Chapter 8

1.9K 53 1
                                    

Ziah's POV:)
Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako magtatagal sa loob ng surgery room. Ang alam ko lang ay kailangan kong iligtas tong tao na to. Mayroon siyang anak na naghihintay sa kanya sa labas. Ipinangako ko sa anak niya na ililigtas ko siya.

"Dr. Ong. Mamamatay na po ang pasyente!" Sigaw ng isa kong katrabaho

What the hell. Hindi pwede. Hindi niya pwedeng iwan yung anak niya.

~ TIMESKIP: AFTER THE SURGERY ~

Hindi ko nailigtas ang tatay niya. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa bata. Sinubukan ko naman talaga ang makakaya ko e, ito ang kauna-unahang beses na may pasyenteng namatay sa kamay ko.

"Dr. Ong, ako na lang po ang magsasabi sa pamilya niya." Sabi ng isang nurse

Siguro alam niyang hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. I failed. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na hindi ko tunutupad ang mga pangako ko.

Napagisipan ko nang lumabas na ng operating room. Nakita ko namang umiiyak ang mag ina sa labas. Bigla namang lumapit sa akin ang bata at hinampas ako sa legs.

"You're so mean! Hindi mo niligtas si daddy! You promised!" Sigaw nung bata sa akin

Hinawakan ko naman ang kamay ng bata at lumuhod sa harapan niya. Alam ko yung feeling ng wala kang magulang. Meron akong mga magulang pero ni isang beses hindi ko manlang naramdaman ang presensya nila. Palagi silang busy sa mga trabaho nila.

"It hurts ate too, okay? Nasasaktan din ako kasi hindi ko naligtas ang daddy mo. Please don't cry na baby boy. Try to comfort mommy na lang. Ate is sorry." Sabi ko habang pinupunasan ang mga tumutulong luha mula sa mga mata ko

Hindi ko alam kung maco-comfort ko ba siya gamit lang ang mga salitang yun pero sana kahit papaano nakatulong. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito.

"Excuse me, Dr. Ong. May naghahanap po sa inyo sa may emergency room. Kanina ka pa po niya hinihintay." Sabi ng isang nurse

Tumango lang ako bilang tugon. Tumingin ulit ako doon sa batang lalaki. Hanggang ngayon umiiyak pa rin siya. Wala naman akong magawa para i-comfort siya. Naglabas na lang ako ng panyo at pinunasan ang mga luha niya.

"Use this to wipe mommy's tears too, okay? Ate needs to go now. You need to be strong for mommy. Take good care of her, okay?" Paalala ko sa kanya

Tumango lang yung bata sa akin bilang tugon at tumabi na ulit sa mommy niya. Pinunasan niya naman ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya. Nagpunta na ako doon sa may emergency room kung saan sinasabi ng nurse na may naghihintay sa akin.

Nakita ko naman si Ruki na naghihintay. Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko

Tumingin naman siya sa akin pero agad ko namang iniwas ang tingin ko. Ayokong makita niyang namamaga ang mga mata ko.

"Did you cry?" Tanong ni Ruki

Should I tell him? Bakit ko naman sasabihin sa kanya? Hindi niya din naman maiintindihan.

"No. Pagod lang to. Hindi pa ko masyadong nakakatulog e." Sagot ko

Oo. Pagod ako at the same time, nasasaktan ako. First time kong mawalan ng pasyente. Siguro hindi na talaga kinaya lumaban nung tatay ng bata. I still blame myself for it though.

"Narinig ko kung anong nangyari sa loob ng operating room. They told me that it's your first time losing a patient." Sabi ni Ruki

Kung alam niya naman pala yung nangyari, bakit pa siya nagtatanong sa akin?

"I was just asking because I wanted to know kung pinagkakatiwalaan mo ko sa mga nararamdaman mo. Ngayon alam ko nang hindi. It's okay. I'll try to earn your trust again." Sabi ni Ruki

"I'll just get changed. May reunion pa tayong pupuntahan." Sabi ko

Ewan ko. Ang uncomfortable ko na ngayon kay Ruki. Kahit gusto ko siyang makasama, hindi ko pa rin mapigilan maging uncomfortable kasama siya.

~ TIMESKIP: BAHAY NI RUKI ~

Nasa bahay na kami ni Ruki ngayon at sobrang awkward namin dito. Ako nga lang ang walang kinakausap e. They tried to talk to me pero saglit lang nagtagal yung conversation namin.

Nagulat naman ako nang biglang lumapit sa akin si Jin. Namiss ko na siyang kausap. Wala akong nakilala sa Korea na kasing sweet niya. Except sa boss ko though.

"I-I missed you." Sabi ni Jin

Napatingin naman ako sa kanya. I saw the sincerity in his eyes. Parang mag best friend na kasi kami dati. Hanggang ngayon pa rin naman pero medyo awkward na sa pagitan namin. Hindi na din kami nakapagusap noon dahil nga pinalitan ko na ang mga social media accounts ko pati ang number ko.

"I missed you too, Jin." Sabi ko

Yung itsura ni Jin ngayon, parang ayos na ayos siya. Dati kasi parang wala siyang pake sa itsura niya e. Back then he liked his hair messy. Wala din siyang pake kung magulo yung pagkakasuot niya sa polo niya. Ngayon mukhang handang handa siya para sa reunion.

"How was Korea? May naging friends ka ba dun?" Taong ni Jin

"Korea was fine. Naging mag kaibigan naman kami nung director namin sa hospital na pinagta-trabahuhan ko doon. Hindi ko nga lang talaga na enjoy yung high school and college life ko noon. Nawalan na kasi ako ng time makipag kaibigan noon dahil sa schedule ko." Sagot ko

Don't get me wrong, I love Korea pero mas mahal ko pa rin talaga ang Pilipinas. Mas feel ko na dito talaga ako nababagay. Naging close man kami ng director namin sa hospital pero hindi kami masyadong naguusap.

"Kayo naman. How have you been?" Tanong ko

Syempre kaibigan ko din sila. Curious din naman ako sa kung anong nangyayari sa mga buhay nila. 8 years din akong nawala dito. Walong taon na din akong walang balita sa kanila. Inaamin ko naman, mas lalong gumwapo si Jin.

"Okay lang naman kami ngayon. Ngayon na lang din kami nakapag bonding ng ganito. Ayaw naman kasi talaga namin magkaroon ng reunion ng kulang ang Section F kaya hinintay ka namin. Nagkaroon kami ng mini reunion noon dahil nag request si Ruki but that's it. Nagsimula na din kaming uminom simula nung umalis ka." Sagot ni Jin

Sana hindi ako ang dahilan ng paginom nila pero masaya ako dahil hinintay nila ako kahit wala namang kasiguraduhan na babalik pa ako. Swerte sila dahil dito ako pinadala ng director namin.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! we also have Jin Hamasaki as Kim Seokjin.

thanks, X

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now