Chapter 18

1.3K 36 3
                                    

Ziah's POV:)
Nakarating na kami ni Ruki sa park at sobrang tahimik namin. Wala talaga siyang balak magsalita? Kasi kung wala talaga siyang balak magsalita uuwi na lang ako.

"Wala ka bang sasabihin? Kasi kung wala, uuwi na lang ako." Sabi ko

Tumayo ako mula sa swing at naglakad na paalis pero bago ako makalayo, nahawakan na ni Ruki yung wrist ko. Hinila niya naman ako papalapit sa kanya causing me to fall onto him.

Bigla ko namang naramdaman yung mabilis na pagtibok ng puso ko. I'm not supposed to feel this way. Why? Why am I feeling this?

Aalis na sana ako sa pagkakayakap niya sa akin pero bigla niya ito hinigpitan. Para bang ayaw niya na ako pakawalan.

"Stay." Sabi ni Ruki

Naramdaman ko yung hininga niya na malapit sa tenga ko. That made me shiver. Ang lakas pa rin ng pantig ng puso ko.

Anong ginagawa mo sa akin, Ruki? Don't do this to me. Sana hindi niya nararamdaman ang malakas na pag pantig ng puso ko ngayon. I know that's impossible kasi sobrang lapit niya sa akin.

"Sabihin mo na sa akin kung anong gusto mong sabihin para makauwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Damon." Pabulong kong sinabi para hindi niya ito marinig pero mukhang narinig niya dahil bigla siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin

It's not like I have any relationship with Damon. Hindi niya naman kailangan mag selos.

"I feel jealous of Damon because we can never be as close as we were before. We can never be as happy as we are before. We can never be less awkward. I don't know why I still like you but I easily get jealous whenever I see you with other guys. I like you, Ziah. A lot." Sabi ni Ruki

Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Bigla namang tumibok ang puso ko ng sobrang bilis. Gusto ko din ba siya? No. I can't. Sikat na siya ngayon. Baka kung ano ano naman masabi sa amin ng mga tao ngayon. Takot na din akong masaktan ulit.

He's a very famous photographer. Minsan naman nagmo-model din siya para sa ibang brand. I don't want to see people talking about us. Hindi ako kasing ganda ng ibang babae na nakakasama niya. He's too perfect.

Dati siguro hiniling ko na sana maging kami pero ngayon iba na. Hindi na kami pwedeng bumalik sa dati kung saan ibinibigay ko ang lahat para sa kanya.

"I'm sorry, Ruki. Hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati kung saan isinasakripisyo ko pa lahat para sayo. Tapos na ko dyan. We're not meant to be together anymore. Sana maintindihan mo. I don't like you anymore." Sabi ko

Nasasaktan din ako sa mga sinasabi ko sa kanya dahil ngayon alam ko na, na may nararamdaman pa rin ako para sa kanya.

"Why? Hindi na importante kung anong nangyari noong nakaraan, Ziah. We should focus on our future. Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako gusto." Sabi ni Ruki

Why is he tempting me like this? He doesn't know how much I want him right now. Gusto ko man siya pero hindi ko alam kung magtatagal ba kami.

"Siguro para sayo hindi na yun importante pero alam mo naman kung anong pinagdaanan ko nun. Besides that, a lot of people adore you now. Hindi mo ba alam kung anong magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang may dine-date ka?" Sabi ko.

He's too perfect for me. Nafe-feel ko na I'm out of his league. Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko ngayon pero wala na akong pake. Nasaktan na rin naman na ako dati.

"Other people's opinion doesn't matter, Ziah. Ang importante dito ngayon ay yung parehas nating gusto ang isa't isa. I'm not as perfect as people think I am. Walang perpektong tao sa mundo, Ziah. Wala din akong pakielam sa sasabihin ng mga tao. Ang importante ay gusto natin ang isa't isa." Sabi ni Ruki

Tama na Ruki.

"You should know by now that other people's opinion matters to me, Ruki. I don't want to get involved in any issues with anyone. Sino naman din nagsabi sayong gusto kita, Ruki? Oo. Dati gusto kita pero hindi na nga ngayon." Sabi ko

May pagkagulat naman sa mga mata niya. Naniwala ba siya? Hindi lang naman ako nagsisinungaling sa kanya e kundi sa sarili ko din.

"What?" Tanong ni Ruki

Ayokong umiyak sa harap niya dahil malalaman niya lang na may nararamdaman pa ako para sa kanya. Ayokong umiyak ngayon.

"I'm sorry, Ruki." Sabi ko

Tumalikod na ako pero bago ako tuluyang makalayo, narinig ko siyang magsalita.

"Hindi na tayo pwedeng maging mag kaibigan kapag ni-reject mo ako. I can't pretend as if I feel nothing for you, Ziah. I can't lie to myself like that. I hope that you know that I like you. Hihintayin pa rin kita pero don't expect me to talk to you or to act like nothing happened." Sabi ni Ruki

Gusto ko siyang yakapin ngayon pero imbis na yakapin ko siya, nanatili lang akong nakatayo doon. Naramdaman kong tumutulo ang mga luha ko. No matter how much I wanted to be with him. I can't.

Nagsimula na akong maglakad palayo mula sa kanya. I'm an idiot for crying after rejecting someone I like.

"I hope that you know I love you too, Ruki." Bulong ko sa sarili ko

Yun ang mga salitang hindi ko kayang sabihin sa kanya. Gusto ko man pero hindi ko magawa. Kinakain na lang ako ng takot ngayon.

Baka kasi saktan niya ulit ako. Sobrang sakit na saktan siya pero bakit ganon parang nasasanay na ako ngayon sa sakit. Siguro kasi naramdaman ko na ito dati.

Bigla naman akong may naramdamang patak nang ulan. Tumingin naman ako sa langit. Siguro nararamdaman din ng langit ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! if you have any ideas, feel free to leave a comment in the comment section! feel free to send a message!

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon