Chapter 19

1.2K 37 1
                                    

Ziah's POV:)
Nung nakarating na ako sa hotel room naming dalawa ni Damon, basang basa ako. I was soaking wet. Pumasok ako ng walang kaemo-emosyon sa mukha ko.

Agad ko namang nakita si Damon na naghihintay sa may couch. Noong napansin niya ang pagdating ko, napatingin agad siya sa akin. Mabilis naman siyang pumunta sa kwarto niya.

Naupo ako sa couch. I'm too broken to care. Bakit ko ba sinasaktan pati ang sarili ko? Bigla namang lumapit sa akin si Damon na may dalang twalya.

Pinupunasan ni Damon ngayon ang buhok ko at yung isa naman niyang twalya na dala ay ibinalot niya sa katawan ko. Wala akong pake kung magkasakit man ako. Wala na akong pake kung anong mangyari sa akin.

"Something happened, right?" Tanong ni Damon

Alam na alam niya talaga kung kailan mayroon nangyari sa akin. Sabagay, he's always been there for me. Ilang taon na din kaming mag best friend.

Hindi ko napansin na bigla na lang tumulo ang mga luha sa mata ko. Kanina ko pa pinipigilan itong mga luhang ito. Ayokong umiyak pero hindi ko na mapigilan. Pwede ko nang ilabas ito ngayon.

"Sinaktan ko ang taong matagal ko nang gusto. Sobrang sakit pala pag ikaw na ang taong nanakit sa taong gusto mo no? Gusto niya ako pero tinanggihan ko pa rin siya. Wala akong choice. Masakit, Damon. Sobrang sakit pala ng ganito." Sabi ko

Bigla naman niya akong niyakap. It doesn't actually feel awkward to be like this with Damon. Ganito na talaga kaming dalawa dati pa.

"Why? Bakit mo siya ni-reject?" Tanong ni Damon n

I'm scared. Natatakot ako na baka masaktan ulit ako. Nasaktan niya na ako noon, hindi impossibleng hindi niya ako masaktan ngayon. Natatakot din ako sa mga opinion ng ibang tao kapag naging kami.

"Damon. He's known all around the world. A lot of people are going to judge us. Isa siyang perpektong tao at ako naman tong isang babaeng bigla na lang bumalik sa buhay niya. Hindi din naman ako kasing ganda nung mga babae na nakapaligid sa kanya. Takot din ako. Natatakot ako na baka saktan niya ulit ako." Sagot ko

Naglabas naman siya nang panyo mula sa kanyang bulsa at dahan dahan niyang pinunasan ang mga luha na tumutulo mula sa mga mata ko. Sobrang swerte ko dahil mayroon akong isang Damon sa buhay ko.

"Ziah. Kailan ka pa naapektuhan sa opinion ng ibang tao? Hindi ka naman ganito dati ah. Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa opinion ng iba tungkol sayo? You define who you are. Hindi ka naman kilala nang ibang tao para hayaan mo silang i-judge ka e. Don't let their words bring you down, Ziah. They don't define who you are. You know hindi mo din dapat bina-base ang sarili mo sa panlabas mong anyo kasi may mga tao pa ring tatanggapin ka kahit panget ka. Don't get me wrong, you look beautiful. Remember that. Kung kaya mo namang magsakrispisyo para sa kanya kasi mahal mo siya, bakit hindi? If you know that you'll be happy with him, bakit hindi? Natatakot ka agad e hindi mo pa nga sinusubukan ulit. May rason naman siya noon e. Hindi niya gustong saktan ka noon. Hindi ba't pinagsisihan niya naman? Ziah. Hindi na importante kung anong sasabihin ng ibang tao tungkol sayo. Don't let other people control how you live your life." Sabi ni Damon

Naiyak naman ako sa sinabi ni Damon. Hindi kasi lahat ng tao tanggap ako sa kung sino ako e pero masaya ako kasi tanggap ako ng sarili kong best friend. No one made me feel this special. I feel lucky to have these people in my life.

"Thank you, Damon. For everything. I'll think about it. Nalilito pa rin kasi ako hanggang ngayon kung may nararamdaman pa rin ako para sa kanya. Thank you though for making me feel this special. I've never experienced this with anyone before. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ka dumating sa buhay ko. I don't know what I'll do without you." Sabi ko

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"I will never leave you." Sabi ni Damon

Masaya ako dahil may best friend ako na katulad niya. Konti na lang ang mga taong ganyan dito sa mundo. I don't even know kung deserve ko ba ang isang katulad niya sa buhay ko.

Damon's POV:)
I like Ziah. I really do pero wala akong lakas ng loob na umamin sa kanya. Ayoko nang dagdagan ang mga problema niya. Alam ko din gusto niya pa din si Ruki.

Si Ruki lang naman ang nag iisang lalaking iniyakan ni Ziah. Nagulag nga ako nung sinabi niya sa aking ni-reject niya si Ruki e. Who would've thought diba?

Nalulungkot nga lang ako dahil nakikita kong malungkot si Ziah. Wala akong magawa para sa kanya, ang tanging bagay na lang na kaya kong gawin para sa kanya ay ang pakalmahin siya. Hindi ko nga alam kung nakatulong ba talaga yun.

Hindi ko rin naman pwedeng sisihin si Ruki dahil pagkatapos ng lahat, siya ang nareject ni Ziah. Nasaktan din siya. Oo, sinaktan niya si Ziah dati pero it's for her own safety.

Kinamumuhian ko si Ruki noon pero nung nalaman ko ang totoong rason sa kung bakit niya sinaktan si Ziah, unti unti ko nang naintindihan. Hindi ko naman talaga kilala si Ruki personally pero nung una ko siyang nakilala akala ko makasarili lang siya.

Ziah's right. You should never judge the book by it's cover. Nakatulog naman si Ziah sa lap ko. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang titigan lang siya.

She's gorgeous. Hindi ko alam kung bakit sobrang baba ng tingin niya sa sarili niya. Hindi naman siya ganito nung high school kami. She actually looks like a goddess. A goddess that I will never have. A goddess who I'll only watch from a far. A goddess na ile-let go ko kasi masaya na siya sa iba.

"I hope that you'll be happy with him." Sabi ko

She changed a lot pero yung nararamdaman niya para kay Ruki, hindi pa din nagbabago. I guess first love never dies. Minsan gusto ko na lang maging masaya kasama niya pero alam kong may limits din ako.

Marielle was my first love pero narealize ko na hindi pala siya worth it then nahulog ako kay Ziah. Sino ba namang hindi diba? Palagi din kaming magkasama pero hindi ko pa nasabi sa kanya ang nararamdaman ko.

"I'll wait. Hihintayin kita hanggang sa makuha mo na ang kasiyahan na karapat-dapat para sa iyo. Ziah. Be happy. That's my last wish for you." Sabi ko

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now