Chapter 34

1.2K 36 1
                                    

Ruki's POV:)
Inuwi nila ako lahat sa bahay. Pati na rin yung Kuya ni Ziah nagulat sa pangyayari. Naririnig ko namang may nababasag na mga gamit sa itaas. Siguro sila Javier at Zander.

Hindi ko sila hinayaang gamutin ang mga sagutan na natamo ko. Hindi ko na maramdaman ang sakit. Parang nagmamanhid na ako. Hindi ko tanggap ang lahat nang mga nangyari at kahit kailan hindi ko tatanggapin yun. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita si Ziah.

Dinala naman nila si Marielle sa isang mental hospital. Kung hindi lang nila ako napigilan, malamang nabalatan ko na siya nang buhay. Magsisisi siya sa ginawa niya.

Una pa lang nung high school pa lang kami sinira niya na ang lahat. Akala ko nagbago na siya makalipas ang ilang taon, hindi pala. Mas lalo lang siyang lumala.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari. Hahanapin ko siya. Kailangan ko munang tuparin ang mga pangako ko sa kanya. I'll meet everybody tomorrow. Yung mga taong gusto niyang makilala ko. Kailangan kong isama ang buong Section F dahil kasama sila sa mga pangako ko kay Ziah.

"Section F!" Sigaw ko

Tumakbo silang lahat papalapit sa akin. Medyo nakakagulat naman kasi talaga yung sigaw ko. Yung tipong akala mo may nangyari. Napahinga ako nang malalim. Hindi ko pa rin kayang tanggapin ang lahat nang mga nangyari. Hindi pa kayang i-sink in ng utak ko.

"Kailangan kong tuparin ang pangako ko kay Ziah. Pagkatapos nun, ako mismo ang hahanap sa kanya. Kailangan ko siyang ibalik." Sabi ko

Bigla namang umupo si Jin sa tabi ko. Ngayon nalang ulit kami nagkausap nang hindi nagaaway. Mukhang umiyak din siya dahil sobrang pula ng mga mata niya ngayon.

"Ruki, kailangan na nating tanggapin na wala na siya. Hindi na siya babalik, Ruki. Ang pwede na lang natin gawin para sa kanya ay tuparin lahat nang mga pangako natin sa kanya. Sana maintindihan mo yun. Kami rin hirap na hirap tanggapin ang mga nangyari pero wala e, nangyari na. Wala na tayong mababago dun. Nangako tayo sa kanya diba? Kaya simula bukas tutuparin natin lahat nang yun. Hindi ko din gustong gawin to pero mahal ko din siya, Ruki. Kailangan ko na ding tanggapin na ikaw pa rin ang mahal niya hanggang dulo." Sabi ni Jin

Sobrang hirap kasi ipasok sa sistema ko na hindi lang isang panaginip ang mga nangyari. Sana nga isang panaginip na lang ang lahat para magising na ako. Sana pag gising ko nasa tabi ko na ulit si Ziah.

"Bakit parang sobrang dali sa inyo neto?" Tanong ko

Umupo din si Kit sa tabi ko. Kasal na yan kay Kylee at masaya na ako para sa kanya. Sayang at hindi sila nakitang ikasal ni Ziah. Parang dati hindi pa nila napapansin ang isa't isa, katulad namin ni Ziah.

Nung una iritang irita pa ako sa kanya at gusto ko pa siyang paalisin ng classroom namin noon pero wala na fall din ako sa bandang huli. Ako pa rin naman ang talo sa bandang huli. Akala ko magiging masaya na kami pero meron pa rin talagang mga taong sagabal sa buhay natin.

"It was never too easy for us. Hindi ka nagiisa, Ruki. Hirap na hirap na din kami, gusto ko na siyang mayakap ulit at gusto ko nang marinig ang boses niya na laging nagrereklamo sa tuwing may masamang nangyayari." Sagot ni Kit

Eto nanaman ako. Nagsisimula nanaman akong maging selfish. Hindi ko manlang naisip yung mga nararamdaman nang iba kong mga kaibigan. Nakasanayan ko na kasing isang tao lang ang iisipin ko at yun ay ang sarili ko. It feels a little bit lonely kapag mag isa ka lang sa lahat ng mga ginagawa mo. It's Ziah who made me realize that.

"Gusto kong sabihin sa inyo kung ano ang huli niyang hiling." Sabi ko

Feeling ko kasi mau karapatan din silang malaman. Besides ayoko nang magisa ako. Not today. Ziah showed me that it was okay to feel this way. She showed me that I was never really alone. Marami tayong kaibigan na nandyan para sa atin.

"We're invited tomorrow sa isang event, diba? Inimbita nila tayo na magsalita sa harap nang madaming tao. She wanted us to attend in that event. It's actually her dream to be in one and since she can't, we should do it for her." Sabi ko

Napatingin naman sila sa isa't isa. Alam kong sobrang panget nang timing na pumunta dahil lahat kami namanaga pa ang mga mata dahil sa kakaiyak at alam ko ding wala kami sa mood para mag punta doon. It's Ziah's last wish kaya kailangan namin tuparin yun para sa kanya.

"I guess we're just doing this for Ziah. Wala namang masama kung umattend tayo e. We'll be keeping our promise. Kung hindi niya na magagawa ang mga pangarap niya, tayo na ang gagawa nun para sa kanya." Sabi ni Jin

He's right. Kailan nga ba hindi naging special si Ziah sa amin? Lagi naman siyang naging special sa amin. Kaya namin to. Para kay Ziah gagawin namin.

Sana nga lang Hindi kami maiyak lahat sa stage. I don't want to look so weak in front of all those people pero alam kong dadating ako sa punto kung saan hindi ko mapipigilang umiyak bukas. Dapat handa ako sa mga mangyayari bukas.

Pagod na ang mga mata ko dahil kanina pa ako iyak nang iyak dito. Tumayo na ako sa kinauupuan ko ay umakyat na sa hagdan pero bago ako tuluyang makalayo, tumingin ulit ako sa kanila. Lahat naman din sila nakatingin sa akin.

"I'll see you guys tomorrow kahit hindi na masyadong formal ang suot natin bukas, ayos lang. Simpleng pantalon tsaka tshirt, ayos na. Hindi niyo na kailangan mag polo. I hope the interview will end well. Thank you for cheering me up guys. Sana kayo din. Ziah doesn't want to see those smug faces tomorrow. See you." Sabi ko bago ako umakyat nang kwarto ko

Nang makarating ako sa kwarto ko, agad akong humiga sa kama ko. Agad ko naman ding ipinikit ang mga mata ko. It's been a long day and I need a lot of sleep. I love you, Ziah.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to leave a comment in the comment section. if you want someone to talk to, you may follow me on my wattpad twitter account: @/xrhkx. love you all! bye.

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon