TON: 51

2.2K 77 5
                                    

KABANATA 51
Vladimir's Point Of View

Bagot na pinagmasdan ko ang paligid, lumipas na ang buong maghapon at magdamag tss. Literal na ikinulong talaga ako ni lolo sa mansiyon niya pero nakalimutan ata niya ang isang mahalagang kailangan niyang gawin bago ako ikulong at iyon ay ang kunin ang cellphone ko mula sa akin.

Kaya prente lang akong naupo sa sofa ng kwartong kinaroroonan ko at tiyaka nagsimula nang kalikutin ang sarili kong telepono.

Hindi ako papayag na maikasal o kahit pa ang mai-engage sa kung kanino man bukod kay Ayumi. Si Lindy? Oo mabait siya at mahalaga din siya sa akin pero hindi siya ang laman ng puso ko. Ayaw ko siyang masaktan pero hindi ko din kaya ang gusto niyang mangyari. Sana ay maunawaan niyang hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

Sa ngayon ay plano kong huwag na munang magmatigas at maging sunud-sunuran kay tanda pero sa likod ko ay kikilos na ang mga pinagkakatiwalaan kong tauhan na siyang dahilan ng pagkalikot ko ng phone ko ngayon.

Maaga pa lang ay nagising na ako o mas tamang sabihin na umaga na eh gising pa din ako kanina dahil hindi ko na nagawang makatulog kagabi maging ang kumain ay nawala na rin sa isip ko kahit pa hinatiran naman akong maid ni lolo.

Si Lindy ay maka-ilang ulit ding bumisita sa akin pero ni katiting na sulyap ay hindi ko siya pinagkalooban. Para ano pa't kausapin ko siya eh hindi din naman siya makikinig sa akin.

Patuloy pa rin akong nagmumuni-muni matapos kong sabihin sa mga tauhan ko ang plano nang mabulabog ito ng isang katok mula sa pinto at iniluwa niyon si lolo habang karga-karga ang anak ko?

"Teka? Anong ginagawa ni baby Gio dito diba't nakila Ayumi siya?" Salubong na salubong ang kilay ko, kinabahan din tuloy ako bigla. Ano nanaman kaya ang kalokohanang ginawa ng matandang ito?

"Hahayaan ko ba namang hindi makadalo ang anak mo sa espesyal na okasiyong magaganap mamaya? Siyempre hindi kaya binawi ko na siya," simpleng sagot niya pa na para bang normal lang ang lahat. Damn you!

"Paano mo siya nakuha? Anong ginawa mo kay Ayumi ha!?" may diin ngunit natatarantang tanong ko sakanya.

How did he fvcking get my son!?

"HAHAHA Don't worry about her wala naman daw siya nang kunin ng mga tauhan ko ang anak mo kaya sa isang kisap-mata lang eh kasama ko na ang apo ko," tumatawa pang aniya na hindi ko ikinagalak bagkus ay lalo kong ikinairita.

"Give me my son!" I ordered tyaka akmang kukunin sa kanya ang bata pero agad niya itong nailayo sa akin at mabilis din akong naharangan ng mga tauhan niya. Fvck!

"Wag mong idamay dito ang bata, subukan mo lang saktan ang kahit na sino sa mag-ina ko baka makalimutan kong parehong dugo ang nananalaytay sa ugat natin at ako mismo ang papatay sayo!" Seryoso at makahulugan kong pagbabanta sa kanya habang patuloy na nagpupumiglas sa mga tauhan niyang pilit akong pinipigilang makalapit sa anak ko.

Alam kong sandali rin siyang natinag sa sinabi kong iyon pero agad ding nakarecover at tyaka biglang umalis tangay si Gio.

Nang makalabas ay hindi pa rin ako binibitawan ng mga tauhan niya kaya sa sobrang inis ko ay dinuraan ko sila dahilan para kusa silang kumalas sa pagkakahawak sa akin pero nakatanggap din ako ng isang suntok bago nila ko tuluyang iniwan.

Pasalamat kayo't wala ako sa mood ngayon para makipagmatigasan lalo na't hawak ni lolo ang anak ko. Nasisiguro kong sinadya niyang kunin si Gio nang sa gayon ay hindi ako magtangkang tumakas at magawa niya ang kaniyang gusto pero pasensyahan nalang tayo dahil babawiin ko ang anak ko nang hindi nai-engage kay Lindy, magkamatayan na!

"Tres, handa na ba ang lahat?" tanong ko sa tatlong kausap ko sa kabilang linya.

Gabi na at magsisimula na ang pakulo ni tanda.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now