naman ni Kuya Ice sa ama niya.

Si Kuya Ice at ang Daddy niya lang ang narito.

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na din si Kuya Mel at Kuya Kirb.

“Bro! Ano nanaman ba tong ginawa mo?” pati si Kuya Mel na kilalang childish ay sumeryoso na sa oras na ito.

Nanatili lang akong tahimik at walang kibo. Hindi ko din kasi mahanap ang tamang salita na pwede kong sabihin.

Tinulungan naman ako ni Kuya Kirb makatayo.

“Halika ka nga rito maupo ka,” pinaupo ako ni kuya sa bench.

Nilingon ko naman ulit sila Kuya Ice at nakitang kinakausap na ni Kuya Mel.

Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko sa oras na may masamang mangyari kay Ayumi.

Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor.

“Doc kumusta po ang anak ko,” agad na tanong ng daddy ni Ayumi.

“Okay naman na siya sa ngayon. Sadyang stress lang talaga siya at sa tingin ko ay wala ring maayos na tulog. Sa ngayon inilipat na namin siya sa recovery room hintayin niyo nalang na mailipat siya sa private room at mayamaya din ay magigising na siya,” pagkarinig ko nun ay palihim akong nakahinga ng malalim.

Mabuti naman at okay na siya pero hindi pa din gumigising paano kung maulit nanaman yung dati?

Kasalanan ko to. Dapat hindi ko pinilit ang gusto ko. Alam ko na sa simula palang na may posibilidad na mangyari ang ganito pero pinilit ko pa din. Hindi na kasi ako makatiis at naguiguilty na din ako.

Dahil may alam ako na hindi niya alam.

To be continued.....
©Makireimi

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now