Chapter 15

1.5K 43 3
                                    

Ziah's POV:)
Nagpaalam na sa akin si Jin noong naihatid niya na ako sa tapat ng hotel. Hindi ako experto sa pagmamahal, kaya nga sobrang dami kong nagawang pagkakamali sa buhay pero mukhang madaming alam si Jin tungkol dito.

Agad naman akong umakyat sa kwarto namin ni Damon. Dapat ko bang i-kwento sa kanya ang mga nangyari ngayon araw? No. Hindi na dapat. Baka makadagdag pa ko sa mga problema niya.

Noong pumasok ako sa hotel room namin, nakita ko naman si Damon na natutulog sa couch. Ang cute niya tignan. Baka nakatulog siya habang hinihintay ako. He always does this. Kahit gabi na ko umuuwi naghihintay pa rin siya.

Pumunta ako sa kwarto niya and ang cute niya kasi may dinikit siyang picture naming dalawa sa wall. Alam kong bawal gawin pero wala namang makakapigil sa kanya.

Lumapit naman ako sa kama niya at kinuha yung kumot. Agad naman akong lumabas ng kwarto niya at agad na lumapit sa kanya. Binalot ko naman sa kanya yung kumot at hinaplos ang ulo niya.

Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ko deserve ang isang katulad ni Damon? Ano namang nagawa ko para sa kanila? Huminga ako ng malalim at pumunta na sa kwarto ko. Agad naman akong humiga sa kama ko. Tinatamad na akong magpalit. Ganito na lang siguro ako matutulog.

~ TIMESKIP: NEXT MORNING ~

Nagising ako sa mahibing kong tulog dahil may biglang sumigaw sa tapat ng tenga ko. Nakalimutan kong i-set yung alarm. Dahan dahan ko namang binuksan ang mga mata ko at nakita si Damon na nakatayo sa gilid ng kama ko.

Kauma-umaga sigaw siya nang sigaw dyan. Baka marinig siya nang kapitbahay namin dito. Isumbong pa kami dun sa mga guard sa baba.

"Saan ka nagpunta kahapon at gabi ka na nakauwi?" Tanong ni Damon

Tumingin naman ako sa phone ko at nakita kong may mga missed calls ako galing kay Keegan. Bigla naman akong napatingin sa oras. Shit. Late na ko!

"I'm so sorry! Mamaya na ko mage-explain!" Sigaw ko bago tumakbo papunta ng banyo

Mabilis naman akong naligo at dali dali ko namang sinuot ang damit ko. Noong lumabas ako ng banyo, kinuha ko ang sapatos ko at agad lumabas ng kwarto ko. Nagulat naman ako ng makita kong kausap ni Damon si Keegan.

Paano niya naman nalaman na dito ako nakatira? Anong nangyayari? Patay na ko ngayon. Late nanaman ako sa trabaho.

"Ayan na pala si Ziah e. Kain ka na muna." Sabi ni Damon

Napatingin naman sa akin si Keegan at binigyan ako ng maliit na ngiti. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Baka magalit nanaman siya sa akin.

Naupo ako sa may dining table kung saan sila naguusap ngayon. Parang nanay ko na nga tong si Damon e kasi lagi niya kong pinaghahanda ng pagkain tapos lagi pa kong sinesermonan. Bwisit nga lang na nanay.

Kumuha ako ng konting kanin at ulam. Napansin ko naman na nakatitig sila sa aking pareho. Hindi ba nila alam na sobrang nakakailang ng ganyan? Hindi ko na lang pinansin ang mga titig nila at nagsimula na lang akong kumain.

Stop staring at me. Noong natapos na ko kumain, agad naman akong tumayo at nilagay ang pinagkainan ko sa lababo. Bumalik naman ako sa dining room at napansing nakatingin pa rin sila sa akin.

"Let's go, Sir Keegan. Late na ako sa trabaho." Sabi ko

Napangiti lang siya. Feeling ko anytime parang gusto niya na akong patayin. Feeling ko lang naman yun.

"I'm not here to bring you to work. I'm actually here to bring you on a date." Sabi ni Keegan

What? Nagmadali ako at kinabahan ako para sa wala? No. Ngayon ko lang narealize na hindi na pala siya ang boss ko kung hindi si Kuya.

"I'm sorry. What?" Tanong ko

Hindi naman sa hindi ko siya narinig no pero malay mo nagiimagine lang ako ngayon or something.

"We're going out for a date." Sagot ni Keegan

Lumapit naman siya sa akin at biglang hinawakan ang kamay ko. Agad naman niyang kinuha ang bag ko na nakasabit sa upuan ko at hinila ako palabas ng hotel. Bago yun narinig kong sumigaw si Damon.

"You have a lot of explaining to do!"

Kung hindi ako kay Keegan mamamatay, obviously kay Damon. Bakit pa kasi ako pinuntahan ni Keegan e? Ipapahamak yata ako netong lalaking to e.

"Narinig ko kay Damon na late ka nang umuwi kahapon ah." Sabi ni Keegan

So? Boyfriend ko ba siya? Ang sama ko pero kaibigan lang kasi ang turing ko sa kanya. Yes, we're friends but that doesn't mean that you could mind my business.

"Yeah and so?" Tanong ko

I know that I sound rude but I really didn't mean it. Nasa parking lot na kami ngayon. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto at agad naman akong pumasok sa loob ng kotse niya. To be honest, I would rather go to work right now than to be on a date with him.

Nung nakapasok na siya sa drivers seat, agad niya namang binuksan yung makina ng kotse niya.

"You we're supposed to be home early when that shitty guy came and took you." Sagot ni Keegan

Did he just call Jin shitty? Is he fucking serious right now? Bitch. No. Not on my watch. No one calls my friends shitty kahit sobrang close man natin. Sino ka ba para tawagin yung tao na shitty. It's not as if you're someone better than him or someone close to him.

"Hey. You don't call my friend shitty. You were never better than him and it's not as if he's someone you know to call him shitty. You better shut your mouth or I would do it for you. Drive before I change my mind." Sabi ko

The audacity. Nagsimula naman siyang mag drive. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ah pero kapag nagsalita pa ulit siya tungkol sa kaibigan ko, hindi ko na yun papalagpasin. Wala akong pake kung mag kaibigan kami.

Nung makarating kami sa restaurant na gusto niyang kainan, agad akong lumabas ng kotse niya. Hindi ko siya pinansin dahil naglakad na ako papasok ng restaurant. Agad naman akong nakahanap ng upuan.

Hindi pa rin siya nagsasalita at nakasunod lang siya sa akin. Hindi ko alam na ganito pala kataas yung pride niya. Well, I won't apologize.

Hindi ko siya kakausapin hangga't hindi siya nagso-sorry dahil sa mga sinabi niya kanina.

Ang ayoko sa ugali ni Keegan ay yung lagi siyang nangju-judge kahit hindi niya kilala yung tao. Hindi mo pa nga nakikilala tapos tatawagin niya nang shitty. I've known Jin for years now and I can say that he isn't shitty.

Nung lumapit na yung waiter sa table namin, umayos na ako ng upo.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now