TON: 21

2.8K 97 0
                                    

KABANATA 21
Ayumi's Point of View

Kasalukuyan kami ngayong nasa isang restaurant na matatagpuan mismo sa loob ng hotel.

Lunch time na din ngayon kaya halos puno rin ang resto dahil sa dami ng estudyanteng naririto. Halos hindi na rin nga ako makahinga dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.

"Ahmm Lola excuse me po muna Cr lang po ako," hinging pahintulot ko, grabe ihing-ihi na talaga ako dahil sa sobrang kaba.

Dali-dali akong pumunta ng Cr at ginawa ang dapat gawin at lumabas din agad sa cubicle at pagkalabas ko-----

"What the! Vlad anong ginagawa mo dito? Cr to ng girls!" gulat na tanong ko.

"I know and I just want to talk to you, I want to apologize for the sudden situation. Di ko talaga alam kung ano pumasok sa isip ni Lola at pumunta pa siya rito tsk," seryoso ngunit may bahid ng pag aalalang sabi niya.

"Sige na okay lang hayaan mo na, nandyan na yan eh wala na tayong magagawa. Tara na nga baka nakakalimutan mong CR to ng girls, pasaway ka talaga!" saad ko naman.

"Hahahaha yah that's true. Okay, let's go," pagkatapos nun ay lumabas na kami.

Ang sama pa nga ng tingin nung janitor pagkalabas namin may sinabi pa nga eh.

"Haaaaays mga kabataan nga naman ngayon kaya madami ang nabubuntis ng maaga eh," sobrang dismayado talaga si koya.

Pero imbes na matakot eh sabay pa kaming natawa ni Vlad pagkalayo namin dun. Eh sa wala naman kaming ginawang ganon eh hahaha.

"Parang ang saya niyo yatang dalawa ah," pang ookray naman ni Kuya Kirb pagka balik namin sa table.

Bale nandito din kasi ang mga kuya ni Vlad.

"Ay hahahahaha," muli pang natawa si Vlad.

"Is that really you Vlad apo? Himala yatang nakita kitang sobrang masaya," nakangiting sabi naman ni Lola.

Bigla tuloy sumimangot si Vlad may kasama pang pagpout hahaha, pfft.

"Ang pangit mo wag ka ngang magpout di ka cute hahaha," pang ookray ko naman bigla.

"Sus, para namang ang ganda mo tsk," bwelta naman ni Vlad.

"Yay! Maganda naman talaga ko diba kuya Kirb? Sir Mel? Lola diba?" okay pakapalan na to hahaha, feeling close na ko masyado.

"Hmmm Agree," simpleng saad ni Sir Mel.

"Oo nga naman Vlad ang ganada kaya ni liit," okay na sana kaso may liit pang nalalaman si kuya Kirb.

"Pano ba yan Vlad apo mukhang talo ka ngayon haha," panggagatong pa ni Lola.

"Sino ba talagang kadugo niyo dito? Ako o si Ayumi?" kunwaring pagmamaktol pa ni Vlad.

"Yung totoo bro ganyan ba talaga pag inlove nawawala sa katinuan? Hahaha this is so not you," tumatawang saad ni kuya Kirb na talagang ikinasamid ko.

Ano daw in love???

"Hey! Are you okay?" lumapit naman sa akin ni Vlad at maagap akong binigyan ng tubig.

"Yieeeee kikiligin na ba ko? hihihi," my goodness umeksena na si Sir Mel.

"Hahaha nakakatuwa kayong makitang ganyan magkulitan. All thanks to you Lady Ayumi because of you, Vladimir learn how to smile again," hinawakan pa ni Lola ang kamay ko.

Bigla namang natahimik ang magkakapatid pero halatang masaya sila dahil bakas sa mga mukha nila ang kagalakan. Maging si Vlad ay may ngiti sa kanyang mga labi.

Naka uwi na si Lola kani-kanina lang kaya sobrang nakahinga talaga ako ng maluwag.

Kaya naman go na ulit ako at umalis muna sa puder ng mga Salvador nakakastress kaya pag nasa paligid sila.

Naglalakad-lakad ako ngayon malayo sa lahat, malayo sa gulo at stress hays.

"Oh mag-isa ka ata ngayon atih girl hahaha," saad ni Rhona kasama yung dalawang Ryza.

"Himala na hindi ka nakadikit sa prinsipe ko," matalim ang matang sabi pa ni Ryza Tumale.

"Oo nga gigil mo si ako grrrrr," yung isa pang Ryza.

"Pwede ba tantanan niyo na ko, bakit kasi hindi nalang kayong dalawa ang magsapakan tutal pareho niyo namang gusto ang boyfriend ko," pero ano daw 'boyfriend'? Parang kinarir ko na din ah haha.

"Boyfriend? So totoo nga yung balita? grabe ka din lumandi ah halos ilang buwan mo palang nakikilala shinota mo na agad," sinasagad ata ako ng Ryza na to ah.

"Excuse me lang ha? Matagal ko nang kilala si Vlad at hindi last month lang, I even have my first kiss with him 2 years ago," sinabi ko yun ng dire-diretso.

"Oh my gosh! I can't believe this waaaah huhuhu," nagtatakbo naman paalis si Tumale kaya sinundan na siya nung dalawa pa pero bago umalis yung Rhona ay may sinabi ito.

"This will not be the last, tandaan mo magbabayad ka," seryosong saad nito na sinabayan pa ng kakaibang awra. Anyare dun?

Ayst bahala na nga si picachu!!!

To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now