TON: 49

2K 72 0
                                    

KABANATA 49
Ayumi's Point of View

"Yumi bilis na! Ang bagal-bagal kumilos," oh gosh! Ayan nanaman yung sigaw ni Lucas, kairita!

Sunday ngayon at wala kaming pasok kaya napagdesisyunan kong mamasyal kasama ang anak ko. Gusto kong bumawi para sa mga araw na hindi ko siya kapiling at naalagaan, mga sandaling hindi ko siya maalala.

Ipinaliwanag na din sa akin nila mommy kagabi kung bakit di ko naalala si baby at dahil iyon sa nangyaring aksidente noon nang gabing tumakas ako para hanapin si Vlad. I was seven months pregnant that time kaya din napilitan nang ilabas si baby kahit di pa niya kabuwanan through a cesarian session and that also explain my scar sa may bandang tiyan ko na akala ko noon ay dahil sa isang tumagos na bubog base na din sa paliwanag nila daddy.

Ang sabi nila sa akin dati ay naaksidente ako after kong maglasing sa bar then I was comatosed but then marami pa pala munang nangyari after that and hindi rin totoong sa parehong araw ako naaksidente dahil iba ang rason niyon at hindi rin ako nagdrive pauwi that time because I was actually with Vlad doing something hilarious that night. Oh gosh! I don't want to remember those basta ang mahalaga sa ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat.

"Ano na Yumi? Bagot na bagot na ang pamangkin ko!" Di ko namalayang nakalapit na pala sa akin si Lucas habang karga-karga si baby Gio.

Inaayos ko kasi ang mga dadalhin kong gamit ni baby sa pamamasyal namin. I'm currently busy with baby Gio's milk, bottle, diaper, spare clothes and the likes.

"Maghintay ka naman masyado kang atat, ikaw ba ipapasyal ko TITO?" Sinadya ko talagang diinan ang word na tito dahil feel na feel niya ang pag tawag sa anak ko ng pamangkin.

"Ah basta bilisan mo na," and then he made his dramatic exit again after saying those.

Kung wala lang talagang lakad ngayon si kuya ay hinding-hindi ako magpapasama sa Lucas na to, nakakagigil! No choice din kasi ayaw naman akong payagan nila daddy na ako lang at si baby Gio ang magkasama. Dapat daw ay may kasama kaming bantay at si Lucas lang ang free sa ngayon.

"I'm done, let's go." Agad na turan ko pagkalabas ko ng bahay at nakitang nilalaro-laro ni Lucas si baby habang naghihintay sa may garahe.

"Yey! Let's go na baby, are you excited?" Pinaliit pa talaga ni Lucas ang boses niya, akala mo naman talaga ay sasagutin siya ng bata. Tss.

Ngiting-ngiti na ngayon si Lucas habang papalapit sa akin tyaka iniabot ang bata, siya kasi ang magdadrive. Nagpalitan kami. Kinuha niya sa akin ang hawak kong gamit tyaka ipinasok sa kotse bago kami pinagbuksan ng pinto sa may passenger seat.

"Saan mo nga pala balak ipasyal ang pamangkin ko?" Pagkuwan ay tanong ni Lucas habang nagdadrive.

"Hindi ko din alam actually. Maybe sa isang park nalang para makapaglakad-lakad na din at makalanghap ng fresh air si baby. It's not the place that is important naman eh it's the bond and the quality time that I will have with my son." Makahulugang sambit ko na tinangu-tanguan naman ni Lucas na para bang alam na niya kung saan niya kami dadalhin.

"Okay then," saad pa niya habang nakangiti.

Ilang sandali pa ang nakalipas bago kami tumigil sa isang mini park na makikitaan ng ilang mga puno at munting mga halaman. Naroong mayroon ding playground para sa mga bata at ilang mga street food vendors sa tabi.

"I like the place, how do you know this?" Tanong ko pagkababa namin ng sasakyan.

Matagal-tagal na din kami sa lugar na ito pero di ko alam na meron palang lugar na ganito dito sa amin. Alam kong malapit lang ito sa subdivision namin dahil di rin naman naging mahaba ang aming naging biyahe.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now