Chapter 11

1.7K 48 5
                                    

Ziah's POV:)
Kung hindi ko lang siya kaibigan, kanina ko pa siya sinapatos. Naiirita ako sa kanya. Katulad pa rin siya ng dati. Hindi niya iniisip na nakakasakit siya ng tao.

"Excuse me. Gago ka ba? Hindi malandi si Ziah. Kung ayaw mo sa kanya, pwedeng umalis ka na. Hindi ka naman nakakatulong dito." Sabi ni Killian

Punong puno ng frappe yung damit ko. Pati sapatos ko nalagyan. Buti na nga lang at hindi mainit yung inorder ko. Kung hindi, napaso na ang balat ko.

"Mind your own business." Sabi ni Ruki

May pa mind your own business pa talaga siya? Siya nga yung nakikielam dyan. Gago lang? Matalino nga siya pero hindi ko alam kung bakit minsan ang bobo niya.

"Mind your own business? Ikaw nga nangengielam ka ng business ng ibang tao e. Iba din ang takbo niyang utak mo e no? Alam ko sumusobra ka na e." Sabi ni Killian

Ayokong mag away si Killian at si Ruki dahil alam naman naming lahat kung paano magalit si Ruki. Hindi ko din naman alam kung anong kayang gawin ni Killian. Ayoko namang may ibang taong nadadamay dahil sa kasalanan ko. Nagulat naman ako dahil bigla akong tinayo ni Jin mula sa pagkakaupo ko sa sahig.

"Stop it." Sabi ni Jin

Hihilahin na sana ako ni Jin paalis ng coffee shop pero biglang hinawakan ni Ruki ang kabilang kamay ko.

"Bitawan mo siya." Matigas na sabi ni Ruki

Hindi ko alam kung anong gustong mangyari nito ni Ruki. Minsan nakakainis na siya. Hindi ko aakalain na magiging ganito siya ka-immature.

"No. You let go." Sabi ni Jin

Lagi talagang napaka seryoso nito ni Jin ever since high school pa kami ganyan na siya. Sobrang goals maging boyfriend ni Jin. Lagi siyang nandyan para sayo tuwing kailangan mo siya. Ilang beses ko kaya to sasabihin? Ngayon nga hindi ko ine-expect na tutulungan niya ko pero wala nandito pa rin siya para sa akin.

"Nasasaktan ako." Sabi ko

Nagulat naman ako ng biglang binitawan ni Ruki ang kamay ko. Natumba naman ako kay Jin.

"Kapag umalis ka dito sa coffee shop na to ng kasama siya, kalimutan mo nang mag kaibigan tayo." Sabi ni Ruki

Napatingin naman ako kay Jin. Wala siyang emosyon. Hindi pwedeng masira ang pagkakaibigan nila ng dahil lang sa akin. Naayos ko nga ang pagkakaibigan nila noon pero hindi alam kung maayos ko pa rin ang pagkakaibigan nila ngayon.

Bigla naman akong hinila ni Jin palabas ng coffee shop. Wag niyang sabihin na mas pinili pa niya mawala ang pagkakaibigan nila ni Ruki para sa akin. He should have chosen Ruki over me. Okay lang naman sa akin yun e. Para sa akin mas importante pa rin ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Hindi ko napansin na nasa park na pala kami. Pinaupo niya ako sa isa sa mga swings at nanatili naman siyang nakatayo. Madaldal si Jin noong high school pa kami pero ngayon sobrang tahimik niya na.

"You should have chosen Ruki." Sabi ko

Napatingin naman siya sa akin pero wala pa ring emosyon ang mga mata niya. Kung dati sobrang daling basahin ni Jin ngayon hindi ko na alam kung anong nararamdaman niya. Hindi ko alam kung bakit mas pinili niyang magbago pero mas gusto ko ang dating siya. I'm not saying na he's not better now. Hindi lang siya ganito ka cold noon. Sobrang approachable niya pa noon pero ngayon sobrang hirap niya nang lapitan.

"I have chosen him over you before because you asked me to pero ngayon hindi ko na magagawa yun. I never wanted to commit the same mistake over again." Sabi ni Jin

Bakit ba siya ganito? Kailangan kong ayusin yung pagkakaibigan nila. Hindi pwedeng ganito na lang sila palagi sa isa't isa. Dapat kasi hindi na lang ako pumunta ng coffee shop e.

"I texted Dia. I asked her to come here and bring some clothes." Sabi ni Jin

Dia and I haven't talked for years now. Ewan ko. Feeling ko kasi iniiwasan niya ako. Hindi ko rin alam kung may galit ba siya sa akin. Tuwing lalapit kasi ako sa kanya, bigla bigla naman siyang lalayo. Kaya hindi ko na siya malapitan.

"Kung tinatanong mo ang sarili mo kung galit ba si Dia sayo. Hindi. Nagtatampo lang siya. Ilang taon ka ding nawala tapos bigla ka na lang ding babalik. Subukan mo siyang kausapin mamaya." Sabi ni Jin

Bigla namang dumating si Dia pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Pinupunasan niya ang damit ko ay ang katawan ko ngayon dahil sobrang lagkit na nito. Paano ako magpapalit? Wala namang CR dito. Hindi ko pa pala nasabi na fashion designer si Dia. Matagal niya nang pangarap yun at masaya naman ako dahil naabot niya na yun.

Pinahawak niya yung kumot kay Jin. Hinawakan naman yun ni Jin. Bigla niya naman akong inabutan ng damot at hinawakan niya ang kabilang dulo ng kumot. Dito talaga ako magpapalit? Hindi naman sa nagiinarte ako no pero ang weird lang kasi.

"Magbihis ka na. Tatakpan ka namin." Sabi ni Dia

Parang sobrang dami talagang nagbago sa Section F. Pati si Dia sobrang tahimik na rin or baka tahimik lang siya dahil nandito ako. Siguro nga. Eto lang yung chance na pwede ko siyang kausapin kaya hindi ko na to papalagpasin.

"Dia, can we talk?" Tanong ko

Huminga naman siya nang malalim.

"Wala na tayong dapat pagusapan pa." Sagot ni Dia

Ayaw niya talaga akong makausap no? Last chance ko na to kaya kahit ayaw niya akong kausapin, kakausapin ko pa rin siya. Ngayon na lang ulit ako magkakaroon ng chance na kausapin siya. Kaibigan ko pa rin naman siya.

"I'm sorry for leaving. Nasaktan lang talaga ako noon kaya ako umalis. Sana nakikinig ka sa akin ngayon. Masyado lang talaga ako nasaktan, hindi ko naman ginustong iwan kayo." Sabi ko

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to send me a message. if you have any ideas, feel free to comment on the comment section!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now