TON: 27

2.7K 98 0
                                    

KABANATA 27
Ayumi's Point of View

"Oh My Gosh!" tanging nasabi ko na lamang nang tumambad sa akin ang isang pahabang drawer na nanggaling sa may gilid ng kotse.

Ang drawer ay naglalaman ng iba't-ibang klase ng baril.

Actually hindi naman bago para sa akin ang makakita at maging makahawak ng baril. Sa Japan noon ay tinuruan ako ni Daddy na humawak at gumamit ng iba't - ibang klase ng baril. I even have my own collection of guns at home pero mula nang maaksidente ako ay hindi na ulit ako humawak. Ewan ko ba parang hindi ko kasi trip pero ngayon na nakakita ako ay parang naexcite tuloy ako.

Kaya naman kinuha ko ang isang handgun at kinilatis ito. Wow, napakagandang baril naman nito. Bakit kaya may mga baril si Vlad sa Kotse. Parang kinilabutan tuloy ako bigla. Hala! baka dumating na si Vlad at mapagalitan ako, baka sabihin pinapakialaman ko ang mga gamit niya na parang ganon na nga talaga.

Teka? Paano ko ba mababalik ito? Triny ko namang pindutin ulit yung button pero walang nangyari kaya napagpasyahan ko na tawagan si Vlad at ipaalam nalang ang nangyari para sa ikabubuti ng lahat.

Ay kaasar walang signal kaya napagpasyahan ko na lumabas ng sasakyan at maghanap ng signal.

Pero laking gulat ko ng pag labas ko ay pinalibutan ako ng mga taong puros naka itim at may hawak na kanya-kanyang baril.

"Who are you? How'd you get here?" tanong ng isang babaeng halos kasing edad at kasing tangkad lang ni Ate Hillary.

Litaw na litaw sa kanyang suot ang makinis at maputi nitong kutis. Pero wala na akong panahon para purihin pa siya dahil kasalukuyang nakatutok ngayon sa akin ang baril niya.

Bigla naman akong napatingin sa kamay ko at napagtantong hawak ko pa din pala ang baril na nakuha ko sa sasakyan ni Vlad kaya naman eksperto ko itong iniangat at itinutok din sa kaharap ko.

"Wag kang lalapit," agad na sabi ko.

"T-that G-Gun. Where did you get that?" tanong ni Atih Girl.

"Hey, chill my dear, gusto mo pa naman atang mabuhay Angelica," biglang may nagsalita sa likod.

"A-Ate Hillary?" anong ginagawa ni Ate Hillary dito? At talagang bitbit niya pa yung mga pinamili namin kanina.

"Ahm, hello po Lady Ayumi hehe," awkward na pagbati ni Ate Hillary.

"What the Heck! What's happening here?" agad na nagsitayuan ng tuwid yung kaninang nakapalibot sa akin nang magsalita si Vlad galing sa kung saan.

"A-Ayumi? What The! i-ibaba mo nga yang baril," totoo ba tong nakikita ko? Nininerbyos ba si Vlad?

"Huh? Ito ba?" itinutok ko sa kanya yung baril. (pagtitripan ko muna)

"Oh shit! That's a fucking gun Ayumi!" wahahahaha LT talaga yung reaksiyon niya.

"Ay ano ba yan ang kati," ginamit ko pang pangkamot sa sintido ko yung baril hahahaha.

Halos nakatulala naman silang lahat sa akin maliban kay Vlad na parang natataeng ewan ang itsura hahaha

"Ayumi hindi na nakakatuwa, bitawan mo na please? Tyaka paano mo nga pala yan nakuha?" malumanay na niyang pakikiusap.

"Wala eh! Maganda kasi ako hahaha," apaka feeling ko din talaga hahaha.

Kanya-kanya namang pagkakasamid ang mga taong narito maliban kay Ate Hillary na napapailing na lang.

"Well Ahmm yah! You're beautiful pero bitawan mo na yung baril---

"Yieeeeeeeeeeeeee"

"Korni mo boss hahaha"

"Lumalablayp ang hari hahaha"

Kanya-kanya namang kantyaw ang mga narito kaya napansin ko ang pamumula ng tenga ni Vlad. Nagbablush ba to pero sa tenga? Hahahahaha

"Ano bang pumasok sa isip mo at natripan mo yung baril ko," seryosong tanong ni Vlad habang naglalakad kami.

(A/N: funyetang baril yan, iba naisip ko HAHAHA)

Dahil nga pasaway ako at lumabas ng sasakyan at nakita ng karamihan eh pinatuloy na talaga nila kami ni baby Gio.

"Di ko naman sinasadya yun eh tyaka don't worry I know how to use guns, I have my own collections and actually I treat them like my own babies hehez," sabay kindat ko pa sa kanya.

Dahil sa kindat na yon ay napahalakhak si Vlad. Grabe ang OA niya ah mukha ba kong Clown?

Bigla naman akong napatingin sa harap at nakitang nagsipagtigil sa paglalakad sila Ate Hillary at pawang nakatulala sa tumatawang si Vlad.

"Hihihihihi," bigla namang humagikhik si baby Gio, nahawa ata sa tawa ng Diddy Vlad niya.

"Hahahahaha," natawa nalang din tuloy kaming lahat.

"E-ehem ehem," bigla nalang napatigil kami dahil sa tikhim na yun ni Vlad.

*Paaaak!!!
Binatukan ko nga apaka kill joy eh

"Aray naman Ayumi eh makabatok tsk," reklamo naman niya.

O_O (reaksiyon nila yan)

"Okay? Anong meron?" Pagtatakang tanong ko.

"Ah eh wala wala po," saad nung isa.

"Di lang sanay ang mga yan na may nambabatok kay boss este kay s-sir ay ewan! bast siya! hahaha," tatawa-tawa pang saad ni Ate Hillary.

Pagtikhim na lang ang naging reaksiyon ni Vlad at tyaka biglang bumalik sa serious look niya.

Pagkarating sa taas ay pinaupo kami ni Vlad sa isang eleganteng sofa. Hawak ko na ngayon si baby Gio.

Actually nagwa-wonder pa din ako kung anong lugar ito pero ang sabi naman ni Vlad eh parang rest house lang daw ng mga Salvador at nagkaroon ng emergency meeting at kailangan siya. Mga tauhan din daw ng Salvador family ang mga narito. Ang sabi pa ay meron daw kasi silang Security Agency kaya mga armado ang mga ito. Nagdadalawang isip man eh wala naman na akong magagawa.

"You said a while ago that you treat your guns like a baby?" parang di makapaniwalang tanong ni Vlad.

"Oo nga, parang di ka naman naniniwala na marunong ako gumamit ng baril ah, kung barilin kaya kita? Hahaha," pagbibiro ko pa.

"Tsk. So ano yun? Kalevel lang ni baby Gio yung mga baril mo? Kapatid ganon?" parang nagtatampo pang saad ni Vlad.

"Siyempre hindi noh. I love baby Gio more than anything, he's my son a real one at hindi baril lang tsk." grabe feel na feel ang pagiging ina haha pero bukal yun sa puso ko ah.

"Mabuti nang malinaw no baka gawin mo lang baril ang anak ko hahaha," saad pa ni Vlad.

"Hala boss? Anak niyo ang batang yan?" gulat na tanong nung isang lalaki.

"Hahaha hindi ka pala nainform Knight? Kawawa ka naman," saad pa ni Ate Hillary.

"Eh bakit kayo ba nainform din?" pagbaling naman ni Knight daw dun sa iba pang mga lalaking naroon.

Pag-iling naman ang sagot ng mga tinanong.

"Oh diba Tres Marias lang ata ang nainform eh tsk," ang sabi naman ni Knight daw.

"Tampo ka na niyan? Hahaha," saad naman ni Ate Angelica.

"Tres Marias? Sino yun?" tanong ko naman.

"Ahmm Ako, si Angelica tiyaka si Antonette," sagot naman ni Ate Hillary.

"Antonette? Naalala ko tuloy si Tonette yung kasama ko sa Dance Dept." Biglang sabi ko naman.

"It's her actually," simpleng sabi naman ni Vlad.

"Eh? You mean isa siya sa Tres Marias? How come?" wow eh parang ang hinhin nun eh.

Well sabi nga nila, "Don't Judge the Book by its Cover". Information overload na ata ako ngayong araw grabe!


To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now