Chapter 38

1.1K 35 1
                                    

Ruki's POV:)
Napagdesisyonan naming maghiwa-hiwalay muna bang landas mula sa building na pinanggalingan namin. Bigla kong naisipan na pumunta sa isang bar kaya naglakad ako papunta sa pinakamalapit na bar. Hindi na nila ako hiningan nang ID dahil mukha naman akong mature para pumunta dito.

Pumunta ako sa counter para kumuha nang inumin ko. Pagkaupo ko dun, lumapit agad sa akin yung bartender at tinanong kung anong gusto kong inumin. Kumuha lang ako nang isang baso nang vodka dahil kailangan ko pang mag drive pauwi.

Nagulat ako nang may biglang humawak sa balikat ko. Tumingin ako sa humawak sa balikat ko at nakakita nang isang babaeng masyadong SPG yung suot. Halatang halata na gusto niyang makakuha nang lalaki ngayong gabi.

"Pwede ba kitang i-accompany?" Tanong niya habang patuloy niyang hinahawakan yung muscles ko

Tsk. Daming malandi ngayon. Kaya nga ako pumunta dito nang magisa para masolo ko ang sarili ko e. This girl is just ruining my mood. I don't need her and her company. I need Ziah back.

"No." Maikling sagot ko

Bigla naman siyang sumimangot at naglakad palayo sa akin. Loyal kasi ako sa iisang bahae. I don't do one night stands kahit magpakita pa kayo nang mga sexy at magagandang babae sa harap ko.

"Sayang naman yung babaeng yun, bro. Ang ganda at ang sexy pa naman niya. Dapat pinatulan mo na." Sabi nang isang lalaki na nasa may handang kanan ko

Tinignan ko siya at tinaasan nang kilay. Bakit ba siya nakikielam nang buhay? Edi patulan niya kung gusto niya. Sadly, hindi siya ganon kagwapo para patulan siya nung babaeng lumapit sa akin kanina.

"Sorry pero hindi ako pumunta dito para makipaglandian. I'm here to mind my own business. Kaya kung gusto mong makipaglandian doon sa babaeng lumapit sa akin kanina edi makipaglandian ka. Hindi ako kasing cheap mo e. Besides I have a girlfriend. Loyal ako sa kanya. Hindi ako katulad nang ibang mga lalaki dyan sa paligid na basta maganda papatulan na lang nila." Sabi ko

Binigyan niya naman ako nang isang matalim na tingin. Binigyan ko lang siya nang isang blankong expression. Kala niya ba matatakot ako sa kanya? Sino ba siya? Tsk. Next time, they should learn how to mind their own business.

Pinagpatuloy ko ang paginom dahil wala na akong pake sa kung anong sasabihin niya. Hindi naman kami close para pakielaman niya yung ginagawa ko.

"Wait. Kilala kita ah. Ikaw yung famous model. Who knew na bastos ka pala kausap? Makapag vlog nga tungkol sayo." Sabi nung lalaki kanina

Wow. Is he threatening me with my career? Ngayon wala akong pake sa career ko and besides I could build my own company so what's there to be scared of?

"And so? Natakot na ako niyan? How about I tell everyone na nang babastos ka nang babae? How about that? Besides, people know how I deal with people like you so what's new?" Tanong ko

Kilala na ako nang mga tao sa kung paano ako magsalita at tanggap na nila ako sa kung sino ako. Wala akong pake kung may sasabihin sila tungkol sa akin. Nagulat naman ako nang bigla siyang nag walk out.

Akala ko pa naman palaban tong lalaki na yun. Wala naman palang kwenta. Takot din pala. Bakit kasi siya nagmamagaling diba?

Umorder naman ako nang isang bote nang vodka. Wala na akong pake kung malasing ako dito. Kaya ko pa namang mag drive hangga't hindi pa ako inaantok.

Medyo malapit lang naman dito ang bahay nila Ziah so ayos lang. Wala din masyadong pulis na nagpupunta dito kaya hindi naman siguro ako mahuhuli. Hindi ako ganon katanga para mahuli nang pulis. Besides, wala naman akong balak na gumawa nang violations e.

~ TIMESKIP: AFTER 2 HOURS ~

Naka tatlong bote na ako nang vodka nung nagsimula akong mahilo. Bigla ko namang napagdesisyonan na umuwi na. Pagod na rin ang katawan ko. Tumayo ako sa inuupuan ko at gumewang nang konti.

Nang naglakad ako, maraming tao ang bumabangga sa akin pero wala na akong pake dahil masyado na akong pagod para makipagaway.

3rd person's POV:)
Nagda-drive si Ruki habang pinipilit niya pa ring manatiling gising. Hindi ganon karaming kotse ang umuuwi ngayon dahil anong oras na din. Hindi na pinansin ni Ruki to dahil ayos lang sa kanya na walang masyadong kotse sa daan.

Nagulat naman si Ruki dahil parang may liwanag na tumama sa mata niya. Masakit sa mga maya yung liwanag na nakikita niya. Nagulat naman siya dahil may biglang bumusina. Mabilis naman niyang ginalaw ang manibela sa gilid nang kalsada.

Hindi tumigil ang kotse niya sa pagandar at bigla na lang siyang nabangga sa isang poste. Tumama naman ang ulo niya sa manibela nang kotse niya. Naipit naman ang paa niya doon sa ibabang parte nang kotse niya.

Hindi niya naman matanggal ang paa niya sa ibabang parte nang kotse niya. Medyo masakit ang kanyang ulo dahil sa pagkaka untog nito sa manibela niya. Nakikita niya namang umuusok yung harapan nang kotse niya.

Fuck. Bakit pa kasi ako uminom nang ganon kadami tsaka bakit kasi bigla bigla na lang may sumusulpot ba kotse sa kung saan. Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya. Wala siyang choice kung hindi tumawag nang tulong at ang kilala niya lang na gusto niyang makausap ngayon ay si Jin.

Tinawagan naman ni Ruki ang number ni Jin dahil nag sisimula nang mag manhid ang mga paa niya na nakaipit sa ibabang parte nang kotse. Hindi siya nagaalala sa kotse dahil kaya pa naman niyang bumili ulit. Ang gusto niya lang gawin ngayon ay ang makaalis doon sa kotse.

Ruki's POV:)
Nung tinawagan ko ang number ni Jin. Mabilis naman niya sinagot ang tawag ko. Buti na lang mabilis sumagot nang tawag tong si Jin.

Jin
Jin [ Yo? ]

Ruki [ Help me. ]

Jin [ Nasaan ka ngayon? ]

Ruki [ I'm stuck malapit sa building na pinuntahan natin kanina. ]

Jin [ What do you mean? Traffic ba? ]

Ruki [ No. Naipit yung paa ko dahil nabangga ko yung kotse ko sa isang poste. May bigla na lang kasing sumalubong sa aking kotse na may malakas na headlights. ]

Jin [ Alright. I'm coming. ]

|CALL ENDED|

Hindi ko alam kung bakit hindi masakit yung paa ko na nakaipit pero siguro nagma-manhid na talaga ako dahil sa dinarami-raming sakit na nararamdaman ko.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! love

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now