TON: 59

2.8K 71 6
                                    

KABANATA 59
Ayumi's Point Of View

Makailang ulit na kong napapalunok ng sariling laway dahil sa tensyong nararamdaman ko sa kasalukuyan.

“Pasensya na po kayo tito, pauwi na din po yun sila dad.” hinging paumanhin ko habang pinaghahainan ng makakain ang parents ni Vlad.

They are all here now sa bahay namin and I am pertaining to my mom and dad's house not the private residence of my real parents.

“Okay lang hija hindi naman kami nagmamadali tyaka may kailangan talaga kasi kaming pag usapan ng parents mo kaya willing kaming maghintay kahit pa anong oras sila dumating,” nakangiting ani pa ng mommy ni Vlad.

Waaah bakit ba kasi sila nandito huhu. Buti nalang at dumaan din muna ko dito kanina para kunin ang ilan ko pang mga gamit dahil pansamantala muna talaga sanang titira ang buong pamilya namin sa bahay nila ama pero bigla silang dumating kaya di ko na nagawa pang makaalis at agad na tinawagan sila mommy na umuwi dito dahil nga hinahanap sila ng buong pamilyang Salvador.

Buti nalang din kamo at may inutos si ama kay Lucas kaya di na niya ko nasamahan kanina pauwi dito kundi ay baka nagpang abot pa sila eh alam na ng buong pamilyang Salvador kung sino ba talaga ang isang Lucas Manrique at kung saang pamilya siya nabibilang.

James were also not here dahil nagpapagaling pa ang isang yun, actually di naman talaga grabe yung natamo niya sadyang tamad lang talaga siya pumasok kanina kaya siya wala din ngayon.

“Sissy nasan nga pala si Ice?” pagkuwan ay biglang tanong ni Krizele and she's looking for my brother.

“Krizele he's way older than you, gumalang ka nga.” sasagot na sana ako sa tanong ni Krizele kaso naunahan akong magsalita ni kuya Kirb.

“No! Hindi ko siya pwedeng i-kuya, he's my fiance duh?” halos sabay-sabay na nasamid ang buong mag-anak dahil sa sinabing iyon ni Krizele.

“You're crazy, di pa nga kami kasal ni Ayumi uunahan mo pa ko.” dahil sa sinabing iyon ni Vlad ay turn ko naman para masamid sa sariling laway. What the heck is he saying!?

“Bro, di ka naman nagpopropose so di talaga kayo ikakasal, asa ka pa.” Nakangisi pang pang-aasar ni kuya Kirb sa kapatid.

Grabe kung magpalitan sila ng salita ay parang wala iyong taong pinag-uusapan nila.

“By the way Yumi, nasan nga pala ang pamangkin ko? Miss ko na siyang kargahin.” pagkuwan ay naitanong naman ni Sir Mel.

Tila umatras bigla ang dila ko dahil sa tanong niyang iyon. My baby Gio is in my real parents' house for goodness sake.

“K-Kasama po nila mom and dad, n-namasyal po sila.” pagkasabi non ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko at pasimpleng nagtext kay mommy at tinanong kung kasama ba nila si Gio pauwi.

“Thanks God.” Wala sa sariling sambit ko nang mabasa ang reply ni mommy na nagsasabing kasama daw nila pauwi ang anak ko.

“What are you thanking for hija?” napakurap-kurap ako nang marinig ang tanong na iyon ni tito. Oh my gosh, ayumi bat ba ang hilig mo magsalita ng wala sa sarili?

“Ah eh, ahm malapit na daw po kasi sila m-mom hehe.” super awkward na sagot ko sa kanila dahil lahat sila ay animong naghihintay sa anumang lalabas na salita mula sa bibig ko.

And it was as if on cue ay biglang bumukas ang pintuan namin at iniluwa niyon sina mommy at daddy habang karga si baby Gio and oh! Kasama din pala nila si kuya Ice na siyang huling pumasok.

“Good evening Mr. and Mrs. Grefaldo,” saad ng daddy ni Vlad tyaka pagkuwan ay sabay-sabay nang nagsitayuan ang buong mag-anak ng Salvador upang bumati sa pamilya ko.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now