Chapter 30

1.1K 41 12
                                    

Ziah's POV:)
Nagulat naman ako nang may biglang tumunog na malapit sa tenga ko, mabilis naman akong bumangon sa hinihigaan ko. Nakita ko naman na nakatayo si Viel sa harap ko. May hawak naman na cellphone si Viel. Siguro nag alarm siya at sinadya niyang itapat sa tenga ko yung alarm.

"Pagod ako. Wag ngayon, Viel." Sabi ko bago humiga ulit

Ewan ko. Feeling ko nga wala na yung kaluluwa ko sa loob ng katawan ko. It feels weird. I feel empty inside. Hindi ko alam kung bakit ko pa hinahayaang maging ganito ang sarili ko pero wala na akong pake.

"We need to go, Ziah. Ililibing na ngayon si Damon. Kailangan mo ding makita yung ibang mga kapamilya ni Damon. Kakausapin pa sila ng mga magulang ni Damon but I'm sure that they'll understand. We'll be there for you. Don't worry." Sabi ni Viel

Kinakabahan nanama ako. Hindi ko talaga alam kung bakit ayaw kong nararamdaman to. Hindi naman ganito kalala ang naramdaman ko kahapon. Yes. I'll be there kahit na alam kong wala akong karapatang mag punta dun.

Unknown's POV:)
I'm sorry for making you suffer like this pero pangako ko sayo, babawi ako. Papasayahin kita ulit pero hindi muna ngayon. I can't help but to watch you suffer on your own.

Hindi ko naman ginusto na maging ganito ang lahat pero kailangan kong gawin to. Sana makabalik ako sa tabi mo. I'll be here by your side no matter what. I hope that you'll wait for me.

Gusto ko lang din na malaman mo na tuwing nakikita kitang nahihirapan parang gusto na lang kitang yakapin nang mahigpit. Hindi lang ngayon ang oras para gawin ko yun pero pangako babalik ako.

Ziah's POV:)
Pagkatapos pagaanin ni Viel ang loob ko, lumabas na siya nang kwarto ko para bigyan ako nang space. Tumayo ako at agad pumunta nang banyo. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin.

Ang panget ko na. Mukha na akong patay. Kailangan mo nang magayos para kay Damon sa huling pagkakataon. Naligo na ako at nagbihis na din. Bigla naman akong nakaramdam ng gutom. Hindi ko kasi nakain kahapon yung niluto ng magulang ni Damon.

Hindi pa rin nawawala sa sistema ko yung kaba na nararamdaman ko. I hope that this ends well. Sana. Sana hindi ako masyadong mahirap sa mga mangyayari. Kaya mo to Ziah, para kay Damon. Gawin mo lahat ng to para kay Damon.

Nagulat nama ako nang may biglang kumatok sa kwarto ko. Pumunta ako sa may pinto at binuksan ito. Hindi si Viel ang nakita ko kung hindi si Kuya Zander. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang lumabas ng kwarto niya. Lagi kasi siyang nagkukulong sa kwarto niya e.

Pumasok siya ng kwarto ko at sinarado ko naman ang pinto. Nakita ko naman siyang umupo sa kama ko. Mukhang kulang din siya sa tulog.

"I'm sorry for not being there when you needed me the most, Ziah. Naging selfish ako at inisip ko na ako lang ang nawalan ng kaibigan. Hindi ko naisip na nawalan ka din ng kaibigan. You cared for him. Lagi mo siyang nakakasama at alam kong hanggang ngayon hindi mo pa din tanggap na wala na siya. He may not be here physically but he will always be in your heart, Ziah. Hinding hindi ka pababayaan ni Damon. Knowing Damon, hindi siya pabayang tao. Ayaw ka niyang nakikitang malungkot. Ganon din ang mga kaibigan mo na nandito. Be happy. Nami-miss ka na ng mga kaibigan mo." Sabi ni Kuya Zander

Naa-appreciate ko yung pag cheer up niya sa akin at yung pag try na pagaanin yung loob ko. Siguro nga dapat maging masaya na din ako. Hindi lang siguro ngayon.

"Sorry din Kuya at hindi ko napagaan ang loob mo. Alam kong mas una mo siyang nakilala sa akin. Sobrang sakit lang kasi lalo na ilang taon ko din siya nakasama. Sa susunod iisipin ko din ang mga nararamdaman niya. Salamat Kuya." Sabi ko

Binigyan naman ako ni Kuya Zander nang isang maliit na ngiti. Tinanguan ko lang siya bilang tugon. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung paano nila nagagawang ngumiti sa ganitong panahon.

Unknown's POV:)
Hinihintay ko silang makarating. Gusto ko siyang makita bago ko ayusin ang buhay ko. Alam ko namang kaya niyang maging masaya kahit wala ako.

Hindi lang siya ang gusto kong makita. May ibang tao pa sa buhay ko na gusto kong makita bago ako mag bagong buhay. Hindi ko lang pwedeng ipakita ang sarili ko sa kanila ngayon.

Alam kong marami na akong nasaktan pero babawi ako kapag pwede na talaga akong bumalik. Pangako ko yan, hindi ko naman talaga siya kayang iwan e.

Nangako ako na tutuparin namin lahat nang pinangarap naming magkasama.

Ziah's POV:)
Sana walang masamang mangyayari. Sana open-minded din sila katulad nung mga magulang ni Damon tsaka ni Kylee. Sana tanggapin din nila ako. Ako mismo hindi ko tanggap sarili ko.

Sana nga matutunan ko ding tanggapin yung sarili ko e. Siguro matatanggap ko lang yung sarili ko pag natanggap ko na ang pagkamatay ni Damon. Alam kong oras na para gawin ko yun pero hindi ko pa kaya.

Minsan hindi ko pa talaga kayang tanggapin yung sarili ko dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Kung hindi lang sana ako umalis mang bahay nung araw na yun, hindi na sana siya namatay. Kung hindi lang sana niya ako nakilala edi sana buhay pa siya hanggang ngayon.

Wala na akong best friend na palaging nandyan para sa akin. Ako na lang ang nandito para sa sarili ko. Alam ko namang nandyan pa sila Ruki pero iba talaga yung nandyan si Damon e.

Hintayin mo ako Damon. Hintayin mo ko. Magkikita din tayo sa hinaharap. Matutupad din natin lahat ng mga pangarap natin.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to leave a comment in the comment section. thank you for all the support! you may also feel free to send a message!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now