TON: 40

2.4K 78 0
                                    

KABANATA 40
Ayumi's Point of View

"Waaaah kuya Ice huhuhu I miss you," agad na niyakap ko si kuya nang makita ko siyang naghihintay sa amin kasama ng magkakapatid na Salvador.

Di nakalampas sa paningin ko ang dagliang pag-irap ni Krizele.

"Akala ko ba pinauwi mo na yung mga kasama mo?" Komento naman ni Vlad.

"Ah eh yun din ang akala ko eh hehe," kumakamot pang sabi ni James.

Mukhang hindi sumunod kay James ang walong to hahaha complete attendance sila.

Sina kuya Ice, kuya Kirb, Sir Mel, Krizele, Cathy, Vivian, Jhanece at si Kisha. Oh diba hahaha yieee namiss ko talaga sila ng sobra!

"Cous naman pinag-alala mo kaya kami," niyakap ako ni Vivian.

"Uy si Antonette ba yun?" bulong na tanong naman ni Kisha. Tatango na sana ako kaso sumingit ang bespren ko.

"Gaga ka talaga bes nakipagtanan ka na kay Vlad hahaha," sabay binatukan pa ko ni Jhanece. Buang!

"Grabe ka insan haha kung sabagay pag tinanan ako ni Kirby ko sasama din ako hahaha," aba! ang kyondi talaga ni Cathy hahaha.

Si kuya Kirb naman biglang nabulunan kahit wala namang kinakain hahaha nagkapulmonya ata bigla hahaha.

"Di ka naman nagsabi dude may itatanan ka na din pala hahaha," sabi pa ni Marx na bigla namang sumulpot kasama ang iba pa.

"Woah! Dude you're all here, si Vlad lang pala nagtatago sa inyo eh hahaha," nakipag apir pa si kuya Kirb kina Marx, Gerden at Vaughn.

Oo nga pala nasa iisang boyband group sila dati (mababasa sa chapter 1) Kaya naman.....

"Waaaah! D’aVB boyband group!" Ayun at nagwala na si Cathy hahaha.

"Ay hahahaha pano ba yan mukhang hindi lang ikaw ang gusto Kirb haha. Hi miss beautiful," sabay kumindat pa si Marx kay Cathy.

Si Cathy ay biglang parang kiti-kiti na dahil sa kilig hahaha.

"Paano naman kami ni kapatid wala bang nakamiss? Huhuhu mapanakit kayo," nag-iinarte nanaman si James.

"Ayan oh si Vivian yieee," at ayun nga nagkatyawan na sila.

"Waaaah insan may ano?" mapanuring tanong ko pa sa namumula nang si Vivian hala!

"Viiiiiiv miss mo ko? :3" aba aba nagpout pa si James. Yaks!

"E-ewan ko sainyo. Waaah Ayumi uwi na tayo," hahaha laptrip talaga si Vivian ayun at tumakbo na at pumasok agad sa kotse.

Nagtawanan nalang kami at tyaka nagkayayaan na ring umuwi pagkuwan.

Si kuya Ice, James at Vlad nga ay nagtalo pa talaga kung saan ako sasakay kaya para walang away ayun at kay sir Mel ako sumama.

"Hmm Yumi? Kamusta naman ang pamamalagi mo sa black mansion?" biglang tanong ni sir Mel habang nagmamaneho.

"Ah okay naman po sir," tipid na sagot ko sa kanya, nakakahiya kasi.

"Pasensya ka na sa ugali ni Vlad ah lahat kasi ng gustuhin niya ay gusto niyang nasusunod, yun ang kinalakihan niya kaya wala kaming nagawa nung kinuha ka niya," malumanay sa saad pa ni sir Mel.

"Okay lang po yun sir hindi naman po niya ko sinaktan eh mabait naman po siya," nasabi ko nalang din.

"Mabuti naman kung ganon," nakangiti pa si sir.

"Nga pala sir bakit po ganon may sarili na po siyang mansiyon? Ang yaman niyo po pala talaga," napakachismosa ko sa lagay na to.

"Hahaha hindi naman hmmm tyaka yung mansiyon na yun siya mismo ang nagpatayo nun at sariling pera niya yun. Itinago pa nga niya samin ang kinaroroonan nun eh ngayon nga lang namin nalaman kung saan sa tulong pa ni James kaso yun nga lang di pa rin namin napasok. Ang daya kasi ni James siya lang daw muna tapos pagbalik niya kasama na niya kayo hays," mahabang pagpapaliwanag pa ni sir hinayang na hinayang talaga siya.

"Ah ganon po ba grabe naman po pala si Vlad mapaglihim haha. Eh kayo po ba meron na din?" Usyoso ko pa.

"Ahmm meron naman pero tig-iisa kami non bigay ng parents namin at meron din si Vlad kaya bale dalawa na mansiyon niya oh diba kung saka-sakali eh dalawa na magiging bahay niyo ni Vlad hahaha," nangtitrip nanaman si sir Mel.

"Sir naman eh huhu," kunwari pa kinilig naman--- uy wag niyo kong susumbong!

"Yieee hahaha wait daan muna tayo dito may bibilhin lang ako," mapang-asar talaga to si sir. Bigla niya ding ipinark sandali ang sasakyan.

"Ano po ba ang bibilhin niyo?" tanong ko matapos itigil ni Sir Mel ang sasakyan sa isang convenient store.

"MikMik hahaha papadalhan ko na din si Mikay peyborit niya yun eh haha," parang bata talaga to si sir grabe.

"Sino po ba yung Mikay pag MikMik po kasi ay siya ang nababanggit niyo?" pangungulit ko pa ulit.

"Si Mikay ba? Basta maganda yun OO ang ganda niya promise hahaha sige diyan ka muna Yumi ah," tanging sabi lang ni Sir Mel at tyaka lumabas na ng kotse.

Aba-aba maganda daw?

Pag talaga yan nakita ko naku!

Baka mas maganda pa ko ah hahaha.

Sino yan? Ilabas niyo, Mikay daw ang pangalan!



To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon