TON: 32

2.4K 84 5
                                    

KABANATA 32
Ayumi's Point of View

"Insan ayaw mo ba talagang makausap si Vlad?" pang-ilang beses na kayang itinanong yan sa akin ni Cathy?

"Cathy bakit ba ang kulit mo?" pagsasaway naman ni Vivian.

"Pasensiya na kayo ah hindi pa kasi ako handang makita at lalo na ang makausap siya," sabi ko nalang para matapos na.

"Eiiiih kasi kawawa naman yung tao. Alam mo ba insan, walang araw na hindi yun pumunta rito mula noong mahospital ka," dagdag pa ni Cathy.

"Kasi nga diba sabi ni tito, si Vlad ang may kasalanan kaya nahospital si Ayumi," pagkontra naman ni Vivian.

"Kaya sa malamang ay nakokonsensiya siya kaya palaging narito. Araw-araw nga din humihingi ng tawad diba?" dagdag pa ni Jhanece sa sinabi ni Vivian.

"Pero galit na galit talaga sa kanya ang mga parents mo Ayumi. Bakit ba kasi? Ano ba talaga ang nangyari pati kasi kami ay clueless pa din hanggang ngayon," si Kisha naman ngayon ang nagsalita.

Ano na ngayon ang gagawin ko?

Di ko naman alam kung dapat ko ba sa kanilang sabihin o mas nararapat na sabihing kaya at handa ko na bang sabihin lahat ang nangyari.

Baka sabihin pa nila ang babaw ko. Nakita ko lang na may kahalikan si Vlad ay isinugod na ko agad sa hospital.

May isa pa nga pala kong pinoproblema. Yung mga panaginip ko sino ba ang pwedeng mapaliwanag sa akin tungkol sabagay na iyon.

Ayst kaasar naman kasi gulong-gulo na ko.
Buti na lang---

"Huwag niyo na munang kulitin si baby Ayumi okay ba yun? Bawal pa muna kasi siyang mastress eh," nakangiti ngunit mahihinuhang seryosong bigkas ni kuya Ice.

Nagsipout tuloy itong mga makukulit na nasa harap ko. Lihim din akong napangiti at nagpapasalamat sa pagdating ni kuya Ice dahil nakaligtas ako sa mga tanong nila.

"Kuya si ano po ahmm si b-baby Gio?" tanong ko kay kuya Ice.

Balak ko sanang kumustahin si Vlad pero si baby Gio ang lumabas sa bibig ko. Kahit papaano kasi ay gusto ko pa rin malaman kung kumusta na ba si Vlad lalo na ngayon na may mga nababalitaan ako tungkol sa mga pagdalaw niya dito at maging si baby Gio ay namimiss ko na kahit pa sabihing sandali ko lamang siyang nakasama ay itinuturing ko na din siyang tunay kong anak.

"Sigurado ka bang si baby Gio lang ang gusto mong kamustahin?" malumanay pang saad ni kuya.

"O-Oo n-naman," ang tanging nasabi ko na lamang.

"Baby Gio is fine. Nasa bahay pa din natin siya and about Vlad, our parents never let him to get inside this room and even in our home. He can't get baby Gio at ayaw din pumayag nila mommy kaya sa tingin ko mananatiling sa puder mo ang bata," seryoso at mahabang salaysay ni kuya Ice.

"But? Why? I don't understand," naguguluhang tanong ko pa sakanya.

"You will understand soon baby," tanging sabi ni kuya tiyaka hinalikan ako sa noo.

What the !!! Ano bang problema nila mommy? Oo nga't hindi pa ako handa na kausapin si Vlad kaya medyo pabor na din sa akin yung desisyon nila na bawal akong dalawin ni Vlad pero sobra naman ata kung ipagkakait nila pati si baby Gio.

Baby Gio is not even mine. Sige sabihin na nating napamahal na din sa kanila yung bata pero sana inisip naman nila yung sitwasyon.

Paano kung miss na miss na din pala si baby Gio ng tunay nitong mga magulang? At isa pa si Vlad alam kong mahal na mahal niya yung bata, kitang-kita ko yun sa mga mata niya sa tuwing karga at inaalagaan niya si baby Gio.

Mahal ko si baby Gio pero ayaw ko siyang ipagkait sa mga nagmamahal pa sakanyang iba.

Mamaya pagdating nila mommy ay kakausapin ko sila tungkol dito.

Habang wala pa sila mommy ay sila Jhanece na muna ang kausap ko.

Madami kaming napag-usapan na kung anu-ano tungkol sa school and etc. Natanong din nila yung about kay baby Gio pero palagi ko nalang din nililihis at iniiba ang topic.

Ang totoo niyan di pa rin talaga ako mapakali. Bakit ba kasi idadamay pa ng mga magulang ko si baby Gio sa sitwasyon namin ngayon eh wala namang kinalaman dito yung bata.

Tyaka kung tutuusin nga ay napakababaw lang naman ng nangyari kung wala nga lang ako nitong kondisyon ko na bigla na lang nagbablack-out kapag nasstress at nasosobrahan sa pag-iisip eh baka okay pa kami ngayon at hindi ganito kalala ang nangyari.

Ako talaga ang dapat na sisihin dito at wala ng iba. Ang dami na tuloy nadadamay dahil sa kapabayaan ko.

"Uy Bes! Ano na? Tulala ka nanaman," untag sa akin ni Jhanece.

"Pasensya na may iniisip lang," bumuntong hininga naman sila dahil sa sagot ko.

Magsasalita pa sana sila kaso napigilan ng isang katok mula sa pinto.

"Tok! Tok! Tok!"

"Ahmm pasok po," ngayon lang may kumatok ah.

Pagsila mommy kasi di naman nakatok at maging sila Jhanece kaya nagwowonder tuloy ako kung sino ang nasa labas ng pinto.

"Insan! May inaasahan ka bang bisita ngayon?" Nagtataka ring tanong ni Vivian.

Unti-unting bumukas ang pinto at nahigit ko ang aking paghinga ng makilala kung sino ang iniluwa ng pintuang ngayon lang kinatok.

"Mal, kamusta ka?" Fuck! Totoo ba tong nakikita ko?

"A-anong g-ginagawa mo dito?" ang siyang tanging nasabi ko na lamang dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayari.

Why are you even here--- Lucas?


To be continued.....

PS. This chapter is supposedly dedicated to Miss GemmaMirandaMercado but then I can only mention names and cannot dedicate directly because of some technical errors. Please do understand. By the way, thank you for reading and inspiring me to continue this story, Mamikay is sending you a lot of hugs and kisses!

©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now