Chapter 22

1.1K 33 2
                                    

Ziah's POV:)
Pagkatapos mag drive ni Kit nang ilang minuto nakarating na agad kami sa bahay nila. Noong naglalakad na kami ni Kit papunta sa harap ng pinto nang bahay nila, napansin ko na ang kami pala ng bahay nila Kylee.

Kumatok si Kit sa pinto nila at agad namang bumukas yung front door nila. Nagtago ako sa likod ni Kit para hindi ako makita ni Kyle. Gusto ko siyang i-surprise.

"Hoy! Nambababae ka ba? Nag send sa akin ng picture yung isa kong kaibigan! Nakita ka niya kanina sa may timezone! Hinayupak ka. May gana ka pa talagang mambabae?!" Sigaw ni Kylee kay Kit

Gusto kong matawa sa mga sinasabi ni Kylee ngayon pero ayoko namang sirain yung surprise. Nagulat naman ako ng biglang pinalo ni Kylee si Kit sa may dibdib. Eto namang si Kit mukhang gusto din niyang matawa.

"Masakit babe! Tama na." Sabi ni Kit

Hindi pa din tumigil si Kylee sa paghahampas kay Kit. Kaya hinawakan na lang ni Kit yung kamay ni Kylee. PDA!

"Wag mo kong ma-babe babe dyan ah. Gago ka! Dun ka na sa babae mo! Lumayas ka dito sa pamamahay ko!" Sigaw ni Kylee

Pinipilit siyang itulak ni Kylee. Mas malakas nga lang si Kit kaya hindi siya masyadong naitulak ni Kylee. Grabe. Hindi naman kayang mambabae ni Kit.

"Wala akong babae, baliw ka babe!" Sabi ni Kit

Bigla naman siyang sinabunutan ni Kylee. Grabe naman pala tong si Kylee, medyo brutal. Hindi pala medyo, sobrang brutal. Ngayon ko lang nakita yung ganitong side ni Kylee. Dati kasi wala siyang maganyan. Wala naman kasi kaming mga boyfriend dati e.

"Wag mo kong matawag tawag na baliw ah! Break na tayo!" Sigaw ni Kylee

Buti hindi nagagalit yung mga kapitbahay nila kapag ganito kaingay si Kylee. Kung may ganyan akong kapitbahay, maglalabas talaga ako ng walis. Ayoko kasi ng maingay e.

"Anong break? Walang magbe-break. Kasal na tayo babe. Hindi na tayo mag jowa." Sabi ni Kit

May punto din naman si Kit dun. Mag asawa na nga magbe-break pa? Gago lang? Joke. Mahal ko naman yan si Kylee kahit minsan hindi siya nagiisip.

"Edi lumayas ka na lang hinayupak ka! Wag ka nang babalik pa! Pagkatapos mong mangbabae ang lakas naman ng loob mong bumalik pa dito." Sigaw ni Kylee at biglang sinabunutan si Kit ulit

Hinawakan naman ni Kit yung kabilang kamay ni Kylee na nakasabunot sa buhok niya. Kakaiba pala maging girlfriend to si Kylee e, brutal. Kung ako yung boyfriend niya jusko hindi ako magpapaganyan.

"Gago babe! Wala nga akong babae. Tignan mo." Sabi ni Kit bago umuronv ng kaunti para makita ako ni Kylee

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Kylee. Ngayon na lang ulit kami nagkita. Namiss ko rin siya.

"Ziah! Hayup ka! Ikaw pala yung kasama ni Kit. Bakit hindi mo naman sinabi Kit?" Tanong ni Kylee

Bigla namang napakamot sa batok si Kit. Paano ba naman kasi niya masasabi e bago pa siya makapagsalita inaway na agad siya ni Kylee. Bigla naman akong inakbayan ni Kylee at tumingin kay Kit.

"Babe, paano ba naman ako mageexplain pinalo palo mo na ko at sinabunutan." Sagot ni Kit

Bigla namang natawa si Kylee sa sinabi ni Kit. Hanggang ngayon baliw pa rin siya sa sarili niyang mga kalokohan. Nagulat ako nang bigla akong binatukan ni Kylee.

"Alam mo bang ilang taon kitang hinintay?" Tanong ni Kylee

Aray ah! Kailangan talaga niyang mambatok? Is this her way of welcoming me back? Grabe. Bakit kaya ganito umakto si Kylee. Hindi naman siya ganito kabrutal dati ah.

"Hindi mo ba alam na kasama ko ang kapatid mo ng walong taon sa Korea?" Tanong ko

Bigla naman siyang umirap. Hinila niya naman ako sa loob ng bahay nila. Ang laki din sa loob. Ang ganda naman pala dito.

"Obvious ba? Hindi naman kami naguusap ni Kuya e. Ikaw lang naman yung babaeng naging ka close nun. Kahit nga sila Eunice tsaka Clarice, hindi niya pinapansin e. He only has his eyes for you. Pati bibig niya rin ata sayo na e. Gulat nga ako hindi naging kayo e. Ngayon ko lang nalaman na ikaw pala yung kasama niya sa Korea. Never naman kasi namin kinausap ang isa't isa. Unless hinahanap ka niya." Sagot ni Kylee

Silang dalawa lang ni Damon ang nakita kong mag kapatid na hindi close sa isa't isa. Siguro nga kahit magkasama silang dalawa, hindi nila kakausapin ang isa't isa. Katulad nga nang sinabi niya, hindi din pinapansin ni Damon si Eunice at Clarice.

"Alam mo Kylee, dapat meron kang relasyon sa kapatid mo. Paano na lang yan kung wala ang mga magulang niyo. Kayo lang ang palaging nandyan para sa isa't isa tapos kayo pa yung hindi nagpapansinan. Mabait naman yan si Damon e, hindi lang siya palasalita. Unless chicks ang kasama niya pero pag hindi niya talaga kaclose, hindi talaga siya magsasalita. Unless ikaw ang unang kumausap sa kanya. Try to build a relationship with him. I know that he will be a good brother to you. Ako nga kahit best friend niya lang mabait pa rin siya sa akin e." Sabi ko

Bigla naman siyang tumawa.

"I'm surprise na ang dami mong nasabi. Ang alam ko hindi ka na mahilig magsalita e but I'm surprised to hear something like that from you. Anyways, I'll still try my best to talk to him pero wala na akong magagawa kung ayaw niya talagang makipagusap sa akin. Knowing him, I don't think that he'll talk to me." Sabi ni Kylee

Hindi ko talaga alam kung bakit hindi sila magkaclose. Siguro dahil sobrang distant nga naman talaga ni Damon sa pamilya niya hindi katulad ni Kylee. I never saw him with anyone else except his friends.

"Namiss kita though! Tangina ka. Hindi ka manlang nagsabi na uuwi ka pala. Sabunutan kita dyan e!" Sabi ni Kylee

Binigyan ko lang siya nang isang maliit na ngiti. Tinakasan ko lang kasi yung problema ko dati. Yun lang yun at alam kong hindi ko na ulit pwedeng gawin yun. Gusto ko nang maging malakas para sa sarili ko.

"Sorry pero ang importante naman, nandito na ako ulit. I'm staying here for good. I still don't know how to handle my shit though. I rejected him." Sabi ko

Bigla niya naman akong tinapik sa likod ko. It feels like she's telling me that she feels sorry for me.  I wanted to tell him how I feel pero hindi ko kaya. Ayokong masaktan ulit.

"Alam mo Ziah, kailangan mong pagisipan yan. Hindi ka lang dapat nang re-reject agad. Hihintayin ka naman niya e. Wag ka nang malungkot. Alam mo magpakasaya muna tayo ngayon. Let's go to the bar. My treat." Sabi ni Kylee

Wala naman akong ibang magawa kung hindi tumango. Ngayon na lang ako mage-enjoy kaya pagbibigyan ko na siguro ngayon ang sarili ko. Kahit ngayon lang.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to leave a comment in the comment section.

——— TO BE CONTINUED ———hi!i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to leave a comment in the comment section

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

thanks,
X

Where do I belong? ( BOOK 2, COMPLETED )Where stories live. Discover now