TON: 16

3.4K 109 1
                                    

KABANATA 16
Ayumi's Point of View

Lunes ngayon at sa malamang eh may pasok na ulit, ayst! katamad bumangon ah pero no choice naman good girl kaya ako kaya dali-dali akong naghanda para sa pagpasok.

“Good morning to all,” bati ko sa family ko pagkababa ko.

“Walang good sa morning tsk,” narinig ko pang bulong ni Ate Rosalinda.

“Good morning baby, breakfast is ready,” sagot naman ni daddy.

“Yes Dad, thank you, sabay-sabay na po tayo,” masayang sagot ko na lang at hindi na pinansin pa ang sinabi ni Ate Rosalinda.

Malapit na ako sa school nang mapatingin ako sa rearview mirror at pinagmasdan ang kwintas na suot ko, heart ang pendant nito at parang may kung ano pang mga symbol ang nakalagay pero hindi ko naman maintindihan kung para saan basta ang alam ko lang regalo ito sa akin ni lola Mildred at hindi ito totoong galing sa pinsan ko sadyang ayaw ko lang ng kung anumang gulo at dahil nga mukhang interesadong - interesado si Vlad sa kwintas ay iyon na lang ang naisip kong palusot para matapos na agad ang usapan.

Napailing nalang ako para maiwaksi ang mga gumugulo sa aking isipan tyaka napalingon sa aking kamay ngunit namayani agad ang kaba sa aking dibdib nang mapansing may kulang, shet! iyong pendant, OH NO! Hindi pwedeng mawala iyon dahil isa iyong crest ipinapasa generation by generation sa aming pamilya. Ikinabit ko kasi yun sa bracelet ko, argh lagot ako nito kay mommy lalo na kay daddy. Saan ko na ngayon yun hahanapin? Kailangan ko mahanap yun sa kahit na anong paraan.

“Ma'am? May hinahanap po kayo?” tanong sa akin ng driver ko.

(Oo may driver na ulit ako dahil takot na akong magdrive ngayon)

“A-ah eh wala po kuya, sige baba na po ako nandito na pala tayo,” hindi ko na sinabi sa driver ko dahil baka malaman pa ni Daddy na naiwala ko yung pendant, ayst bahala na nga baka nasa kwarto ko lang naiwan, hahanapin ko nalang mamaya.

“Good mooorning Bes!” matinis na tinig agad ni Jhanece ang narinig ko pagkapasok ko sa room badtrip eskandalosa, ang sama na tuloy ng mga tingin sa akin ng mga classmates ko.

“Manahimik ka nga, ang tinis tinis ng boses mo letse! wag mo ko badtripin, badtip na akong dati,” mahinang saad ko sakanya ng magpantay kami at ang loka ngiti lang ang iginanti.

Naupo na ko sa upuan ko siyempre, himala yata na kumpleto ngayon ang mga bruhilda ang dalawa kong pinsan si Cathy at Vivian, si Jhanece at ang pinsan niya ding si Kisha at maging si Vlad ay present na sa katabi kong upuan, speaking of which kanina ko pang napapansin ang pagtitig sa akin nitong katabi ko, hindi naman sa pag assume ano? pero sigurado akong sa akin talaga siya nakatingin. Ano kayang problema ng isang to? Ay bahala na nga siya! May mas malaki pa akong bagay na dapat problemahin bukod sa pagtitig niya sa akin, yung pendant ko huhuhuhuhu.

“Good morning class, by the way before we start I would like to introduce to you your new classmate, well I know that some of you know her already dahil dito din naman sila nag-aral noong High School am I right? So... Ms. Tumale you may come in and introduce yourself for formality,” pambungad ni Sir Mel sa amin.

“Hi everyone, miss me? My name is Ryza Tumale for those who don't know me yet,” matinis na bati nito sa lahat okay bagay sila ni James hahaha.

Woah! Bigla nanaman pumasok sa isip ko si James, kaasar kasi ang isang yun mapaglihim.

Sa sobrang pag-iisip ko eh hindi ko namalayan na naglalakad na pala yung transferee daw papalapit sa pwesto ko?

Baka naman maghahanap ng seat vacant pa kasi yung seat na nasa likod nila Jhanece at Kisha

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now