Chapter 16

1.3K 36 1
                                    

Ziah's POV:)
May lumapit na, na waiter sa amin pero nanatili pa rin kaming nakatingin ni Keegan sa isa't isa. Well, more like I was glaring at him. Ayaw niya pa kasing mag apologize sa mga sinabi niya kanina. Hindi man ako yung tinukoy niya kanina pero kaibigan ko pa rin yun.

Hindi naman yung sobrang mahal na restaurant yung pinuntahan namin. Bigla namang nag papansin sa amin yung waiter kaya naman ako napantingin sa kanya.

Nagulat naman ako ng makita ko si Sage. Isa siya sa mga kaibigan ni Kuya Zander. Siya yung isa sa mga playboy's noon. Well not really. Wow. I wasn't expecting to see him here. As waiter too.

Nagulat din naman siya nang makita niya ako. Hindi niya siguro ako nakilala. Noon kasi nung high school pa lang kami, maiksi pa lang yung buhok ko. Ngayon mahaba na ito.

"Hi Ziah! It's nice to see you again." Sabi ni Sage

Ngayon nakilala niya na ako. Nakita niya na kasi ang buong mukha ko. Gumwapo din siya. Sobrang puti niya pa rin katulad ng dati.

Hindi kami masyadong nagusap noon pero mas naging madaldal siya ngayon. Hindi ko lang ine-expect na dito ko siya ulit makikita.

"It's nice to finally see you again, Sage!" Sabi ko

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at niyakap siya. I could actually feel Keegan's eyes glaring at me. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa kami patay ni Sage.

Naupo na ulit ako at tumingin kay Keegan na mukhang naiirita sa mga nangyayari. Bahala siya dyan. Kung ayaw niyang mag apologize, edi wag. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya.

"Are you working as a waiter here?" Tanong ko

"No. I actually own this restaurant pero kulang kasi kami sa mga tao ngayon so I'm helping them out. Ang gwapo ko naman para maging waiter lang." Sagot ni Sage

Wow. Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala si Sage magluto. Hindi din nawala ang confidence niya sa katawan ah. Gwapong gwapo pa rin siya sa sarili niya.

"Anong order mo?" Tanong ni Sage

Tumingin naman ako sa menu. Napangisi ako. Nakaisip na ako ng paraan kung paano magso-sorry sa akin si Keegan. Pag hindi pa rin siya bumigay, hindi ko na lang alam.

Keegan's POV:)
Do you actually know how annoyed I am right now? Seeing Ziah talk to other guys like this annoys the hell out of me. Hindi niya manlang ako pinapansin just because I called one of her friends shitty.

Fuck. It's not as if she has a relationship with that Jin guy. Paano ko siya nakilala? Ewan ko. Siguro kasi late nang nakahwi kahapon si Ziah ng dahil sa kanya.

He was supposed to take Ziah home early. Sinundo niya na nga si Ziah tapos hindi niya pa magawa ang trabaho niyang ihatid ito pauwi ng maaga. Tinanong pa ko nung Damon kung ako ba yung kasama ni Ziah kahapon.

He even asked me if I was the one who took Ziah home. I was actually planning to but some shitty guy came and took her home instead.

Ngayon naman hindi ako pinapansin ni Ziah dahil may iba siyang kausap. Someone give me a fucking knife.

Ziah's POV:)
Nung nagorder ako ng gusto kong kainin. Agad namang napatingin si Sage kay Keegan na may kasamang ngiti. He's been so quiet ever since Sage came. Actually scratch that. Tahimik na siya kanina pa simula nung pagalis namin ng hotel.

"Ziah. How about you order for your friend here?" Tanong ni Sage

Should I try pissing him off? Siya naman ang nauna e. I guess I should try. Buti na lang at si Sage yung waiter namin ngayon.

"Oh? I'm not with him." Sagot ko

Bigla naman niya akong tinignan ng may pagkagulat sa kanyang mga mata. Was he expecting me to ask him what he would like to eat? Bitch. No.

Don't try me. Don't try pissing me off because I'm going to get you back until your more pissed off than I am.

"Ziah. Can we talk?" Tanong ni Keegan

Napantingin naman ako kay Sage. Mukhang hindi niya alam kung anong nangyayari. Next time na lang ulit ako makikipagusap sa kanya.

"Sure. Sage, mamaya na lang ulit kami mago-order." Sabi ko

Agad namang tumango si Sage at umalis. Nung humarap ako kay Keegan, tinaasan ko siya nang kilay. He looks really upset right now.

"Are you upset right now just because of what I said earlier? You can't even tell him that you're here with me. Gusto mo siguro siyang landiin no?" Tanong ni Keegan

He reminds me of Ruki. Everything always reminds me of Ruki. May mga bagay din na nagpapaalala sa aking kung paano niya ako sinaktan. Kasalanan ko din naman yun dahil pinili ko naman siyang mahalin.

Nagtrabaho ako kasama ni Keegan sa parehas na ospital for how many years now. We have never really been this close to each other. Wala pa rin siyang karapatang tawagin akong malandi.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagiging ganito. He's been constantly doing things like this. I just don't know if he really wants me to get mad.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumingin sa kanya. Binigyan ko naman siya nang blankong expresyon. Kailangan kong gawin to. Wala akong pake kung masasaktan ko ang pride niya.

"Gusto ko lang malaman mo na hindi ako malandi. Kaibigan ko si Sage. Hindi naman masama na magkaroon ako ng mga kaibigan na lalaki. Ikaw lang ang may problema sa ating dalawa. Kung may problema ka sa mga kaibigan ko, please. Ako na ang nagsasabi sayo. Lumayo ka na sa akin. Wala ka din namang karapatan na tawagin akong malandi. We're not that close. Wag mo muna akong kausapin. Ayokong kumausap ng lalaking masama ang ugali. Kausapin mo na lang ako kapag handa ka nang babaan yang pride mo." Sagot ko bago ko siya tinalikuran

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to leave a comment in the comment section.

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now