Chapter 1

5.9K 83 3
                                    

7 YEARS LATER.
Ziah's POV:)
Ilang tao na akong nakatira sa Korea. I work here as a doctor. Naka graduate na ko agad after 7 years dahil ilang beses ako nag accelerate. Ilang taon ko na ring hindi nakikita ang Section F at ang mga kapatid ko sa Pilipinas.

"Dr. Ong. The director wants to see you in his office." Sabi sa akin nung isang nurse

Pumunta naman dito si Damon para i-handle yung company nila. Noong nagpunta kami sa China noon, may inasikaso lang siya para sa company nila for 5 months. Kaya bago kami tumira dito sa Korea, nanirahan muna kami sa China ng limang buwan. Walong taon ko na ding best friend si Damon.

"Alright." Maiksing sabi ko

Lumabas ako sa opisina ko ay naglakad papunta sa opisina ng director ng ospital. Madami akong ka-opisina na nagba-bow kapag may nakakasalubong as a sign of respect.

~ TIMESKIP: DIRECTOR'S OFFICE ~

Kumatok ako sa pintuan ng opisina ng director namin dito sa ospital. Nung una ko siyang nakilala, nago- OJT pa lang ako dito. Bata pa naman siya  pero hindi ko siya type.

Kung tatanungin niyo man ako kung nakapag move on na ako kay Ruki. Yes. Nakalipas na naman ang pitong taon. Saglit lang naman ang pinagsamahan naming dalawa. Pagkatapos kong umalis noon, hindi niya na ako hinanap. Masaya na kami sa kanya kanya naming mga buhay.

"Come in." Narinig kong sabi nung director

Agad naman akong pumasok sa loob ng kanyang opisina. Lumapit naman ako malapit sa lane sa niya at hinintay siyang paupuin ako. Hindi kasi ako yung tipo ng taong uupo na lang kung saan saan e.

"I have received a letter of request from our partner company. They are requesting you to be there to help them manage the hospital. Of course, I agreed to it. I want you to be there right away." Sabi nung director

Wala na talaga siyang balak paupuin ako. Huminga ako ng malalim. Sanay na naman ako na nakatayo. Minsan naman may mga surgery kami na nagla-last ng 9 hours.

"Where do I have to go?" Tanong ko

Wala naman akong choice e. Siya na mismo nagutos. Sayang naman din kung sasayangin ko yung pagkakataon. Hindi naman sa hindi ko gusto dito sadyang gusto ko lang magkaroon pa ng ibang experience.

"The Philippines." Sagot nung director

What the fuck. Kahit na nami-miss ko na yung Pilipinas, hindi ko naman maimagine yung sarili ko na babalik ako dun agad. Hindi naman din ako pwedeng humindi dahil trabaho ko yun.

"When will I leave?" Tanong ko

"Tomorrow night." Sagot nung director

Nag bow ako bago umalis ng office niya. Kailangan kong sabihan si Damon tungkol dito. Magkasama kaming pumunta dito at mag travel kaya kailangan, magkasama din kaming babalik ng Pilipinas.

Kailangan ko na ring mag impake dahil bukas na ako ng gabi aalis. Syempre mawawalan na ako ng oras pag bukas pa ako nag impake. I'm a busy person at madami pa kong kailangang gawin.

Syempre kailangan kong umuwi sa Pilipinas ng handa ako. Hindi pwedeng kung ano ano na lang ginagawa ko. Kung nung highschool ganon ako, ngayon hindi na pwede.

Naglakad ulit ako pabalik ng opisina ko. Yung mga nakakasalubong ko naman na mga pasyente at mga katrabaho, nagba-bow sa akin.

~ TIMESKIP: OFFICE ~

Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay ko na sa box. Para naman akong magre-resign sa lagay na to. Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at tinext si Damon.

Demon
Ziah [ Oi! ]

Demon [ Ano? ]

Ziah [ Busy? ]

Demon [ Nope. Why? ]

Ziah [ Kita tayo. ]

Demon [ Tapos ka na mag work? Sunduin kita. ]

Ziah [ Yep. Hintayin kita sa labas ng hospital. ]

Demon [ Alright. I'll be fast. See you! ]

Binalik ko na ulit yung cellphone ko sa bulsa ko at nagpatuloy na sa pagliligpit. Pagkatapos kong maligpit lahat ng gamit ko sa desk, binuhat ko na yung box at lumabas na mula sa opisina ko. Nagsimula naman akong maglakad palabas ng hospital.

Nang makalabas na ako ng hospital agad ko namang nakita si Damon na naghihintay. Nakasandal siya sa may kotse niya. Lumapit naman ako sa kanya. Nung nakita niya naman ako napangiti siya.

Nginitian ko naman din siya pabalik. Aamin ako, may onting crush ako kay Damon. Para pa rin akong bata no? Pa-crush crush na lang. Ang cute lang kasi nung ngiti niya.

"Ang random mo naman. Hindi mo naman ako palaging tinatawag dito. Anong nangyari? Bakit dala mo na yang mga gamit mo? Nag resign ka ba?" Tanong ni Damon

To be honest, I never thought of resigning. I love my job here. May ilang ospital pa nga ang kumukuha sa akin e pero hindi ko tinanggap offer nila. Ngayon wala naman akong choice dahil yung director na namin yung nanghingi ng tulong.

"Gusto nila akong pumunta ng Pilipinas. Syempre, hindi naman ako pwedeng humindi sa director namin kaya kinuha ko na yung pagkakataon. Gusto ko lang itanong kung gusto mong sumama sa akin?" Tanong ko

Gusto ko din namang makita yung mga kaibigan ko dun. Namiss ko na sila. Kahit isang beses ko lang sila makita okay na.

"Sure. I'll accompany you." Sagot ni Damon

Hindi niya naman ako mahi-hindian e. Palagi kaming magkasama niyan kahit saan. At least magkasama pa rin kami pauwi ng Pilipinas.

Lahat ng kaibigan ko sa Pilipinas hindi ko na nakakausap dahil kailangan kong ibahin lahat ng contact information ko. Iba na rin yung mga social media account ko.

"Let's go! Kailangan na nating magimpake." Sabi ni Damon

Pinagbuksan niya naman ako ng pinto kaya agad naman akong pumasok.

Damon and I actually live in the same house pero don't get me wrong, wala kaming relasyon sa isa't isa. We've never been attracted to each other. Magkahiwalay din kami ng kwarto. Bahay naman kasi talaga to ng pamilya ni Damon at dahil nasa Pilipinas naman lahat ng kapamilya niya, he asked me to live with him. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay yung naiiwan siya magisa.

Minsan minsan, hindi din ako nakakauwi dahil palaging may mga naka schedule na surgery o hindi kaya may emergency. Sobrang dami pa talagang gagawin sa hospital ngayon pero pwede na akong magpahinga. Sana nga lang walang mangyaring masama paguwi namin ng Pilipinas.

"It's going to be okay. Nakapag move on ka na naman sa kanya diba?" Tanong ni Damon

"Yes." Sagot ko

Hindi ko sigurado yun. Malalaman ko lang kung nakapag move on na talaga ako kay Ruki kapag nakita ko na siya. I'll be back in no time. I'm sure that I'll be happy without him.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now