Chapter 28

1.1K 44 1
                                    

Ziah's POV:)
Nagising ako dahil may biglang yumugyog sa katawan ko. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si Viel. Naupo ako sa kama ko at tumingin sa wall clock ko. It's still 9 AM, hindi ako ganito kaaga nagigising.

"Why?" Tanong ko

I'm kind of tired right now. All I wanted is to go to sleep pero kahit pagod ako, gusto ko pa ring gumising. Alam kong hindi na kaya nang katawan ko i-take in lahat nang to pero kailangan, sa totoo lang gusto nang bumigay nang katawan ko ngayon.

"Magbihis ka na. Nasa baba na si Kylee. Kakausapin niya na ang mga magulang niya. Ie-explain niya na kung anong nangyari. Hopefully maiintindihan naman nila." Sagot ni Viel

Sa sinabi niya bigla akong kinilabutan. Gusto kong i-explain sa kanila kung anong nangyari kay Damon pero alam kong wala akong lakas nang loob para gawin yun. Ang magagawa ko na lang ay makinig sa sasabihin ni Kylee.

Nanginginig ako sa takot. Natatakot ako sa sasabihin nila tungkol sa aking pero hindi ko alam kung bakit, gusto ko silang magalit sa akin. Siguro kasi kasalanan ko naman talaga kung anong nangyari. Nahalata siguro ni Viel na natatakot ako ngayon kaya niya ako niyakap nang mahigpit.

"Give your trust in Kylee. Maligo ka na at magbihis, papunta na sila. Wag kang magalala, nandito lang kami para sayo. Ruki, Jin at yung ibang mga kaklase natin sa Section F pati na rin ang best friend at kapatid mo. Don't be scared." Sabi ni Viel

Tumango naman ako bilang tugon at lumabas na siya nang kwarto ko para makapaghanda na ako. Hindi ko mapigilang kabahan sa mga mangyayari. Pumasok ako nang banyo para gawin yung daily routines ko at pumili ng maayos na damit. Nagsuot ako ng pants tsaka off-shoulder top.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I can't help but notice that my eyes were all puffy at mukhang na kulangan talaga ako sa tulog. Mukha na akong patay.

Pumunta na ako sa tapat ng pinto ko. Parang gusto ko na lang na dito na lang ako. Wala akong lakas para harapin ang mga magulang niya. Alam ko din namang wala akong choice at alam ko din sa sarili ko na kailangan kong harapin lahat nang ito. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ko. Agad naman akong nakarinig nang may naguusap sa baba.

Bigla rin akong nakarinig nang isang babae na boses na umiiyak. Siguro yun na yung mommy ni Damon. I can't do this. I can't. Hindi ko sila kayang harapin. Nagulat naman ako nang may biglang humawak sa balikat ko, agad naman akong napalingon at nakita si Jin.

Viel's right. There are people who are here to support me. Bigla naman ko namang niyakap si Jin. Nagulat siya nung una pero niyakap niya din ako pabalik. Narinig ko naman yung mabilis na pagtibok nang puso niya, kaya ako na ang unang lumayo sa pagkakayakap namin. Nginitian niya naman ako at hinawakan yung kamay ko.

Hinila niya na ako pababa. Nung nakababa na kaming dalawa. Agad ko namang nakita ang mga magulang ni Damon. Kamukhang kamukha ni Damon yung tatay niya. Kamukha naman ni Kylee yung nanay nila. Nung napansin nilang dumating na ako, dahan dahan silang napatingin sa akin.

Tumayo naman yung nanay ni Damon at lumapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nung nakita kong itinaas nang nanay ni Damon ang kamay niya.

Pumikit naman ako pero imbis na maramdaman ko yung sampal niya, naramdaman ko na may yumakap sa akin. Bigla ko namang dinilat ang mga mata ko. Nagulat ako nang makita kong niyayakap ako nang nanay ni Damon. Umiiyak siya sa balikat ko.

Niyakap ko din siya pabalik at pagkatapos nang ilang segundo, bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sa akin. Nilagay niya naman ang mga kamay niya sa aking pisngi. Bakit siya ganito? Dapat sinisisi niya ako sa mga nangyayari pero bakit sobrang bait nila? Bakit? Pati si Kylee tinanggap pa rin ako.

"It's going to be alright, honey. Wag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyari. Hindi mo kasalanan ang lahat. Susubukan kong i-explain ang mga nangyari sa iba pa naming mga kapamilya. I want you and your friends to come tomorrow, okay? Don't cry. You'll look ugly if you do. Alam mo namang hindi kita masisisi e dahil nung una kitang makita na kasama si Damon, nakita ko na sobrang saya niya na kasama ka. Sobrang laki nang ngiti niya at yun din ang unang araw kung saan siya nagbigay nang respeto sa akin. He doesn't like me but you changed him. You made both of my kids really happy and I really appreciate that. I don't know how to thank you for it. He's happy to have you as he's company. He's never been that happy, you know?" Sabi ng mommy ni Damon

I never knew that I made Damon feel that happy dahil napaka cheerful niya na dati pa. Nahalata ko lang noon na medyo malungkot siya nung nalaman kong si Marielle pala ang nagutos sa kanya na kidnapin ako. Parang kahapon lang nangyari yun tapos ngayon ang hirap nang isipin na wala na siya.

"I'm sorry I couldn't save him. I'm sorry that you weren't able to see your son smiling for the last time. I wanted you to know that before he passed away, he smiled. He was still so happy." Sabi ko habang umiiyak

Bigla namang pinunasan nang tatay ni Damon ang mga luha na patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko. Ayaw talagang tumigil nang mga luhang to.

"He's happy for you, Ziah. Masaya siyang nakikita kang masaya at naging masaya siya sa huling sandali niya dahil ikaw ang nakita niya. Hindi mo man nakikita yung pero kapag tinitignan ka niya, parang sobrang nagliliwanag ang buhay niya. Masaya ako dahil meron siyang katulad mo sa buhay niya. Thank you Ziah for staying with him after all these years. Nagawa ka man niyang saktan noon, hindi mo pa rin siya sinukuan." Sabi ng tatay ni Damon

Bakit ba sila ganito? I guess may pinagmanahan lang talaga sila Kylee at Damon. I actually never thought that they would accept me. Biglang nawala ang bigat sa puso ko.

"I'm happy for you, Damon." Bulong ko sa sarili ko

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to leave a comment in the comment section! love you!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now