Chapter 9

1.8K 53 1
                                    

Ziah's POV:)
I haven't seen Dia for awhile now. Hindi niya naman kasi ako kinakausap. Everytime I approach her, lagi siyang umaalis. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin.

I'm still with Jin right now pero sa tingin ko kaya siya nandito ngayon ay dahil ayaw niya akong iwan magisa. All of them were busy. Even Ruki. Di ko nga alam kung ngayon lang ba sila nagkita lahat e. Namiss ko silang lahat pero napansin kong parang iniiwasan nila ako.

"Jin." Tawag ko

Hindi na kasi ako sanay na ganito siya katahimik. Alam ko namang maingay ako noon pero medyo nasanay na kasi akong makipagusap sa isang Koreano e. Hindi ko naman siya pwedeng kausapin gamit ang Hangul.

"Bakit?" Tanong ni Jin

Si Jin lang talaga ang pumapansin sa akin dito. Si Kit naman, hindi din ako pinapansin. Hindi ko alam kung best friend ko pa siya e. Buti pa si Jin.

"Anong work mo?" Tanong ko

Wala akong maisip na pwede naming pagusapan e. Ayoko din namang maging awkward sa pagitan naming dalawa. Si Jin kasi ang tipo ng tao na maganda maging boyfriend. Loyal kasi siya.

"I'm actually an Engineer. I work with some of the most famous people in the industry. I'm also known around the Philippines. Hindi ko lang alam kung kilala din ako sa labas ng bansa, I never really cared." Sagot ni Jin

Nagulat naman ako ng may taong biglang umakbay sa akin. Napatingin naman kaming dalawa ni Jin sa kung sino ang umakbay sa akin. Nakita naman namin si Viel. Viel is sweet, as always. Hindi ko alam kung malaki ba ang pinagbago niya ngayon pero he looks more mature now.

"I missed you, Ziah. After you left, I actually tried following you pero pinigilan ako ni Jin. Sinabi niya sa akin na kailangan ka naming bigyan ng space. Nalilito ako sa mga nangyayari noon pero sana hindi mo na maisipang umalis ulit." Sabi ni Viel

They actually gave me a lot of time to think. Hindi ko na ulit sasayangin ang oras ko para dun. Past is past. I should learn how to move on. Wala na naman akong mababago sa nakaraan. Kailangan ko na lang tanggapin ang mga nangyari.

"Hindi ko pa alam. Me leaving this country doesn't depend on me anymore. Nakauwi lang naman ako dito sa Pilipinas dahil dito ako pinadala ng hospital e. They could send me back. Don't mind me asking though. What happened when I left?" Tanong ko

Ewan ko. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa kanila habang wala ako. Nung lumipat ako sa Korea noon, nahirapan ako mag adjust. Halos araw araw akong umiyak. Pagkatapos ng ilang buwan narealize ko na kailangan ko nang bumangon ulit. Nandoon naman si Damon para sa akin.

"After mong umalis, hinanap ka kaagad ni Javier. Siguro ilang linggo din niyang pinagisipan na ligtas ka naman talaga kasama si Damon. Si Z naman, ilang araw din siyang umiyak. Sila Jin naman nagsimula nang uminom nung umalis ka. Nung narinig niya namang pupunta ka dito sa reunion bigla na siyang tumigil sa paginom. I'll thank Constantine for telling me that. Pati na rin si Ruki nagsimula na ding uminom. Si Kit naman parang nagpapakalunod na siya noon. Lahat kami nalungkot ng sobra simula nung umalis ka." Sagot ni Viel

Sasagot na sana ako sa kwento ni Viel pero bigla kong narinig na tumunog yung cellphone ko. Nilabas ko naman ito mula sa bulsa ko at nakita kong tumatawag si Kuya Javier. Lumabas muna ako saglit at sinagot ang phone ko.

Kuya Javier
Javier [ Hello. ]

Ziah [ Yes. Hello? ]

Javier [ Where are you right now? ]

Ziah [ Nakayla Ruki ako ngayon Kuya. May reunion kami e. Why? ]

Javier [ Yung director niyo sa Korea nandito ngayon. ]

Ziah [ Shit. Okay. I'll be there. ]

|CALL ENDED|

Hindi ako pwedeng, hindi magtrabaho agad. Noong pagkababa ko ng tawag ni Kuya, agad naman akong tumakbo palabas ng bahay nila Ruki. May narinig akong tumawag sa akin pero hindi ko na ito pinansin. Malapit lang naman yung hospital dito sa bahay nila Ruki, kaya pwedeng lakarin.

Pagkatapos ng ilang minuto kong pagtakbo nakarating na ako agad sa hospital. Agad naman akong naglakad papunta sa office ni Kuya. Nang makapasok ako sa loob, nakita kong naguusap silang dalawa. Napantingin naman sila sa akin. Nakalimutan kong kumatok sa pinto.

"Hi Ziah." Bati sa akin ni Keegan, yung director namin sa hospital

Akala ko ba hindi siya pupunta dito sa Pilipinas. Hindi ko ine-expect na pupunta siya dito.

"Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko

Ay tanga. Bakit ko siya tinagalog? Hindi naman yan marunong mag tagalog. Ang bobo ko talaga.

"Hindi kita pwedeng iwanan dito ng basta basta. They sent me here to assist you." Sagot ni Keegan

Wait. Marunong siya mag tagalog? Wag mo sabihin sa aking half filipino siya. Napatingin naman ako kay Kuya na mukhang gulat na gulat din sa pagsagot ni Keegan. Cute niya naman mag tagalog. Mag accent pa rin siya.

"Bakit kayo ganyan makatingin sa akin? I learned how to speak in tagalog bago ako magpunta dito. Hindi ko lang sinabi sa inyo. Nagbabasa ako ng maraming tagalog na libro. I have photographic memory kaya agad kong na-memorize ang mga nakasulat doon sa libro." Sabi ni Keegan

Grabe. Alam kong nagtatagalog na siya pero hindi pa rin kinakaya ng ilong ko ang mga sinasabi niya. Alam kong dito ako pinanganak pero bakit ganito? Parang kahit anong oras dudugo na yung ilong ko sa mga sinasabi niya.

"Anyways I have someone else to meet today. I'm hoping in seeing you around, Ziah." Sabi ni Keegan bago umalis

Ano ba naman yan. Kailangan ko tuloy gumising palagi ng maaga. Hindi ako pwedeng malate sa pagpasok ko. Lagot ako kay Keegan.

"Kuya. I hate you." Sabi ko

Nag peace sign naman siya sa akin.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! you may feel free to send me a message. if you also have any questions feel free to leave it in the comment section.

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now