PROLOGUE

4.3K 90 18
                                    

(created by: MasterJey24)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(created by: MasterJey24)

*****

Ang sabi nila kapag NAGHIHIGANTI ka, gumawa ka raw ng dalawang LIBINGAN.

Isa para sa taong PAGHIHIGANTIHAN mo at isa naman para sa SARILI mo...

Matapos ang halos kalahating taon na pagbabalik ko sa lugar kung saan walang awang pinatay ang pamilya ko. Malapit ko nang makamit ang hustisyang pinapangarap ko para sa kanila. Unti-unti ko nang nalalaman ang katotohanan sa likod ng malagim na nangyari noon sa aming pamilya.

Walang awa nilang pinapatay ang aking ama sa aking kaarawan. Lumipas ang mga araw, ipinagahasa nila ang aking ina at itinapon sa ilog. Pinagbabaril ang aking kapatid habang nagmamakaawa sa kanyang buhay at ibinigti ang aking lola habang naliligo sa kanyang sariling dugo. Ganoon kasama ang pamilyang naghaharian sa lugar kung saan kami nanirahan. Maimpluwensiya, makapangyarihan at sinasamba ng mga taong kanilang nasasakupan.

Kaya ipinangako ko sa sarili ko, wawasakin ko ang mga d' Ultima katulad ng ginawa nilang pagwasak sa aking pamilya!

Sisirain ko ang kanilang ipinagmamalaking pangalan sa lugar kung saan tinitingala at sinasamba sila!

Ipapalasap ko sa kanila ang hustisya ng aking tagumpay sa kabila ng mga ginagawa nilang kasamaan!

Humanda silang lahat dahil ito na ang pinakahihintay kong panahon kung saan luluhod sila sa aking harapan at magmamakaawa para sa kanilang mga buhay.

Tumakbo na kayo hanggat kaya niyo dahil sa oras na matagpuan ko kung saan kayo nagtatago. Ipapakilala ko sa inyo ang batas ni Kamatayan! -Lucy

*****

PLAGIARISM is a CRIME!

Don't copy the whole or any parts of this story without the author's permission.

Just enjoy, THANKS! 😊

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon