Chapter 24

1.1K 34 2
                                    

Ziah's POV:)
Nagulat naman ako nung tumawid si Damon bigla siyang nabangga ng kotse. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pinanood ko lang ang mga sunod sunod na pangyayari.

Nabalik lang ako sa katotohanan nang may taong biglang bumangga sa akin. Doon ko narealize na umiiyak na pala ako. Agad naman akong tumakbo papunta kay Damon at nilagay yung ulo niya sa lap ko.

Gising pa siya at nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Bakit niya pa nakakayanang ngumiti ngayon? Hindi na siya dapat nakangiti ngayon.

"Tulong! Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ko habang umiiyak

Tumingin ulit ako kay Damon pero patuloy lang siyang nakatingin sa akin habang nakangiti. Kasalanan ko to! Kung sinunod ko lang yung sinabi niya sa akin edi sana hindi na nangyari to. Kung nanatili lang ako sa bahay edi sana hindi na kami humantong sa ganitong sitwasyon.

"Damon! Wag kang bibitaw. Paparating na yung ambulansya, okay? Wag mong isasarado yang mga mata mo parang awa mo na. Wag mo kong iwan, Damon." Sabi ko

Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. Pinupunasan niya ngayon ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Pag may nangyaring masama kay Damon, sisisihin ko ang sarili ko. Kasalanan ko ang lahat nang to.

Doctor ako pero wala akong magawa para iligtas siya. Wala akong magawa para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Wala akong magawa para iwasan ang lahat nang to.

"Z-Ziah. Wag mo sanang sisihin ang sarili mo sa mga nangyayari. Magpakatatag ka. W-Wag ka na sa ang malungkot pa. Maging masaya ka na sa kanya. Wag mo nang alalahanin ang ibang bagay. H-Hindi na importante ang mga iyon. Ang importante ay ang masaya ka. Masaya ako dahil naging best friend kita. Masaya ako dahil nandito ako para sayo. Masaya ako. Mahal kita. Paalam na." Sabi ni Damon bago nagsara ang mga mata niya, nalaglag naman ang mga kamay niya mula sa lap ko

Hindi. Hindi pwedeng mamatay si Damon. Hindi pwede! Hindi siya pwedeng mawala. Tangina. Sobrang sakit. Kasalanan ko to.

Nilapag ko siya sa kalsada at binigyan siya nang CPR. Alam kong hindi ito gagana pero wala namang masama kung susubukan ko diba? Bigla ko namang narinig ang tunog ng ambulansya. Tangina. Kung nanatili lang sana ako sa bahay.

"Damon. Gumising ka na please. Wag ka nang magbiro. Hindi magandang biro to. Damon! Tangina, Damon. Akala ko ba hindi mo ako iiwan pero bakit ang aga mo namang umalis?" Tanong ko

Bigla namang may humila sa akin papalayo sa katawan ni Damon. Nagpumiglas naman ako. Hindi ko pwedeng iwan si Damon. Ayoko!

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko at nagpumiglas ulit

"Miss, tama na. Wala na siya." Sabi nung lalaki

Hindi buhay pa siya. Hindi ako iiwan ni Damon. Nangako siya sa akin na hindi niya ako iiwan. Alam kong tutuparin niya ang mga pangako niya.

"Hindi. Buhay pa siya! Buhay pa si Damon kaya pakawalan mo ako!" Sigaw ko ay nagpumiglas pa rin

Sobrang lakas mang lalaking nakakapit sa akin. Nagulat naman ako nang may biglang tumusok na karayom sa leeg ko. Nanghina ako at tinignan ko lang sila nang isakay nila si Damon sa ambulansya.

Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko.

Ruki's POV:)
Nakarinig naman ako ng serena nang ambulansya na malapit dito sa bar, kaya mabilis akong tumakbo kung saan nagmumula yung tunog. Napatigil ako nang makita kong may lalaking naglagay kay Ziah sa isang stretcher at pasakay ito nang ambulansya.

Napatingin naman ako sa kalsada. Puno ito ng dugo. Shit. Don't tell me. Mabilis naman akong tumakbo papalapit dun sa ambulansya at bigla akong sumakay. Tumingin naman sa akin yung lalaki ng may pagtataka.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko

"Sir, kaano ano ka po ng pasyente?" Tanong niya

Tangina. Nagtanong na nga ako tapos sinagot niya pa din ng tanong. Wala akong oras para sa mga tanong nila.

"Anong nangyari?!" Galit na tanong ko

Nagulat naman siya sa pag sigaw ko.

"Tinurukan lang po namin siya nang pampatulog dahil nagwawala po siya kanina. Namatay po yung boyfriend niya. Dadalhin po namin siya sa ospital para po makapagpahinga siya. Masyado po siyang nastress sa mga nangyari." Sagot nung lalaki

Umupo naman ako sa tabi ni Ziah at hinaplos ang pisngi niya. Sino naman ang namatay Ziah? Sino yung mahalagang lalaki na tinutukoy niya?

Mukhang sobra siyang napagod dahil sa kakaiyak niya. Namumula na kasi ang mga mata niya. Ayokong nakikita siyang ganito. Ayoko siyang nakikitang umiiyak.

Sinarado na nila ang pintuan ng ambulansya at nagsimula nang magmaneho. Wag kang magalala Ziah, nandito lang ako para sayo. Simula ngayon hindi na kita iiwan.

"Boyfriend ka po ba niya?" Tanong nung lalaki

Tinignan ko lang siya nang walang kaemo-emosyon sa mata. Feeling close ata tong lalaking to e. Hindi niya ba alam yung ibig sabihin ng privacy?

"Sorry sir. I was just curious." Sabi nung lalaki

"Well stop. Don't you know that curiosity kills the cat." Sabi ko, napalunok naman siya sa sinabi ko

I just don't want other people to meddle with my business. Hindi naman kami ganon kaclose. Dapat ko sigurong tawagan si Javier tsaka si Zander.

They'll be worried sick about Ziah. Gusto ko lang malaman kung sino yung namatay? Bakit ganito umakto si Ziah?

Ang malungkot dito ay wala akong magawa para sa kanya. Nakaupo lang ako dito. I wanted to make her feel better but I don't know how.

Hindi naman ako yung sweet at charming type ng tao e. I'm more on the cold and quiet type. Lahat yata nang tao takot lumapit sa akin.

May dala akong earphones sa bulsa ko. Nilabas ko naman ito at inabot doon sa lalaking kasama ko sa loob ng ambulansya. Agad niya naman itong kinuha nang may pagtataka sa mukha.

"Wear it. I need to talk to her." Sabi ko, agad niya naman itong sinuot

"Don't worry, Ziah. You're safe now. I hope you know na it's not your fault. Sana pagkagising mo ayos na ang lahat. If not, I'll be there to comfort you. I'll try my best. I'll do everything to make you happy." Sabi ko

I'll make her happy. Ayokong makita siyang malungkot.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i'm sorry! please don't hate me for this! i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to comment in the comment section. love.

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now