Chapter 20

1.2K 38 1
                                    

Ziah's POV:)
I woke up today with a massive headache. Nakita ko naman si Damon na papalapit sa akin na may dalang tubig. I don't remember drinking last night so bakit ang sakit ng ulo ko?

"Good morning." Bati ni Damon

Tumayo naman ako sa pagkakahiga ko sa kama ko. Wala din akong maalalang natulog ako sa sarili kong kama. Don't tell me na natulugan ko siya kahapon?

"Did we drink last night?" Tanong ko

Bigla naman siyang natawa. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? May mali ba sa sinabi ko?

"No. We didn't, Ziah. You were actually crying last night. Nakatulog ka na lang bigla." Sagot ni Damon

Right. Umiiyak nga pala ako kahapon. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Alam na alam na siguro ni Damon ang dahilan. Sayo kasi araw araw ko din siyang iniiyakan.

"Bawal kang pumasok ngayon ah. May lagnat ka. I'm leaving for work after you drink this medicine." Sabi ni Damon bago ako inabutan ng tubig at gamot

Dahan dahan ko namang ininom yung gamot. Pagkatapos nun, agad namang umalis si Damon para magtrabaho.

Wait. Kailangan ko pala kausapin si Keegan ngayon. Dali dali akong tumayo sa kinahihigaan ko at agad pumunta ng banyo. Masama ang pakiramdam ko pero mas importante talagang makausap ko ngayon si Keegan.

~ TIMESKIP: HOSPITAL ~

Naglalakad na ako sa hallways ng ospital papunta ng opisina ni Keegan. Sana hindi siya galit sa akin. To be honest, takot ako sa kanya.

Kumatok ako agad sa opisina niya noong pagkarating ko pero walang sumagot. Nung binuksan ko ang pinto, nakita ko na wala nang mga gamit sa lamesa. Maling opisina ba ang napuntahan ko?

Lumabas ako ng opisina niya at naglakad papunta sa opisina ni Kuya. Baka kasi nilipat ni Kuya ang opisina ni Keegan. Kung hindi naman siguro mali lang talaga ang napuntahan kong opisina.

Nang makarating ako sa opisina ni Kuya, hindi na ako kumatok at pumasok na agad ako. Tumingin naman siya sa akin na parang gulat na gulat siya na makita ako.

"Gago. Uso kasing kumatok, sis. Kaya nga may pinto e. Ano namang problema mo? Bakit ka nandito?" Tanong ni Kuya

Wow. Alam na alam niya na may kailangan ako ah. Tama naman kasi siya. Pumupunta lang ako dito sa opisina niya kapag may kailangan ako. Di naman kami masyadong nakakapagusap ni Kuya dahil parehas kaming busy.

"Alam mo ba kung nasaan si Keegan?" Tanong ko

Bigla namang nag iba ah ihip ng hangin noong tinanong ko iyon. Parang naging awkward yung hangin sa pagitan namin. Bigla na lang kasing nagbago yung mood niya.

"He didn't tell you?" Tanong ni Kuya

Tatanungin ko ba siya kung may sinabi sa akin si Keegan. Minsan hindi ko na lang talaga alam. Obvious naman siguro na walang sinabi sa akin si Keegan.

Inirapan ko lang siya. Anong tawag sa kanya? Obvious na obvious na yung sagot tapos tinatanong niya pa.

"He left yesterday. Bumalik na siya sa Korea." Sabi ni Kuya

What? Tama ba yung narinig ko? Nasaktan ko nanaman siya. Puro na lang masasamang ala-ala na lang ang maalala niya pagpunta niya dito sa Pilipinas. Nung narinig ko yung kwento niya tungkol sa ex girlfriend niya, sabi ko sa sarili ko bibigyan ko siya nang magandang experience dito.

Imbis naman na bigyan ko siya nang magandang experience dito sa Pilipinas, mas lalo ko lang siyang sinaktan. Sigurado akong hindi niya na ulit gugustuhing bumalik dito.

What have I done? Hindi ko alam kung paano na ako maga-apologize sa kanya. I really didn't mean to hurt him pero wala na, nagawa ko na.

Sobrang bait sa akin ni Keegan pero I on the other hand treated him badly. He doesn't deserve this. Dapat ba akong pumunta ng Korea para mag sorry sa kanya?

"I-I need to go." Sabi ko at agad na umalis

Naglakad naman ako palabas ng office ni Kuya. Sobrang gulat na gulat talaga ako. Hindi pa ako makapaniwala na umalis na talaga si Keegan. Parang kahapon kasama ko pa siya.

Habang naglalakad ako, nagulat ako dahil nakita ko si Ruki. Tumingin naman siya sa akin ng walang kaemo-emosyon sa kanyang mukha. Akala ko lalapit siya sa akin at kakausapin ako pero iniwas niya lang ang tingin niya sa akin at nilagpasan ako.

Nilagpasan niya lang ako na para bang hindi niya ako nakita. Naalala ko nga pala, kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko kung bakit ganito siya sa akin. Umalis na si Keegan. Iniiwasan naman ako ni Ruki.

Sino pa ba ang makakausap ko? Hindi naman pwedeng puro si Damon na lang. Nararamdaman ko na parang sobrang dami niya nang iniisip sa buhay niya. Ayoko nang dumagdag pa.

Jin. Hindi pa kami nakakapagusap ulit. Ewan ko. Wala pa akong lakas ng loob i-message siya. Feeling ko kasi sobrang busy niya din sa trabaho.

Hindi ko napansin na may nabangga ako hanggang sa muntik na akong matumba pero buti na lang at may humawak sa bewang ko. Napantingin naman ako sa kung sino ang nakahawak sa bewang ko at nakita si Kit.

Ang kauna-unahan kong best friend. Feeling ko kasi galit pa rin siya sa akin. Ayaw niya na nga akong bumalik noon e.

Bumalik lang naman ako dito kasi kailangan ko. Hindi naman sa hindi ko ginusto.

"Ziah. Ang init mo. May sakit ka ba?" Tanong ni Kit

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. What does he mean? Wait. May sakit nga pala ako. Bigla naman akong napatayo ng tuwid. Tinulak ko naman siya papalayo sa akin.

"I'm sorry." Sabi ko

Aalis na dapat ako pero bigla niya akong niyakap. What. Stop. Baka akalain nila boyfriend ko siya. I'm not gonna lie, I missed this though.

"Can we talk for awhile? I missed my best friend." Sabi ni Kit

Umalis naman ako sa pagkakayakap niya sa akin at dahan dahang tumingin sa kanya. Namiss ko rin si Kit.

"Sure. I missed you too." Sabi ko

Nginitian niya naman ako. I wasn't expecting this. Akala ko kasi galit pa rin siya sa akin. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"I hope this doesn't feel too awkward." Sabi ni Kit

Ang bait pa rin ni Kit. Nakakamiss siyang kausap. Nagsimula naman kaming maglakad. Sinusundan ko lang siya.

"No. It's not that awkward. I actually miss this." Sabi ko.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! if you have any ideas, please feel free to leave a comment in the comment section!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now